C 6

54 13 1
                                    

Tyrone


"Sumasakit yata 'yung ulo ng pinsan mo." Bulong ko kay Natalia.


"Kanina pa yan stress, e." Sagot niya, "May nasabi ba siya sa 'yo or what?"


"Wala naman." Tugon ko, "Pero kanina mukha siyang nakita ng multo."


"Multo?"


"Oo, namumutla siya tapos nakatulala sa direksyon ko." Sambit ko.


"Direksyon mo, multo." Isa isa niyang binulong.


"Bakit?" I asked her.


"Feeling ko alam ko na bakit sumasakit 'yung ulo niya." Aniya, "Mas better yata kung magpahinga na muna siya sa bahay."


"May maghahatid ba sa inyo?" Tanong ko.


"Yes." Tumango siya, "May driver kami, inaantay lang kami sa entrance."


Yayamanin pala sina Hermione Granger tsaka 'tong friendly niyang pinsan.


"Osya, umuwi na muna kayo." I smiled at her.


Tumango naman si Natalia at inaya nang umuwi si Hermione. Inabangan ko lang na makapasok sina Natalia sa sasakyan, saka ako dumiretso sa sasakyan ko at humarurot papunta sa apartment ko. Nang makarating, I entered the elevator that would lead me to the penthouse.


"Anak!" Bungad ni Mama, "Ang aga yata ng uwi mo?"


"Half day lang kami ma." Nakangiti kong sinabi, "Tapos dumaan lang ako saglit ka park, presko ang hangin eh."


"Osya, magpahinga ka na muna at dadaan pa tayo sa doktor mamaya." Aniya.


"Ma, kahit ako nalang." I smiled.


"Sasamahan na kita." Pag pilit ni Mama.


"Mag bake ka nalang po ng cupcakes, Ma." Ngumiti ako, "Gusto ko ng cupcakes pag uwi ko."


"Sige na nga." Nakangiti niyang sinabi.


Ngumiti ako at dumiretso sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at inaalala ang mukha ni Natalia. Pamilyar 'yung bawat anggulo ng mukha niya, ang problema nga lang, hindi ko alam kung saan ko siya nakita dati. I put on my oxygen mask and opened the tank to make me feel more better. I soon closed my eyes to take some sleep bago ako lumabas para magpacheck up sa doktor.


"Kuya!"


Nararamdaman kong inaayos ayos ng isang bata ang balikat ko.


"Lucas?"


"Opo, si Lucas po 'to." Aniya, "Gising na daw po ikaw sabi ni Mama."

Goodbye Love, Let's Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon