C 17

32 9 1
                                    

TRIGGER WARNING
This chapter contains sensitive theme:
Suicide


Read At Your Own Risk


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───


Hermione


"Wala ka na ba sa tamang katinuan, Samara?!"


Hindi ko mapigilang sumigaw noong masilayan muli siya kasama ang isang sundalong Amerikano, "Delikado rito!"


"I was warning her," Sambit ng sundalo at tumingin sa'kin, "Please get her out of this place, I need her far away from this shore."


"I-I will get her out of here, even if won't tell me," Hirap kong sinabi at agad na hinatak si Samara palayo sa dalampasigan ng Maynila.


"Theo, we need to go." Sambit ng kasamahan nito.


"Yes Weston, give me a minute," Humarap ito muli kay Samara at hinawakan ito sa mukha, "Look, I need you to get out of here, Sunny. I can't let you risk your life just to see me."


"Theo, please,"


"We'll meet again, Sunny," Pagpapanigurado niya bago niya ito halikan sa labi.


Napasapo ako sa nasaksihan ko, talagang nahulog na nga si Samara.


Dumikit ang noo nilang dalawa ni Samara, hinahawakan din ni Samara ang mga kamay ng sundalo na nakadikit sa mga pisngi niya, "Meet me in France, please."


"I will, I will." Sagot ng sundalo, "We'll meet again, okay?"


"Promise me you'll be okay, you'll stay alive." Naluluhang sinambit ni Samara.


"Promise." Sagot ng sundalo at pinakawala siya. Agad kong hinila si Samara tumakbo palayo ng dalampasigan.


Nagmamadali kaming umakyat sa karwahe ngunit isang malaking pagsabog ang naganap sa dalampasigan bago pa kami makalayo. Hindi ko mapigilan si Samara na nagmamadaling bumaba ng karwahe at agad na tumakbo patungo sa direksyon ni Theo. Agad ko itong sinundan, papalapit na kami ngunit patuloy lang ang pagulan ng mga bala at kanyon. Noong tumigil ang pag dipensa at pag atake, isang ilog ng dugo ang bumungad sa amin. Napupuno ang paligid ng mga sugatan at patay.


Dalawang sundalong nakahiga't duguan ang nakaagaw sa paningin ko. Ang isa ay pinagluluksaan ni Samara, 'yung isa ay may hawak na liham at imahe, mukhang imahe niya at ng kanyang ina. May mga pangalang nakaukit sa kanilang sandata, Cuevas at Montgomery, mukhang 'yon ang kanilang apilyido.


Walang humpay na tumatangis si Samara yakap yakap ang sundalong si Theo... Theo Montgomery? Iyon yata ang kanyang ngalan...

Goodbye Love, Let's Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon