5

1.8K 20 7
                                    

"Pre, PE daw" tinapik ako ni Eric.

"Wait lang mag papalit lang ako" sabi ko at pumunta sa locker ko. Kinuha ko na ang PE uniform ko saka nag palit sa cr.

Tinali ko ang buhok ko bago lumabas ng cr. Were playing basketball today. I don't know anything about this sport, I'll just ask Nash later.

Nang makarating sa gymnasium ay kita ko na nag lalaro na si Nash. He seems so happy, I'm confused if may problem ba siya sa buhay. May dinadamdam ba 'tong lalaki na 'to.

Ang galing niya mag laro ng basketball. Mas matangkad siya saakin, siguro kapag nakatayo ako sa tabi niya ay hanggang balikat niya lang ako.

Tungkol sa misyon na sinabi saamin kagabi ay kailangan namin kumuha ng armas sa espanya, bagong rating at magaganda raw ang desenyo non. Bali iisa lang daw ang misyon namin ni Nash. Patayin ang humaharang sa daan para walang problema, ayos na yon.

"Alex! Tara, tuturuan kita!" Sumigaw pa si Nash. Umiling na lang ako, ayaw kong napapagod ako. "Kj namam! Bilis na!" Tumakbo na siya papalapit saakin at hinila ako. Sabi niya na agawin ko daw ang bola sakanya. Nung una ay tinatamad pa ako pero hindi nagtagal na naaliw na ako sa pag agaw ng bola sakanya. Mabilis siyang kumilos, umikot siya pero hinuli ko ang braso niya kaya nabitawan niya yung bola. Agad akong tumakbo kung nasaan iyong bola. Nag-paunahan pa kami. Agad kaming tinukso ng mga kaklase namin ng matumba kami pareho.

"NaLex! NaLex! NaLex!" Panunukso nila. Agad naman akong namula dahil nahiya ako. Mabilis kong kinuha ang bola sakanya at sinapul siya sa ulo. Natawa ako ng masubsob nanaman siya. Inis niya akong tinignan at tinaasan ko lang siya ng kilay habang nakangisi.

Ngumuso siya at umirap. Cute.

"May crush ka na?" Tanong niya. Andito na kami ngayon sa Cafeteria. Nakain malamang. Crush? Ano ba yon? Iyon yung pag hanga diba?

"Wala pa naman, ikaw?" Tanong ko sakanya pabalik.

"Di ko alam, hind ako sigurado." Sabi niya, I even heard him sigh.

"Bakit? Hindi ka ba tipo nung crush mo?" Tanong ko nanaman.

"Hindi ko mga alam!" Sigaw niya at binatukan. "Aray!"

"Huwag mo akong sigawan, suntukin ko lalamunan mo, 'e." Banta ko pa sakanya. Umirap na lang ako at nag patuloy sa pagkain. "Bata pa naman tayo. Ayos lang yan. 10 pa lang ako at ikaw 12 na. May tamang oras para dyan."

Nasa private plane na kami ngayon ni Nash. Papunta na kami sa spain para gawin ang misyon. Ang location ay sa Ibiza, Spain. May ball na magaganap at kukunin namin ang baril sakanila.

Natutulog ngayon si Nash sa balikat ko. He's drooling for pity's sake! Hinayaan ko na lang dahil inaantok. Psh. I laughed a little when I heard his snoring. Napatingin ako sa bintana. Gabi na. Isinandal ko na rin ang ulo ko sa ulo ni Nash at natulog na.

Nagising ako na nakasandal na ang ulo ko sa balikat ni Nash. Nakita ko siyang nakain ng kanyang almusal. Ngumiti siya saakin.

"Goodmorning." Bati niya. Ngumiti din ako sakanya.

"Good morning.." binigyan niya ako ng pagkain at kumain na rin ako. Pagkatapos ko kumain ay natulog ako muli dahil nakaramdam nanaman ako ng antok.

Nagising ako ng alugin ni Nash ang aking balikat. Andito na pala kami. Mabilis na kinuha namin ang gamit at bumaba na. Nag book kami sa isang hotel at doon na balak mag plano sa room.

"Ito si Vito. Siya ang mag papa-party. Tommorow will be his 30th birthday. So may ball, we should pick a dress and tuxedo for tommorow night. Also sa cr nito ay may baril na. Tignan mo don sa kubeta." Sabi ni Nash saakin at binigay ang tablet. Pinakita rito ang mukha ni Vito at ng mga tauhan niya na kukuha ng baril. Kinabisado ko ang mukha nila bago iyon binalik kay Nash. Tinignan ko ang cr at itinaas ang tank. May nakalagay na 'Alex' sa ibabaw non. Inilabas ko ang nakabalot sa isang trash bag. Isa itong sniper. Isa itong Lobaev Arms SVLK-14S is able to kill from a distance of nearly two miles. It weighs 10kg and fires one round at a time due to its single-shot bolt action. Inassemble ko ito at lumabas na. Nagulat si Nash.

"Naayos mo na agad? Buti alam mo mag ayos ng mga ganyan no?" Sabi niya at tinignan ang sniper.

"Nag basa basa lang ako sa libro." Sabi ko. Tumango siya.

Pumasok na rin siya sa cr at kinuha ang gamit niya. Dalawang piraso na CZ 75 SP-01 Tactical iyon at isang Beretta M9. May balisong rin, iniikot niya iyon sa kamay niya na para bang inaaral ang tulis nito. Pagkatapos kumain ay nagpahinga na kami.

Kinabukasan ay namili na kami ng damit. Nag bago na ang isip ko. Hindi na dress ang dadalhin ko dahil hindi naman ako papasok sa loob. Aasintahin ko sila mula sa malayo. Bumili na lang kami ng maskara na itim. Iyong butas lang sa mata, ilong at may konting butas sa bibig. Naka pants lang ako na itim, t-shirt na itim at nag tali ako ng buhok. Naka tuxedo naman si Nash at naka-ayos rin ang buhok.

"Tara na?" Tanong ko.

"Tara na." Lumabas siya sa pintuan at tumalon naman ako sa bintana. Maganda ang bagkaka-bagsak ko kaya hindi ako natumba. Sampung palapag ang tinalon ko. Bumagsak kasi ako sa isang couch. Mabilis kong inakyat ang pader at sumakay sa kotse na naghihintay saamin sa labas. Nagulat ako ng makita ko kung sino iyong driver.

"Paulo." Sabi ko. Tumango siya. Naglagay na ako ng sitbelt at umalis na kami.

Pagkarating namin ay umalis na siya agad.

"Mag iingat ka. Doon ka lang sa taas ng building na 'yon naiintindihan mo?" Turo niya sa building na kaharap lang ng venue at centro ng parking lot. Tumango ako. At sinuot na ang earpiece.

"Mag iingat ka." Sabi ko.

"Ikaw rin." Tinalikuran na namin ang isa't isa. Sinuot ko na ang maskara ko bago mag patuloy. Doon ako pumasok sa pintuan na mga employee lang ang puwedeng pumasok. Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan ko bago umakyat sa hagdanan sa may fire exit. Sa cr ako ngayon. Pumasok ako sa cr ng matatanda. Binuksan ko ang bintana at tumugtong sa kubeta. Inilabas ko ng konti ang ulo ng sniper ko. Pinikit ko ang isa kong mata at sumilip sa scope.

Andito na ang mga sasakyan. Nakita ko na rin si Nash ng ilibot ko ang paningin ko.

[Ayos na?] Rinig kong tanong niya sa earpiece.

"Oo." Sabi ko. Pinanood ko lang ang ginagawa ni Nash. Hindi na ako nagulat ng pagtawanan nila si Nash. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila. Pinatay niya ba ang earpiece niya?!

Akmang babarilin nung lalaki si Nash mula sa likod pero naunahan ko siya. Nakabulagta na siya ngayon sa sahig. Sinugod na nilang lahat si Nash patuloy ako sa pag asinta sakanila. Hanggang sa lahat sila ay natumba na.

[Clear. Baba na.] Sabi niya. Inayos ko ang bintana at pinunasan ang kubetang nadumihan dahil sa sapatos ko. Nakalabas na ako ng cr ng makita ako ng guwardiya. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko.

"hey que es eso?!" Sumugod ito saakin pero hinawakan ko siya sa ulo saka ko iyon binali. Nawalan siya ng malay. Tinignan ko ang pulso niya at napangisi ako ng hindi na tumitibok yon.

"Patay na." Binato ko iyon. Buti na lang at namaskara ako. Mabilis akong bumaba at pinuntahan si Nash.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya.

"May sabagal, 'e." Binuksan na namin ang compartment. Binuksan ni Nash ang backseat at may hinila roon.

Isang lalaki.

"Usted conduce.." tinanggal ni Nash ang electric tape at lubid na nakalagay sa lalaki.

"Cierto." Binuksan na nung lalaki ang driver seat. Sumakay ako sa backseat at siya sa shotgun seat.

"Conduce correctamente o te mataré." Tumango ang lalaki at pinaandar na ang sasakyan.

"Sino yan?" Tanong ko sakanya.

"Hinoldap nila. Pakinabangan na natin." Sabi niya. Tumingin siya saakin. "Okay ka lang?"

"Oo naman. Ikaw?" Tumango siya.

"Oo." Sabi niya. "Tara, uwi na tayo."

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now