21

29 8 3
                                    

Ipinarada ko sa nalang sa labas ng gate dahil maraming sasakyan ang naroroon maging sa garahe. Huminga muna ang ng malalim ng maraming beses para kalmahin ang sistema ko. Bumaba ako at naglakad nalang papasok. Alas sais y media empunto na ng makarating ako at malapit narin tuluyang dumilim. Nasa may gate palang ako ay maingay na ang nasa kabahayan, kita ko rin ang ibang bisita. Pagpasok ko ng kabahayan madilim kaya't kinapa ko ang switch sa gilid. I'm expecting a loud chant as I open the light but the silence and empty house welcomed me. Kumunot ang noo ko at inilibot ang paningin sa kabuuan pero wala ni isang tao akong nakita.

Umakyat ako ng hagdan habang dala ko ang bag ko.

"Pa? Damon? Asan kayo? Djhay?" But no one responded. "San sila nagpunta?" Ipinasok ko nalang sa kwarto ko ang bag ko at nanatili sa kamay ko cellphone at ang singsing nakuha ko kanina, na nasa ring finger ko ngayon. Lumabas din ako para hanapin sila.

Maging sa living room ay walang bakas na mayroong tao. Maging sa kusina ay walang bakas ng kahit ano o iniwang gawain doon.

I traced the path going to our house backyard. Silence are deafening me and only the mini fountain was producing noise. Nakarating ako sa kabilang side ng pool sa likod-bahay at kita ko ang mahabang mesa na may mga pagkain at mga bulbs sa gilid ng pool, pero walang tao.

Tumigil ako sa paglalakad at tinawagan alin man sa mga kapatid ko pero hindi sila sumasagot. Maging ang mga pamangkin ko. My dad's also not answering my calls.

"Ano bang nangyayari? Im nervous! Chel?" Pero wala parin silang response. "Where did they fucking go?" I murmured. Nag-ikot pa ako at sinisilip bawat sulok dahil baka pinagtataguan lang ako at pinagti-trip-an.

Napunta ako sa pinakalikod kung saan may barn house akong pina-construct doon.  But there is nothing there but a person sitting on its bench. Nakatalikod siya sakin at bawat paglapit ko ay dumadagungdong ang tibok ng puso ko. Ilang hakbang nalang ay biglang umilaw lahat ng light bulbs na dim lang at biglang humarap sakin ang lalake.

Bumadha sakin ang lahat ng pangungulila na nararamdaman ko mula pa kanina. Hindi maalis ang paningin ko sakanya kahit pa patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Patuloy lang ako sa paghakbang. Naninikip ang dibdib ko at may tensyong namumuo sa sistema ko. Tumigil lang ako ng nasa harap na ako niya pero ang luha ko ay patuloy lang sa pagbuhos habang malamlam ang mata niyang nakatitig sakin.

"Sshh, stop crying baby." His soft voice invade my ears. He held my face to wipe my face using his thumb but that's only the cue to made me cry more. "I finally came to your birthday... Happy birthday b-aby..."

Sobrang lungkot ng boses niya kaya mas sumidhi ang damdamin ko at sinunggaban siya ng yakap at napahagulhol nalang habang mahigpit siyang nakayakap sakin.

"Sorry baby." Turan niyang muli. "For not showing up to your birthday 5 years ago." He even stifle his cry at may hinigpitan ang yakap sakin. He showered me kisses on the top of my head. "Sorry... Sorry baby."

Mas humigpit din ang yakap ko sakanya habang patuloy ako sa paghagulhol.

Nanatili kaming magkayakap sa isa't isa habang panay ang iyak namin. Marahan niyang sinusuklay ang buhok ko habang patuloy lang ako sa pag-iyak. Parang ayaw ko ng bumitaw sakanya dahil sa pangungulila ko sakanya. Gusto kong manatili sa mga bisig niya sa tagal ng panahon na hinahangad kong maramdaman ulit. At ngayon ay parang ayaw ko ng matapos, ayaw ko ng tapusin.

Pilit niya akong inaalo at kinakalas sa pagkayakap ko sakanya pero hindi ako bumibitaw. Kaya binuhat nalang ako niya at pinaupo sa tabi niya habang nanatili akong nakayakap sakanya.

Love In The Absence (Together Series #1)Where stories live. Discover now