21

1K 16 1
                                    


[Ano? Ano nangyari? Why the fuck are you crying?! Kumalma ka, natataranta ako.] She said. Hindi ko siya sinagot at puro pag hikbi lang ang aking nagawa. [Papunta na kami, hold on.] At namatay ang linya. Sandali ko pang pinag masdan ang phone at bago ibalik ang tingin kay Nash.

Hinawakan ko ang mukha niya at yinakap ko siya. This is my fault. I'm sorry. I'm sorry.

Biglang nag ring ang phone ko at tumatawag si Ace.

"What the hell?! Where did you get the audacity to call me!?" I exclaimed.

[Dear, why are you accusing me like that? So rude of you.] Sabi niya sa kabilang linya.

"Rude mo mukha mo! Ano bang kailangan mo?!" Inis na tanong ko.

[You. I need you. Leave, Nash and be mine.] He said.

"You..." nakagat ko ang labi ko. "You're crazy asshole!"

[Well... I suppose you can say that.] Sabi niya at tumawang parang baliw. [Don't make me mad, Alexandra. Hindi lang yan ang kaya kong gawin.] Then the line was cutted.

"B-But.. I can't leave him..." I whispered in pain.

Ilang sandali pa ay dumating na ang Phantom at Greek. Nag aalala silang tumingin saakin, saamin. Dali-dali silang lumapit.

"Gael! Let's take him to the hospital, please!" Azheaya shouted. Agad naman na lumapit si Gael at dahan dahan na binuhat si Nash sa likod niya.

Tumakbo kami pababa ng condominium at dinala namin si Nash sa pinaka malapit na hospital. Diniretso si Nash sa ER pag karating agad namin.

Naupo kami sa may upuan sa harap ng ER at nag hihintay.

"What happend?" Tanong ni Azheaya at inaasahan ko na yon. Nakatingin din saakin ang lahat at nag hihintay ang sagot ko.

Kinakabahan ako sa magiging reaksyon at sasabihin nila. Natatakot ako.

"Nung nasa hotel tayo sa Makati sinundan ko si Nash sa CR non, at nahuli ko siyang kausap si Paulo sa phone. He said 'how can I kill 'him'. I don't know who that him is. Then he said that I should leave Nash for our safety." I said, my tears started to burst out. "Then may na recieve akong message kahapon Danger, Life, Love, ang nakalagay. I don't know what it means-"

"It means the you need to sacrifice whether Life or Love. You choose between them." Si Kai. Inexplain na niya pero hindi ko parin maintindihan.

"And you didn't bother to tell us?" Tanong ni Azheaya. "You should've told us yesterday!"

"Aphrodite, calm down." It's Hera.

"I-I'm sorry..." I said, that's all I can say.

Napabuntong hininga si Azheaya. Naupo siya sa tabi ko saka ako yinakap. I cried, again.

"Just cry, we're here..." she said. Hinihimas niya ang buhok ko. The girls hugged me too which made me cry even more.

Seconds, minutes, so many hours passed by before the doctor came out inside of the ER.

"The surgery was okay. But I'm afraid that his recovery may took a while. Let's just pray for his fast re-"

I didn't let him finish and I grabbed his collar.

"Doctor ka ba o pari?" Asar na sabi ko. Inawat kami ni Kai at siya na ang kumausap sa doctor. Nag sorry din siya.

Dinala namin siya sa VIP room. Nasa loob lang kami, hinihintay siyang magising. Nag dadalawang isip ako. Ayaw ko iwan si Nash pero ayaw ko rin naman na makita siyang ganito. Anong gagawin ko?

Napabuntong hininga ako. Hinawakan ko ang kamay ni Nash at umiyak nanaman. Ito na lang ba ang gagawin ko? Umiyak ng umiyak?

Lumipas ang ilang araw at nag silbi iyong impyerno saakin. Ang dami kong kailangan gawin na thesis. Didiretso ako sa hospital pagkatapos ng klase ko. Mag rereview ako. Kailangan kong alagaan si Nash. Idagdag mo pa ang sunod sunod na death threats na nakukuha ko sa harap ng condo namin ni Nash.

Gabi gabi akong nag b-break down dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong ideya. Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas pang araw-araw.

Nakaupo ako ngayon sa kama ni Nash at hawak hawak ang kamay niya. Nakayuko ako at umiiyak. Umiiyak ng umiiyak.

"Nash... gising kana.." humikbing sabi ko. "Tell me that everything will be all right, please..."

Every night, tahimik akong nag dadasal. One time binisita ako nila Mom and Dad and I can't help but to cry in front of them. I'm weak.

Hinihintay ko sila Tito at Tita para bisitahin si Nash pero walang dumating.

Unti-unti na akong nawawala sa Dean's list. Bumabagsak na ako. Lahat ng prof ko ay nagtataka at nagtatanong kung bakit ganito ang performance ko. Hindi ko sila masagot dahil kahit ako ay tanong rin yan sa sarili.

Ang hirap. Nahihirapan na ako. Hindi ko na alam kung sino o ano ang uunahin ko. It's been 6 days, hindi pa rin siya nagigising. The girls are worried about me but I keep saying 'I'm fine.' So they'll stop worrying.

One week and 2 days, Nash woke up. Tinawag ko silang lahat at naging masaya kami sa muling pag gising ni Nash.

"Ano ba Lenuel, wag kang umiyak, hindi pa ako patay." Nanghihina pa rin na sabi ni Nash.

"Bro! Namiss kita! Akala ko bibili na ako ng kabaong mo!" Si Lenuel.

"Gago." Natawa kami. He looked at me. I'm still crying. He gave me a smile. I hugged him so tight.

"Shush, I'm fine. Everything will be okay," he said. I nodded. I'm still crying.

Lumabas muna sandali si Azheaya at sinagot ang tawag sa phone niya. Kinuwento nila ang nangyari saakin kay Nash. Puro pang aasar at tawa ang kanilang ginagawa. Nakakaasar.

"Alam niyo naman na hindi niya kayang mabuhay ng wala ako-aray!" Sabi niya ng kinurot ko siya. "Ganyan ba trumato ng pasyente?!"

"Magaling kana," sabi ko. Mag sasalita pa sana siya ng pumasok si Azheaya. She look so pale.

I noticed that her hands are shaking a bit and her lips are twitching.

"What happend?" Kai and Gael immediatley asked.

"Nash..." she called Nash. "Y-You're Mom and D-Dad h-have b-been kidnapped."

The Bad Lawyer (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now