C 8

50 12 7
                                    

Tyrone


"What's up, dude!"


Agad na bumungad sa akin ang mukha ni Warren na hawak hawak ang bag niya na nakapatong sa kaliwang balikat niya. Lumabas siya mula sa classroom nina Sunny, hindi kaya magkaklase sila?


"Hulaan ko, you're late again pare," He laughed, "Halata sa itsura mo na nag madali ka."


"Nahuli ako ng gising dude, pero nakaabot naman ako mga ilang minuto na nga lang." I laughed, "Oo nga pala, classroom mo?"


"Yes, 'di ko ba nasabi na A-5 'yung section ko noong nag kita tayo?" Kunot noo niyang tinanong.


"Hindi siguro," Kalmado kong sinagot, "Oo nga pala, may kaklase ka bang Savana pangalan?"


"What's her surname?" He asked, "Dalawa 'yung Savana sa class namin."


"Montez ata," I wasn't sure of my answer.


"Ah, si Thali?" He asked, "Nasa studio pare, type mo?"


"Hindi tanga," I joked, "Saang floor? Ang daming studio."


"Duda ako par." He laughed.


"Oo nga, kaibigan ko lang 'yon," I denied, but I kinda like her, "Saan nga?"


"Sa 5th floor ata, hindi ko rin alam e," Aniya, "Hindi ko pa gaano ka-close, mukhang masungit e."


"Mataray lang tingnan dahil sa mata tsaka eyebrow," I chuckled, "Osya, I'll go ahead."


"Sige, kita-kits nalang sa mamaya." He tapped my shoulder, agad narin akong umakyat papuntang 5th floor.


Ito ang last floor ng school, sa lahat ng studios rito, ang 5th floor studio ang pinaka maganda. It is in the rooftop, presko ang hangin at ang ganda ng tanawin. Itinganggal ko ang nasal cannula na nasuot suot ko at inayos ang oxygen cylinder bag ko.


"Hey, what's up?" I looked at the girl who was painting something in a canvas. Her short hair was tied in a messy bun at may nakapatong na headband na puno ng perlas. She looks gorgeous.


"Oh hey!" Bati nito, "Lika rito, samahan mo'ko. Wala parin ako kasama, nag papahinga parin si Minnie."


Oo nga pala, hindi ko rin napansin si Hermione Granger kanina sa classroom o sa hallway man lang, "Kumusta na pala siya?" I asked.


"Still on her bed," Aniya at mukhang nadismaya, "We usually sleep together, pero ayaw niya akong matulog sa kwarto niya, maybe she's really not feeling well, o kaya nag a-attitude lang." Nag pout pa 'to.


Shuta ang cute.


"Ano kaya nangyari doon?" That's weird, hindi kaya dahil sa sinabi niyang para siyang nakakita ng multo? Paano kung may nakita nga talaga siya?

Goodbye Love, Let's Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon