Iba't-ibang uri ng pag-ibig

1K 3 0
                                    

Alam mo ba na may iba't-ibang klase tayo ng pag-ibig? Kung hindi pa e di simulan na natin.

1. Philia — Affectionate love

Ang Philia ay pag-ibig na walang romantic attraction. Nangyayari ito sa pagitan ng mga kaibigan o miyembro ng pamilya o pakikiramay sa kapwa. Nailalarawan din nito kapag ang parehong tao ay nagbabahagi ng parehong halaga at paggalang sa bawat isa. Karaniwan itong tinutukoy bilang "brotherly love." Maituturing din itong mapagkawang-gawa na klase ng pag-ibig.

2. Pragma — Enduring love

Ang Pragma ay isang natatanging pag-ibig na nadedevelop at nagmamature base sa haba ng pagsasama. Isang halimbawa sa ganitong klase ng pag-ibig ay ang mga mag-asawang pinagkasundo lamang, na nagsimula na walang pag-ibig. Kinakailangan ang dedication at commitment para sa klase ng pag-ibig na ito. Para sa kanila ay mas nangingibabaw ang salitang standing in love kaysa falling in love. Pero sa huli ay uusbong din ang pag-ibig sa kanila.

3. Storge — Familiar love

Ang klase ng pag-ibig na ito ay mas madalas na nailalarawan sa pagmamahal ng magulang at anak, gayon din sa kaibigan. May ilang kaso din na ang pagkakaibigan ay nauuwi sa romantikong relasyon, na nagiging mas matagumpay.

4. Eros — Romantic love

Ito ay isang klase ng pag-ibig na may kasamang marubdob na romantiko sa pagitan ng dalawang magkarelasyon. Ito ay isang madamdaming pag-ibig na may kasamang pisikal at senswal. Lubha itong mapanganib kung hindi gagamitin ng tama. Maaari ding hindi magtagal ang relasyon kung isa lamang ang umiibig, habang ang isa ay nagnanasa lamang.

5. Ludus — Playful love

Ang ganitong uri ng pag-ibig ay binubuo ng panunukso, mapaglarong mga motibo at pakikipagharutan sa pagitan ng dalawang tao. Ibig sabihin ay nailalarawan ito sa flirtatious love o child-love gaya ng infatuation na mabilis din namang maglaho. Ito ay pag-ibig na hindi seryoso, hindi nakikipagcommitment at hindi nangangako. Puro kasiyahan lamang ang gusto.

6. Mania — Obsessive love

Mania is an obsessive love towards a partner. It leads to unwanted jealousy or possessiveness. Karamihan sa mga kaso ng obsessive love ay matatagpuan sa mga mag-asawa na may kawalan ng timbang ng pagmamahal sa bawat isa. Ito rin ang uri ng pag-ibig na maaaring humantong sa isang tao sa kabaliwan, paninibugho, o kahit na sobrang galit.

7. Philautia — Self love

Ang Philautia ay isang malusog na uri ng pag-ibig kung saan kinikilala mo ang iyong pagpapahalaga sa iyong sarili at huwag balewalain ang iyong mga personal na pangangailangan. Self-love begins with acknowledging your responsibility for your well-being. Pero may dalawang uri ang philautia. Ang isa ay ang unang nabanggit at ang isa ay purong makasarili at naghahanap lamang ng pansariling kasiyahan, katanyagan at kayamanan. Greedy person sa madali't sabi.

8. Agape — Selfless love

Ang Agape ang pinakamataas na antas ng pag-ibig na inaalok. Makikita sa anyo ng pag-ibig na ito na nagbibigay ito ng walang anomang inaasahan na matanggap na kapalit. Ang pag-aalok ng Agape ay isang desisyon upang maikalat ang pag-ibig sa anomang mga pangyayari. Hindi ito makasarili. Ito ang pinakamalapit sa pag-ibig na unconditional love.

TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To those who fall in love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon