15

29 8 3
                                    

ARAW-ARAW, paulit-ulit nalang. He always keep on coming to my office just to ask for me if we can talk. Hindi ko nalang pinapansin at kusa nalang siyang umaalis ng bigo.

All of us are busy right now dahil sa malaking project namin this month. Kakatapos lang ng proposal at presentation ng tatlong department ng aking kompanya. And it was successful. We can now breath at ease but not totally. Hindi pa tapos ang mga demands nila and it's on going. All the employees in the factory are gathered even though it's not their shift. Kailangan naming matapos lahat sa loob nalang ng 8 araw. Apat linggo lang at mahigit isang linggo nalang ang natitira.

"Ma'am papasukin ko ba?" Si Daphnie iyon na nagsalita sa intercom. Napasinghap nalang ako at napailing.

"No." Isang sagot ko lang ay hindi na nagtanong pa si Daphnie. I said it with finality on it.

Sa araw-araw na pangungulit niya mas lalo akong naiirita at mas lalong umuusbong ang pagkamuhi ko sa nakaraan. Mas lalo akong nasasaktan pag nadiyan siya sa malapit. Pero habang tumatagal ay nahahabag ako sa sakit na nakikita ko sa mga mata niya. I can feel that there is sorrowful behind that, that's why he's that battered everyday he please if we can talk. Pero kahit ganoon tinatanggihan ko siya. Sa tagal ng panahon ay hindi ko parin maitatangging may natitira pang pagmamahal sakin. Ganoon man ay tinitiis ko siya. Hindi pa ako handang pag-usapan iyon.

But then one afternoon, Oliver was in my office and open up that topic. Hindi ko alam kung bakit ini-entertain ko ang ganoong topic sakanya na naging dahilan kung bakit hindi kami nag-work.

"You're curious now? Ano bang hangin ang nalanghap mo Chua?" Nginisihan ko siya at sumimsim sa juice ko. We're just having a chitchat when he ask me if I did talk to Ezekel for weeks of asking me.

"Bakit kasi di mo kausapin? He's keen ha." Tango-tango pa siya  Yeah, very eager to talk to me but I just ignore. I have many loads to do.

"Im busy. And I don't know if I can talk about it." Suminghap nalang ako at sumandig sa headrest ng sofa. Nakatitig lang siya sakin habang ngumunguya ng pina-deliver niyang snack para saming tatlo ng sekretarya ko.

"Hindi ka pa handa?" Hindi ako umimik sa tanong niya. "Mahal mo pa?" Napalunok ako dahil sa tanong niya at hinarap siya. His eyes are purely happy without even a glint of something. He's so genuine.

"You can say that." Tanging nasabi ko at ngumiti ng tipid. "Im tired of breaking Oli." My voice broke and that's the hint kaya nilapitan ako nito at inakbayan. Isinandig nito ang ulo ko sa dibdib niya.

"Nasasaktan ka dahil hindi mo siya hinahayaang magpaliwanag. Why don't you try listen to him, why and what happened years ago? Para hindi ka patuloy na nasasaktan. Know his side, hear him out. With that you can say and finally decide what to do." He said while caressing my shoulder. Patuloy lang sa pagpatak ang luha ko habang nakayakap sakanya.

I know that I should hear him out pero hindi ko kaya. Nakikita ko palang siya, nararamdaman ko palang ang presensiya niya ay hindi ko kayang tumagal ng hindi maiyak. Naaalala ko lahat ng sakit ng nakaraan. Naaalala ko kung paano ko muntik mawala ang sarili ko sa pagkawala niya. Ang tagal kung naghintay pero walang Thorn na nagpaliwanag kung bakit siya biglang nawala. Maiintindihan ko naman kung aalis siya at mawawala sa tabi ko. Kahit malayo siya kaya ko naman magtiis. Kung mawawalan siya ng oras at hindi makapagbibigay ng marami, kaya ko. Kahit isang beses sa isang buwan o kaya taon lang niya ako kakausapin, tatanggapin ko yun. Matitiis ko lahat ng sakit at pagkukulang basta alam kong nasa tabi ko siya, alam kong maayos siya at alam ko kung nasaan siya. Ganon ko siya kamahal. Ganoon ko siya kamahal ng panahong iyon. Kaya masisisi niyo ba ako kung ganito ako sakanya ngayon? Masisisi niyo ba ako? Hindi pa ako handang kausapin siya. Sobra akong nasaktan at naubos noon. Nawalan ako, nawalan ako ng isang parte para mabuhay, nawalan ako ng anak. Pero ano? Nasaan siya? Bigla siyang naglaho.

Love In The Absence (Together Series #1)Where stories live. Discover now