Chapter 31

1K 41 2
                                    

(Kai)

Nagising ako na parang nagaapoy ang katawan ko. Init na init ako. Parang lumalaki-lumiliit yung mga gamit sa paligid ko. Hindi ako makabangon. Kahit tumagilid hindi ko kaya.

Naririnig ko ang si Luna sa labas,naglalakad.

"Kai,Kai. Gising ka na ba? Kai?"

"L-luna." bulong ko. Hindi talaga ako makatayo.

"Kai?"

Itiningin ko ang mga mata ko sa pinto at nakita ko si Luna na pumasok.

"Kai! Ok ka lang ba? Kai? Kai!! Sumagot ka Kai!" sabi ni Luna habang marahan niyang tinatapik ang pisngi ko.

Nakatingin lang ako sa mga magaganda niyang mata at hindi makasagot.

"Ang taas ng temperatura mo! Dadalhin kita sa ospital!"

Bubuhatin na niya sana ako nang pumikit ako ng madiin at minulat ulit ang mata ko. Para ipakita ko sa kaniya na ayaw ko at gumana naman.

"A-ayaw mo? Magiging malala yang sakit mo!"

Inulit ko ang ginawa ko.
"Hindi kita maintindihan! Bakit ayaw mo?"

Natataranta na si Luna. Ako naman ramdam ko na bibigay na katawan ko. Napipikit na ang mga mata ko,lumalabo na ang paningin ko.

Maya-maya,may nakita akong tao sa likod ni Luna. Hindi ko masabi,hindi ko din makilala. Hahawakan na niya si Luna! Wag! Wag mo siyang lapitan!

"Professor En??!!"

Professor En??....

------------

(Luna)

Sobra akong nagulat nang may humawak sa balikat ko at si Professor En pa!

"Professor? Nandito ka!"

Halata sa mukha niyang malungkot siya. Nilapitan niya si Kai at tinignan. Nakatingin rin si Kai sa kaniya at halata na sobrang nanghihina si Kai.

"Pr-prof. Tulungan mo siya"

Pagkasabi ko niyon,biglang nasa bahay na niya na kami. Medyo nahilo pa ako.

Nakahiga si Kai sa sofa.

"Sabi ko po sa kaniya dalhin ko na lang siya sa ospital ayaw niya." sabi ko

"Tama lang sinabi niya"
"Po?"
"Kaysa naman marami pangmasawi. Kaysa naman magkagulo"

"...A-ano po ba nangyayari sa kaniya?"
"There is something wrong about him. Hindi stable ang body niya. May kulang."

Lumingon siya sa akin.

"Un-S-stable?"

Tinitignan pa rin niya ako at lumapit siya kaunti

"Nasa iyo ang kalahati.."
"Kalahati?"

"Ng black fire. Kaya pala iba ang aura mo. Ang black fire ang nagsisilbing niyang balancer ng kaniyang energy forces. Dahil sa naguumapaw na ang negative at positive energies niya at hindi na balanse nagkakaroon siya ng mataas na temperatura minsan mababa."

"So ibig sabihin dapat ko ng ibigay ito sa kaniya?"
"Oo.."

"W-walang problema. Para sa ikabubuti niya"

The Awakening of the Black Wolf (EXO Kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon