Epilouge

2K 31 6
                                    

I was born and raised with a healthy family. Punong-puno ako ng pagmamahal mula sa pamilya ko. Hindi sila nagkulang doon.

Saksi ako sa pagmamahalan nila Mama at Papa. They're so inlove. My brother, Kuya Paulo is also there to support me.

I'm with Gino. Pupunta kami sa park. Katatapos lang namin maghanap ng gagamba. Kumuha kami ng stick at pinaglaban ang dalawa.

Ngumuso ako ng matalo ang gagamba ko. At namatay pa! Anak talaga ng tokwa.

"Ano ba yan pogi! Ang hihina ng mga gagamba mo! Ako na nga maghahanap para sayo!" Tumayo siya.

"Sige, mag iingat ka ha!" Sabi ko. Hindi sa kalayuan ay may nakita ako na batang babae. Mag isa siya. Wala ba siyang kalaro? Bakit siya andito?

Maputi siya. Hanggang bewang ang haba ng buhok. Maganda. Mapula ang labi at pisngi. Nakakaintimidate ang aura niya. Lalapitan ko ba 'to?

Tumayo ako at nag pagpag ng sarili. Huminga ako ng malalim. Baka sapakin ako nito kasi inistorbo ko. Hala h'wag naman. No harm ako!

Napahawak ako sa dalawang lollipop na nasa bulsa ko. Huminga ulit ako ng malalim bago siya lapitan.

"Hoy bata." Napatingin siya saakin. Medjo nakatakot ako nung kumunoot noo niya! Pero kahit ganoon hindi ko pinahalata sakanya. I have this feeling that I need to be friends with her.

"Ano?" Inis na tanong pa niya.

"Ang sungit mo naman." Tumawa ako, napansin ko ang pag kunot muli ng noo niya. Tumigil ako sa kakatawa ng makita ang hitsura niya. "Joke lang.."

"Umalis kana sa harapan ko," sabi niya, nagbago naman ang ekspresyon ng mukha ko.

"Ayoko." Tumabi ako sakanya at kinuha na lollipop na nasa bulsa ng short ko. "Dapat maging magkaibigan tayo!"

"You just want to be my friend because you feel sorry for me!" Sigaw niya na ikinagulat ko. Ngumiti rin ako agad. Binuksan ko ang lollipop na hawak ko at binigay sakanya. Magsasalita na sana siya pero isinalpok ko ang lollipop sa bibig niya.

"Huwag mong sabihin yan, puro ang nararamdaman ko sayo. Gusto kitang maging kaibigan, hindi ako naaawa sayo." Sabi ko."Feel ko nga crush na kita, 'e."

Akala ko ba purong pagkakaibigan? Ano kaya 'yon.

"Shut up." Inis na sabi niya. Naiilang siya saakin. Umubo ako para itago ang ngisi ko. Cute.

That day, nalaman ko na magkaibigan pala ang mga magulang namin kaya sobrang saya ko. Simula non, hindi ko na siya nilayuan.

Simula noon ay naging magkaibigan na kami. I'm 2 years older than her. Siguro? Magkapitbahay lang pala kami pero hindi ko siya napapansin. Naiinis ako kasi ngayon ko lang nalaman.

Sabay kaming nag training. Sabay kaming lumaki. Nakita ko ang pag mature ng katawan at mukha niya. Nakakatuwa. Time really flies.

Nakapasok kami sa Mafia. Pinasok ako sa Phantom. Hindi naging madali. Saka ko lang naintindihan kung bakit ganoon na lang hindi kadali makapasok ay dahil wala silang mahihinang myembro. Halos ang magkakapatid na lalaki na Lustivera ang myembro non.

Dumating ang bagong leader namin. Si Kai Torrin Iscove. Walang umangal saamin dahil hindi naman kwestyonable ang kalakasan niya.

Napansin ko sa salamin ang pagbabago sa mukha at katawan ko. Tumangkad na pala ako. Ngayon ko lang napansin dahil hindi naman ako madalas nalapit sa salamin. Baka kiligin 'e.

Katatapos lang ng practice namin ng may babaeng lumapit saakin. Nahihiya pa siya. Ngumiti ako.

"H-Hi.." sabi niya. Nagkatwayan ang mga kateam mates ko. Ngumiti ako. "W-Water?" Kinuha ko ito.

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now