False Impression 95

1 1 1
                                    

Sweet lies
---------------------

Aviona: Vince, alam mo nakakapagtakang
hindi pa tayo nagkikita.

Vince: Same! Should we met?
May time din para dyan baby.

Aviona: But gusto na nga kitang makita.

Vince: Atat ka? Excited ka na?

Aviona: Ilang buwan na tayong mag on.
Ni anino o mukha mo hindi ko nakikita.
You keep on telling me na magkikita tayo.
Lumalala na ang sitwasyon ng plapliking
pero heto hindi pa rin kita nakikita.
Kilala mo ako pero hindi kita kilala.

Vince: Soon, may inaayos pa ako.

Aviona: Soon? Anong suot mo ngayon?

Vince: All black with white sando.

Aviona: All black? Ano ka ninja?

Vince: No? So how's your day?

Aviona: Wala bored. Pansin mo bang parang hindi tayo magjowa?

Vince: Not at all. Ikaw lang siguro nag iisip.

Aviona: Tingin mo dahil nag update
ang plapliking magbabago na din ba ang
partner o tayo pa rin?

Vince: We don't know. Hindi pa ata na aayos.
Diba under maintenance?

Aviona: Huh? Wala naman ang astig nga eh.

Vince: Nah hindi mo ba napapansin?

Aviona: Ha?

Vince: Hakdog, NVM.
seen.

Habang tumatagal nagiging weird ang relasyong nating dalawa. Ikaw bilang si Vince at ako bilang si Aviona. You keep on telling more lies.

Una, kilala na kita lagi kang dumadaan sa bahay pero hindi mo napapansin yon.

Pangalawa, you save me more five times and also keep on killing me.

Pangatlo, sino ka ba talaga Vince? Bakit ka lumalapit sa akin. Sa amin. Kilala mo na ba si Fiona? Alam mo na ba ang connection namin?

Pang apat, ikaw, ikaw ang taong alam kung isang araw na bubuwag at sisira sa lahat. Ikaw ang taong dapat hindi pagkatiwalaan.

Fiona's POV

"Hey, you keep on looking at your phone. Baka naman hinihintay mo ang tawag ko." Inirapan ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko.

"Ako hinihintay ang tawag mo? Wow, sino ka ba? Hindi nga tayo close tsaka wala akong number mo nuh!" Nakakunot noong sabi ko.

"Alam mo Fiona, shit oo nga pala peram cp mo may tatawagan lang ako." Hindi na neto hinintay ang sagot ko pagkat kinuha na niya ito sa kamay ko.

Isang nakakabinging ring tone ang maririnig sa buong hallway. Tinadyakan ko naman ang paa niya at naglakad palayo.

"Aaaaw sakit hey Fiona, number ko yan. Save it. Henry your love!" Sigaw niya at sinabayan pa nya ng pagkindat.

"Aaaargh that guy. Nakakainis talaga." Napapangiti din ako sa bawat banat niya. But his presence seems familiar.

Parang close na kami dati pa hindi ko lang siguro maalala. Nakakapagtaka talaga kasi exchange student lang siya tapos kilala na niya ako hindi naman ako sikat.

Naku makauwi na nga lang.

------------
Binuksan ko ang pinto papasok sa bahay. Madilim, nakakapagtakang hindi binuksan ni Aviona ang ilaw. Nakakatakot ang awra ng bahay ngayon.

"MANANG!" Sigaw ko. Umalingawngaw sa sulok ng bahay ang sigaw ko.

Nagabihan na kasi ako sa daan dahil pinakain ko pa ang nga stray dogs at stray cats. Wala namang nakakaalam na I love cats and dogs, bawal kasi kay Aviona yon. May asthma siya at bawal ang balahibo ng pusa o aso sa kanya.

"Saang lupalop ka naman galing? Uwi ba ng matinong babae to ha?" Napakurap naman ako dahil biglaang pagbukas ng ilaw.

Lumingon ako sa likuran at nakita ko ang babaeng nakasuot ng sando na kulay pink at isang itim na jogging pants.

"Aviona, ano kasi ----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang hindi makahinga. Tsaka ko naalalang galing ako sa daan at malamang na may mga balahibo pa sa katawan ko.

"Nasaan si manang?" Sabi ko kay Aviona pero mukhang hindi na siya makapagsalita.

Agad agad naman akong naghubad at itinapon sa kung saan ang suot kung uniform at naiwan na lang ang underwear.

"Holyshit!" Isang malutong na mura ang aking narinig pero hindi ko na yon pinansin dahil inakyat ko ang cabinet at alam kung kitang kita na ang pisngi ng aking pwet buti talaga at walang tao.

Hinanap ko ang gamot na ginagamit ni Aviona.

"Ehem!" Isang tikhim mula sa aking tabi ang nagpabalik sa akin sa realidad.

Nawala ang kaba na aking iniinda ng makita ko ang nakangiting si Aviona.

"San mo nakuha ang gamot mo? Kinuuha ko pa lang ah?" Sabi ko.

Tinuro neto ang sofa namin na nasa gilid lang ng pintuan. Ni hindi ko napansing may mga bisita pala kami.

"Sexy!" Komento ng isa.

"Nice, Victoria's secret ba yan? Ganda ng design." Napamulagat naman ako.

Sina Celestine at Cynthia todo komento habang ang dalawang kasama niya ay nakanganga pa rin at hindi makapaniwala sa nasaksihan.

"Lalabas na muna ako. Ang init ata dito sa loob ng bahay niyo." At agad namang lumabas si Oliver.

"Ah, oo ako din hoooy sama ako." Agad na sumunod si Timothy sa nagmamadaling si Oliver.

Kami namang mga babae nagtinginan at sabay sabay silang tumawa. Habang ako at si Aviona nagtinginan at sabay kaming nagsalita.

"Napano sila? Napano kayo?"

"HAHAHAHAHA" Isang malutong na tawanan ang aming natanggap.

"Magkapatid nga kayo. Sige, ano na pala ang gagawin? Diba may plano tayo? Okay, hintayin na lang natin ang dalawa."

Hanggang sa natapos na kaming nag usap usap. Nagplano, nagsiguro at inisa isa ang pwedeng maging suspect sa paggawa ng app. But still now clueless pa rin kami.

False ImpressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon