Signs na true love ka ng isang lalaki

803 2 0
                                    

A/N: Ang mga mababasa mo na mga tips at signs sa librong ito ay hango sa karanasan ko at ng mga tao sa paligid ko. Pwedeng epektibo ito sayo, pwede ring hindi.

Warning 1: If you pirate this book, your soul will rot in hell.

Warning 2: Grammatical errors and typographical errors are present in this story.

Gusto mo bang malaman kung mahal ka talaga ng iyong boyfriend o asawa? Narito ang ilang senyales na totoong minamahal ka ng isang lalake.

1. Nag-eeffort 

Ang mga lalake ay likas na tamad gumawa ng hakbang para pakiligin ang mga babae kapag nakuha na nila ang matamis na oo. Kaya kung si partner ay todo effort pa rin sayo mula sa simula ng sinagot mo sya hanggang kasalukuyan, magalak ka. Dahil kung hindi ka nyan mahal, wala yang pakialam kahit anniversary nyo pa o birthday mo.

2. Nirerespeto ka 

Ang respeto ay isa sa pinakamatibay na pundasyon para magtagal ang isang relasyon. Kung mahal ka ng lalake, irerespeto nya ang lahat ng desisyon mo. Igagalang ka nya sa lahat ng bagay. Hindi ka nya pipilitin sa isang bagay na hindi mo kayang ibigay. May mga lalake na kapag tinanggihan ng babae na ibigay ang bataan dito ay magagalit sa girlfriend at maghahamon pa ng break. Kaya ikaw naman si tanga bibigay sa bitag nya. Hindi ka nya nirerespeto sa puntong iyan. Kaya mag-isip-isip ka na kung ipagpapatuloy mo pa bang makipag-relasyon sa kanya.

3. Agad kang ipapakilala sa pamilya nya 

Kung mahal ka ng isang lalake, hindi yan mag-aatubili na ipakilala ka sa pamilya nya, lalo na sa parents nya. Hindi sya magdadalawang isip na isama ka sa bahay nila. Ibig sabihin lang nyan ay gusto nyang pasukin mo ang mundo nya. Gusto nyang ipahiwatig sayo na darating ang araw ay magiging isa ka na rin sa pamilyang kanyang kinabibilangan.

4. Pinoprotektahan ka 

Makikita mo at mararamdaman ang pagmamahal ng isang lalake kapag handa ka nyang protektahan at ipagtanggol sa anomang pagkakataon. Hindi sya papayag na may manakit sayo. Kung against sayo ang pamilya nya at inaaway ka ng mga ito. Asahan mo, sa iyo sya papanig. Ipagtatanggol ka nya kahit na ang kapalit ay maging kaaway na rin nya ang sarili nyang pamilya.

5. Ikaw ang priority nya 

Kahit na busy sya sa trabaho o nasa isang kasiyahan. Hinding-hindi yan mawawalan ng oras na i-text ka man lang o tawagan. Gagawa at gagawa din yan ng paraan makasama ka lang. Palagi syang may oras para sayo kahit na anong mangyare. Hindi ka rin nya hahayaang maghintay ng update kung ano na bang nangyayare sa kanya. Sya mismo ang mag-a-update sayo ng kusa dahil ayaw nyang mag-alala ka sa kanya at magalit.

6. Mapagpakumbaba 

Kung mahal ka ng isang lalake, kakalimutan nyan ang pride nya para sayo. Mahalaga ka sa kanya kaya hindi lilipas ang magdamag na hindi yan magso-sorry kapag may kaunti kayong tampuhan.

7. He is ready to sacrifice for you/Hindi makasarili 

Basta sa ikaliligaya mo, willing syang i-sacrifice ang pansarili nyang kaligayahan. Maging sa trabaho ay aabsent pa yan masamahan ka lang. Walang halaga din ang panunukso ng barkada sa kanya na takot sya sayo. Dahil ang mahalaga ay ikaw hindi ang sasabihin ng iba. Pero pag ganito ang lalake sayo, wag mo naman sanang abusuhin ang kabaitan nya, besh. Give and take din naman kayo.

TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To those who fall in love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon