15

1.3K 23 4
                                    

Kinabukasan pag gising ko ay hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko maintindihan ang sayang nararamdaman ko. Nililigawan na ako ni Nash, doon palang ay hindi ko na maiwasan maisip na ang suwerte ko.

Napatingin ako sa paper ring na nasa ibabaw ng table ko. Kinuha ko iyon, napangiti ako. Binuksan ko ang drawer ko at nilagay ko iyon doon.

Naligo na ako at nag ayos ng sarili bago bumaba. Nagulat ako ng makita ko si Nash sa baba na kausap si Mom and Dad.

"Seryoso ka ba talaga sa anak ko?" Rinig kong tanong ni Dad. Hindi pa ako tuluyan na nakababa. Nasa hagdan parin ako at pinapanood sila.

"Yes tito." Sagot ni Nash, hindi man lang nag dadalawang isip. Sumandal ako sa railings ng hagdan at pinapanood sila, nakangiti.

"Ano ang kaya mong ibigay sa anak ko?" Tanong nanaman ni Dad.

"Bukod sa pagmamahal ko po, bahay, ari-arian, oras, atensyon at kung ano-ano pa. Kaya ko rin po siyang bigyan ng magandang lahi." Sabi ni Nash. Nakagat ko ang labi ko para hindi matawa.

"Gago." Pabirong sinuntok ni Dad si Nash.

"Mahal na mahal ko po si Alex, tito, tita." Mahinang sabi niya pero rinig.

"Alam namin." Sabi ni Mom at yinakap si Nash. "Make her happy, ha?"

"You don't need to say that tita, because, I will." He said. Umalis na ako sa pag kakasandal at pumunta sa gawi nila.

"Goodmorning!" Nakangiti at masiglang bati ko sakanila.

"Goodmorning anak.." bati ni Mom and Dad.

"Goodmorning love." He said, smiling.

"Goodmorning..." I said, smiling too. "Papasok na po kami," paalam ko.

"Mag almusal-"

"Mag aalmusal po kami sa Jollibee, maaga pa naman." Sabi ko, hinalikan ko sila sa pisngi.

"Take care!" Mom shouted. I just waved my hand. Hinawakan ko na ang kamay ni Nash at umalis na kami.

Dala dala niya ang bag ko at hawak niya ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa kamay namin ni Nash. Ayoko na siyang bitawan.

"Wag mo ako bibitawan, ha?" Wala sa sariling tanong ko. Napatingin ako sakanya, he's smiling. He lead and kissed me.

"I will hold you... forever, love." He softly said.

Dumaan kami sa Jollibee at nag take out siya ng almusal. Dumiretso na kami sa Leicester at nakasalubong namin ang Greek at Phantom.

"Hoy kayo na?!" Sigaw nanaman ni Nemesis.

"I'm courting her..." nakangiting sabi ni Nash.

"Ay taray! Leneuel, ligawan mo din ako!"

"Ano ka batas?" Inis na sabi ni Lenuel na wala ata sa mood. "Tara na nga."

"Sana all matapang." Sabi ni Leto.

"Manahimik ka bata." Sabi ni Nemesis.

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now