Chapter 29

1.1K 46 5
                                    

(3rd Person)

Parang batang naka nakanlong si Kai kay Luna. Nanginginig si Kai habang naka yakap kay Luna.

"Ang sama Luna...Hindi ko talaga ito matatakasan.... Bumabalik na..."

"Sshhh...Kai kumalma ka na"

Iyon lamang ang nasasabi ni Luna. Nagulat din siya dahil 2:16 ng madaling araw, biglang sumigaw si Kai kaya nagpanic siya.

"Pin-pinatay ko silang lahat. S-sinabit ko ang mga ulo nila sa puno...Kk-kinain ko yung...iba sa kanila... B-binuksan ko sssilang buhay Luna..Nakakatakot!"

Sabi ni Kai habang nakatakip ng tenga

"T-tahimik na!" -Kai
"Tahana Kai. Masamang panaginip lang iyon..Tahana" sabi ni Luna habang dinadaan ang kamay niya sa buhok ni Kai

"Hindi sila panaginip...Sila ang nawawala kong alaala na bumabalik na"

Sabi ni Kai sabay baon ng ulo niya sa leeg ni Luna

Walang masabi si Luna sa sagot ni Kai...

"Parang sunod-sunod na ang problemang dumarating ah....Hindi! Maging positibo lang!" sabi ni Luna sa loob- loob niya.

"Matulog na lang tayo Kai. Tumabi ka muna sa akin" iyon ang nasagot niya.

Oo,hindi tumatabi si Kai o si Luna sa isa't isa kapag natutulog..

Agad namang nagtalukbong si Kai ng kumot.

"Good night Kai."
"Uhmm..Good night din *yawn*"

Pinagmasdan muna ni Luna si Kai na natutulog. Pagkatapos niyon ay natulog na din siya.

Kinaumagahan,nagluluto na si Luna ng pagkain nila bago pumunta sa trabaho.

"Grrrrr! Arf arf arf!! Rrrrrrrr! Rrrrarf!!"

Agad napa lingon si Luna sa sala.
"Kai,bakit? Sinong tinatahulan mo?"

Lumapit si Luna kay Kai.na nakasilip sa bintana.

"Wala naman...Kai? Tamana.."

Hindi siya pinansin ni Kai at tahol lang ng tahol.. Nagkibit balikat lang si Luna at bumalik na sa pagluluto. Habang papunta sa kusina..

Screeeeeeeeeeeeeeeeech!

Napalingon agad si Luna

"K-KAI!!! Bakit mo ginagasgasan yang salamin ng bintana!" sabi ni Luna sabay hawi sa kamay ni Kai

"Hay! Tara na Kai,kakain na tayo" mahinahon namang sinabi iyon ni Luna.

"Pasensya na,egg,hotdog at fried rice lang ngayon.." sabi ni Luna
"Ok lang....." sabi ni Kai habang inuusog yung spoon palayo sa plate niya
"Ayaw kong gumamit ng spoon and fork"

Malumanay na sinabi ni Kai. Pumayag naman si Luna. Nakadalawang subo palang si Luna,ubos na lahat ng nasa plato ni Kai.

"O? Ang bilis mo! Pero,ang kalat mong kumain"

Agad naman pinunasan ni Kai ang labi niya pero lalo lang kumalat yung kanin sa mukha niya.

"Teka,may kanin pa dito" inabot ni Luna ang pisngi ni Kai

"Rrr-Am!!"
"!!!!"

Muntikang makagat ang daliri ni Luna

"Kai???" mataas na tonong sinabi ni Luna habang hawak ang kamay niyang muntikang makagat.
"S-sorry Luna! Sorry!" mukhang nabigla din siya sa ginawa niya

The Awakening of the Black Wolf (EXO Kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon