CHAPTER 3

53 7 0
                                    

CHAPTER 3 : ESCAPE FROM BARBARIANS - LANDING ON EARTH

AUTHOR'S POV

Tinawag ni Haring Salmon ang natitiwalaan niyang si Hydo."Dalhin mo dito ng buhay si Simoun at ang dalawang kambal na itatakas niya,ang alam ko pupuntahan niya ang lagusan sa mundo ng mga tao sa kagubatan kaya unahan mo sila doon.Siguradohin mong dadalhin mo sila dito ng buhay kasi ako mismo papatay sa kanila."Giit ni Haring Salmon.At wag kang babalik dito paghindi mo sila kasama,maliwanag ba?"

"Masusunod, mahal na hari."sambit ni Hydo.Nagpugay siya sa hari bago umalis.


Nang tumakas na si prinsipe Simoun sa palasyo bitbit ang kambal na sanggol ay hinabol na sila ng alaga ni Haring Salmon.Hindi niya magagamit ang baston niya kasi buhat niya ang sanggol kaya inisip niyang tumakbo nalang ng mabilis at tumago muna saglit sa likod ng mga puno.Pero sa malakas ng pang amoy ng Alphas ay nahanap agad siya nito.Kaya tumakbo ulit siya pero dahil sa mabilis pa ang takbo ng mga Alphas naabutan siya mga ito at nabitawan niya ang kambal.Buti nalang at nasalo sila ng yebe na panahon at hindi napapaano ang kambal pero may naalala siyang may sinasabi ang manggagamot ng mahal na reyna habang nasa sinapupunan niya ang kambal.


Flashback.


"Kahit anong mangyari wag na wag niyong ilalaglag ang bata sa panahon ng taglamig at habang sanggol pa ito kasi pag nangyari yun, habang buhay silang batang mag isip."paalala ng manggagamot sa mahal na reyna.



"Kung yun ang makakabuti sa anak namin,susundin po namin kayo."sambit ng reyna.



End of flashback.



Hindi niya makapaniwala na binigo niya ang reyna pagkatapos ng lahat nang mabuting asal ginawa sakanya ng mahal na reyna.Natauhan nalang siya ng kinagat siya ng isa sa mga alaga ni Haring Salmon sa kanang braso niya.Doon niya na kinuha ang baston niya at sinumulan niya itong paikutin sa ere."DARK STORM"giit niya at nagsimulang dumilim ang kalangitan at tinamaan ng kidlat ang mga Alphas.Papunta na si prinsipe Simoun sa kambal para itakpan niya ito kasi ang iba pang Alphas ay balak na kainin ang kambal.Nang aatakihin na siya ng mga Alphas at tinakpan niya ng mabuti ay pumikit siya at nagsabi siya sa sarili niya na masaya siyang makatulong sa mahal na reyna at yun narin ang kabayaran sa lahat ng ginawa niya nang nakaraan niya.Nagtaka siya kasi ang tagal silang lipain ng mga Alphas kaya nang tiningnan niya ito ay nagtaka na lamang siya dahil kumaripas na sila ng takbo sakanila.Napaisip siyang tinulungan siya ng kambal gamit ang mga singsing nila.Hindi siya makapaniwala na sa lahat ng ginawa niya dati sa kambal ay tinulungan siya nito.



Two Brothers Season 1(Ongoing) [Very,very Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon