CHAPTER 7: THE PLASTIC GIRL

13 0 0
                                    

*Janine's POV*


Kianian pamko paikot-ikot sa school na to  pero hindi ko pa din makita si Dylan. Nakita ko na sya kanina eh, pero bigla ba naman silang tumakbo ng friend nya palayo sakin. What the! Tinatakasan nya ba ako? -___- Tong beauty kong to, tatakasan nya? As if he can resist my charisma. Sa ganda kong to, I know he can't.

I'm Janine Bernardo. Maganda, sexy, mayaman. Lahat ng lalake nagkakandarapa sa ganda ko. Kilala ako sa pagiging plastik. Psh, As if I care. Duhh. I don't fuckin' care. Madali kong nakukuha ang gusto ko. Parang isang kisapmata, ganun kabilis.

Ang di ko lang talaga maintindihan, madami na akong bagay na nakuha, pero yung puso ni Dylan, hindi ko magawang maangkin. Since when I was in elementary, magkakilala na kami. At since mga bata pa kami, mahal ko na sya.

Gustong gusto ko si Dylan. Pero di ko maintindihan kung ano ba ang kulang sa akin para maging karpat dapat sa kanya. He's so hard to get. And i just don't know why.

Nasa Foodcourt ako ngayon upang humanap ng makakain, at kung sinuswerta ka naman. I saw Mich. Baka alam nya kung nasan si Dylan.

"Hi Mich. Can i ask something?" sabi ko sa kanya with my angelic accent. Plastik nga ako diba, So I think I should use this girl, tutal lagi sila magkasama nila Mich kung Lunch.

"Oh sure" sagot nya ng nakangiti. Imbyerna, ngiti ngiti kapa dyan sampalin kaya kita.

"Nakita mo si Dylan?" tanong ko. Bigla naman kumunot ang noo nya. Nagtataka siguro sya if pano ko nalaman na magkakilala sila.

"You know, lagi ko kasi kayo nakikitang magkasama. So I think alam mo if nasan sya." dugtong ko.

"Ah, hindi eh. Kanina pa sila umalis dalawa ni Bryan" sagot nya.

"Ganun ba? wala kasi akong kasama kumaen eh." paawa effect ko pa.

"Sabay nalang tayo. Vacant pa naman. nauna na kasi mga friends ko at mag reresearch pa daw sila." sabi naman nya. So I think wala na kong makakasabay na iba kundi sya. No choice.

kumaen lang kaming dalawa. nagkwentuhan at syempre puro lang ako kaplastikan. psh boring naman nito kasama.

"Wait CR lang ako ah, dito ka muna." sabi nya at agad na lumabas.

Naiwan ako sa table with her wallet. Psh iniwan pa nya wallet nya. Ganun nya ba talaga pinapagkatiwalaan? hahaha Kawawa. Tinignan ko ang laman ng wallet nya. May pera mga ATM card at iba pa. Sus As far as I know, kasing hirap ng daga ang babaeng to. wala akong mapapala dito sa wallet nya. Isasara ko na sana ng may mapansin na akong picture na nakatago sa gilid. Kinuha ko yun at tinignan.

WHAT O___O

IMPOSSIBLE.

nung nakita ko yung picture, tinignan ko agad ang nakasulat sa likod.

Dear Rouzette,

       I Love You! See you in the future. keep this as remembrance aa.

Love,
Normaine :*

HINDI PWEDE TO. WAG MONG SABIHING SYA YUNG BABAENG YUN?

NO FUCKING WAY. O___O

---

Hi readers. Please don't forget to vote. and leave some comment guys.

Patindi na ng patindi, paunti unti na ding lumalabas ang mga secrets. Keep reading guys :*.

- author <3

ENCHANTED LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon