C 12

36 8 2
                                    

Hermione


"So, para saan 'yung check-up mo?" Iyan agad ang lumabas sa bunganga ni Natalia nang makapasok sa kwarto ko. She was wearing a pink silk pajamas may may suot suot pang pink na face wash headband na may parang tenga ng pusa. May yakap pa 'tong hotdog na unan at kumakain ng chips. Damn, she looks like a 5 year old child.


"You look like a lost child in a slumber party." Taas kilay kong sinabi at ibinalik ang tingin sa laptop ko.


"You did not answer my question pa!" Reklamo niya at tumabi sa akin, "Bakit ka nga nag pa check-up?"


"Hindi lang maganda pakiramdam ko," Walang emosyon kong sinabi at hindi tumitingin sa kanya, "It's no big deal."


"Nonsense," She rolled her eyes. Hindi ko nalang siya pinansin at nag patuloy sa ginagawa ko.


I was about to talk to my cousin pero si Samara nanaman ang nakikita ko. Sanay na ako, araw araw kong nakikita si Samara sa kanya, araw araw kong nakikita 'yung sundalo, hindi lang kay Tyrone, pati narin kay Warren. Pinipilit kong maging okay sa harapan nila kahit hilong hilo na ako at napakasakit na ng ulo ko. Pinipilit kong magmukhang normal sa harapan nila kahit unti unti narin akong bumibigay. Even my psychiatrist cannot help me anymore, hindi ko na alam. Gusto ko lang naman ng peace of mind, gusto ko nalang maglaho na parang bula.


"Paano kung nawala ako?" I asked Thali without looking at her.


"Hahanapin kita," Simpleng sagot niya.


"Bakit mo ako hahanapin?" Tumingin ako sa kanya, I can still Samara but she turns back on being Natalia every time she speaks. Ganon naman lagi, wala nang pagbabgao, hindi na ako nilubayan ni Samara at noong dalawang sundalo.


"Of course because I love you!" Aniya at nag pout, "I can't sleep pag wala ka 'no. Although I leave you behind when we first shop together dito, it's because I'm confident na alam mo 'yung daan pauwi. Pero pag nawala ka and you're nowhere to be found, ibang usapan 'yon!"


"Talaga ba?" I chuckled at tumingin na muli sa laptop ko.


"I've been with you all my life, hindi lang pinsan turing ko sa 'yo, you're my twin, my bestfriend and all!" She exclaimed, "Why? Is there something you want to tell me?"


"Nothing," I simply replied, "I just want to see your reaction."


"No," Aniya, "You're hinding something, aren't you?"


"Nothing, Natalia." I replied, still not looking at her.


Nagsalita pa ito, pero hindi ko na 'to pinansin hanggang sa makatulog siya. I looked at her, may laway pa sa gilid ng bibig niya. I turned off my laptop and tried to close my eyes until I can get some sleep.


"Clara!"


Napatingin ako sa aking pinsan na nagmamadaling tumakbo patungo sa aking pinaroroonan.

Goodbye Love, Let's Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon