C 10

43 11 2
                                    

Tyrone


"Gosh! I can see it na! That's wonderful!"


I drived slowly as Sunny stood up. Binaba ko 'yung roof rail nang makarating kami sa country side ng France, tipid sa aircon tsaka presko ang hangin. Wala rin naman masyadong ganitong lugar sa Manila, puro buildings, kaya naman mukhang natutuwa si Sunny.


"Be careful, beautiful miss." I chuckled as I watched her.


She looked at me and smiled. She looks so happy. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating narin kami sa Le Mont St. Michel. Mas naunang nakarating sa amin sina Hermione at Warren kaya naman isang babaeng naka cross arms at nakaharap sa lalaking tawa ng tawa ang bumungad sa amin.


"Alam mo you're so sungit!" Sabat ni Sunny kay Minnie nang bumenta sa kanya ang joke ni Warren, tinaasan lang kasi ng kilay ni Hermione si Warren. Complete opposite 'tong mag pinsan na 'to, 'yung isa ang babaw ng kaligayahan, 'yung isa ang hirap patawanin.


"Nie! Kunan mo ako picture here!" I hear Sunny shouted at pinuntahan naman ito ni Hermione. Lumapit ako kay Warren na nakatingin lang kay Hermione.


"Baka matunaw si Minnie niyan," I laughed, "Ligawan mo na."


"Gago ka pare," He laughed, "Happy crush lang."


I chuckled and looked at Sunny smiling and turning around. Ang galing ni Hermione, she looks like a real photographer noong nakita ko ang mga pictures na kinuha niya. We soon climb up the stairs at nag ikot ikot ulit. Pinatong ko ang braso ko sa mga batong railings habang tinatanaw ang palubog na araw.


I heard a woman giggled at my right kaya naman ay lumingon ako rito. There I saw Sunny taking a picture of me, she gasped noong nakita ko siya kaya dali dali niyang nilagay sa likod niya ang phone niya.


"Hindi kita pinipicturan," She said at kung saan saan napunta ang tingin, trying not to look at me. Silly, hindi ko pa tinatanong, may sagot na agad.


"Promise?" I chuckled.


"Hindi promise, pero hindi kita pinicturan," Ngumisi ito at pumunta sa tabi ko, sinamahan akong tanawin ang palubog na araw.


She looks so beautiful standing right beside me. The sun makes her skin glow, its gold. She's golden. At some point ayaw kong napapalayo siya sa'kin, I want her by my side, I want to be at her side. I do not know why, but she seemed to be so important to me.


"Anong mas maganda para sa 'yo? Sunrise o sunset?" She started a conversation habang nakatingin parin sa araw.


"Sunrise." Sambit ko.


"Bakit sunrise?" She looked at me as she curiously asked.


"Kasi," Napatigil ako, "Kasi may araw pang bumungad sa akin, buhay pa ako." Napailing ako agad nang napansing lumungkot ang mukha ni Sunny, "Tsaka healthy sa balat 'yung sinag ng araw sa umaga." I chuckled.

Goodbye Love, Let's Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon