CHAPTER 2

66 9 0
                                    

CHAPTER 2 : THE GOOD PRINCE IS BACK

AUTHOR'S POV


Hindi mapaniwala sila Haring Barbaro at Reynang Therosa sa nakita nilang si Haring Salmon na nagkatotoo nga ang sinabi niyang babalikan sila.


"Sakto pala ang pagdating namin ng kasamahan ko dito sa okasyon niyo."Sabi ni Haring Salmon sakanila na may kasama pang nakakatakot na ngiti.



"Anong ginagawa mo dito sa palasyo ko? Tanong ni Haring Barbaro kay Haring Salmon.



"Balita ko kasi dito daw yung pinanganak na dalawang kambal na lalaki.Pwede ko bang makita at malaman ang mga pangalan nilang  dalawa?



"Hindi pwede.At Hindi ka rin imbitado dito kaya makakaalis kana bago pa magdalawang isip pa ako na magkakaroon dito ng digmaan."Sambit ni Haring Barbaro at nahanda na ang armas ng kawal niya.


Hindi nagustuhan ni Haring Salmon ang mga sinambit ni Haring Barbaro sakanya kaya bigla siyang sineryoso ang mukha nya pero maya maya nakangiti uli sya.


"Mahinahon kalang.Nandito lang ako dahil gusto kolang malaman ang totoo na nandito nga ba talaga matatagpuan ang kambal sa nasabi sa propesiya."


Hindi na makapagpigil pa si Haring Barbaro at sinumbat niya ito ng malakas."HINDI MO MAKUKUHA ANG AMING MGA ANAK,MAGKAKAMATAYAN MUNA TAYO BAGO MO SILA MAKUHA"Sigaw na sinambit ni Haring Barbaro kay Haring Salmon at naninigas na sya dahil sa sinabi nya.


Naghalakhak ng malakas si Haring Salmon at napangiti siya lalo."Mabuti nalang at inamin mo narin ang katotohanan, Haring Barbaro.Hindi na kami maghahanap kung saan saan pa dahil nadito lang pala ang matagal na hinahanap namin.Kaya malaking pasasalamat ko sayo sa magandang sagot mo.Pero pasensiya kana ahh kasi kelangan ko talagang patayin ko lahat kayo nandito ehh".


Kinabahan na lalo si Haring Barbaro sa sinambit ni Haring Salmon kaya pinatawag niya si Reyna Therosa "Therosa,takasin mona mga anak natin bago maghuli ang lahat.Kelangang hindi makuha ni Haring Salmon ang mga anak natin"


"Pero pano ka? Anong gagawin mo?"paalala ni Reyna Therosa sa Hari.


"Wag mona akong alalahanin kakayanin ko ito,para sa pamilya natin"sambit ni Haring Barbaro at napaluha sya sa ngiti.At napaluha nadin si Reyna Therosa.



"Umpisahan na ang totoong kasiyahan. Whahahahaha"naghalakhak ng malakas si Haring Salmon na sumabay ang pagbuhos ng ulan at kidlat at nag umpisa na naman ang duguang digmaan.




Two Brothers Season 1(Ongoing) [Very,very Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon