" Pre anong mukha yan?" Tanong sakin ni Kyle.
Isa sa mga tao ko, hindi ko sya pinansin nakatitig lang sa isang larawan, kanina ko pa ito tinititigan pero hindi nagsasawa ang Mata ko sa larawan nya.
" Wohhh sexy nmn Nyan! Kiesha ang ganda ng pangalan nya.!" Saad ng gonggong sa likod ko.
Lumingon nmn ako sa kanya at binigyan ko sya ng nakakapatay na tingin.
" Uyyy pre easy lang para ka namang manglalapa ehh hehe!, " Saad nya nakataas pa ang dalawa nitong kamay na para bang sumusuko.
Hindi ko na sya pinansin at tumingin ulit sa larawan sa harap ng computer ko.
Hindi ko maintidihan kong bakit gusto kong titigan lamang itong larawan nya.
Siya yong babaing nakita ko kanina sa mall at sya rin yong babaing unang nagpabilis ng tibok ng dibdib ko, hindi ko maintidihan ang sarili ko kong bakit nagkakaganito ako.
Kanina lang nang makapunta na ako dito sa office ay kinalikot ko agad ang computer ko at senearch ko agad ang pangalan nya.
Narinig ko Kasi na my tumawag sa kanya kaya malaman ko hindi ko man alam ang apelyido nya ay thankful nmn ako Kasi nang i-search ko ang pangalan nya ay lumabas nmn agad.
" Sino ba yan pre chiks mo nohh! Ikaw talaga pre baka malaman ko na lang sa susunod my anak kana huh!" Napabaling nmn ako Kay Kyle na hind pa pla lumalabas ng office ko.
" Alam mo pre babae lang yan wag kang masyadong seryuso jan !" Saad ulit nya.
Binato ko sya ng lapis na nakita ko sa gilid ng computer ko.
" Ahh shit pre nmn walang batuhan!" Daing nya ng matamaan sya sa ulo.
Akala mo nmn nasaktan para lapis lang,
" Umalis kna nga nakakaisturbo ka ehh!!" Saad ko na lang ng tatawa-tawa lang ang sira.
Nakatitig lang ako sa larawan ng babaing una pa lang ay nakaagaw ng atenayon ko, para akong tangang nakamulat Ang matang nakaharap sa laptop ko, parang ayaw ko ng ipikit ang mga mata ko dahil baka isang iglap ay maglaho na lang ang kanyang larawan.
Tok tok *
Hindi ko pinansin ang kong sino man ang kumatok sa pinto. Hind man lang ako gumalaw sa kinakaupuan ko.
" Sir my gusto pong kumausap sa inyo?" Saad ng nasa labas.
Napabuntong hininga nmn ako ng malalim at tumingin sa pinto kong saan nakasara parin ito.
" Sabihin mong busy ako, kaya pwde ba pakisabi walang sino man ang mangiistorbo sakin!" Sigaw ko.
Rinig ko nmn ang mga yapak na papaalis sa labas ng opisina ko, napahinga na lamang ako, at tumingin ulit sa larawan ni Keisha,.
Tok tok *
Tok tok*
Bigla akong napaangat ng ulo ng makarinig ako ng malakas na ingay galing sa pinto, kinusot ko ang mga mata ko ng malabo ang paningin ko.
Napatingin nmn ako sa relo na suot ko at napamura ako ng hating gabi na pala.
Tok tok*
Tinignan ko ulit ang pinto ng makarinig ulit ako ng katok, hindi na ako nagsalita. Tumayo na ako para pagbuksan ang taong naistorbo sa pagtulog ko.
Pinihit ko na ang seradura at binuksan ito at handa na akong sigawan ang taong sumira ng tulog ko pero natigilan ako ng my bagay na bumaon saking dibdib, napatingin nmn ako sa my gawa non at nanlaki ang mga mata ko makita ang taong nakaitim, hindi makita ang mukha nito dahil sa suot nitong mask pero nakikita ko sa mga mata nya ang puno ng galit.
Binitawan nito ang patalim na nakabaon parin sakin. Napahawak ako sa ding ding para ibalanse ang katawan ko, hinawakan ko ang kutselyong nasa dibdib ko, at tinignan ito ng matalim hindi ko alam kong anong ginawa kong masama para gawin nya ito sakin, hindi nmn ito natinag sa sakin.
" Sino k-?" Hind ko naituloy ng maglabas ito ng baril.
" Tama nga ang kasabihan matagal namamatay ang mga masasamangdamo. Pero hindi kana bubuhayin nito dahil sisiguraduhin kong hind kana mabubuhay " bulalas nito sa galit na galit na tinig.
Tinutok Niya ito sakin, napapikit na lamang ako. Tatangapin kona ang katapusan ko, hindi man lang ako nakapanligaw sa babaing nagugustuhan ko.
Bongssss! At rinig ko ang pagputok ng baril.
Tok tok tok*
Napamulat ako sa narinig kong katok napatingin ako sa piligid, napahinga nmn ako ng malalim.
" Bangongot lang pala!" Na bulalas ko habang sapo ko ang aking ulo.

YOU ARE READING
My target is pretty ❤️(On Going)
RandomKaya mo bang magpatawad sa taong alam mong isa sa mga dahilan ng pagkasira ng buhay mo. Paano kong mahulog kana lang bigla sa patibong na hindi mo inaasahan. Paano kong ang taong gusto mong ibaon sa hukay ay unti-unti mo na palang minamahal. Hello...