Sign na kailangan mo ng bumitiw sa relasyon

5.8K 5 0
                                    

Maraming tao ang hindi kayang bumitiw sa kanilang karelasyon dahil sa iba't-ibang dahilan. Unang-una ay dahil may mga anak sila. Pangalawa ay dahil hindi nya kayang mabuhay na wala ang kanyang karelasyon.

Pero nare-realize mo ba na sinasayang mo ang pagkakataon na makilala ang tamang tao para sayo habang sinasayang mo ang oras mo at pagmamahal sa maling tao.

It's true that letting go of someone you care about is definitely a difficult thing to do. Pero baka naman ikaw na lang ang kumakapit sa inyong relasyon. Baka naman napipilitan ka na lang dahil kulang ka sa tinatawag na self love. O baka naman manhid ka lang at hindi mo alam na kailangan mo ng bumitiw.

Narito ang ilang signs na kailangan mo ng bumitiw sa inyong relasyon.

1. Hindi ka na masaya

Sadyang napakahirap sabihin sa isang karelasyon ang dahilan na hindi ka na masaya sa kanya. Pag sinabi mo yan, asahan mo na madaming kasunod na tanong na bakit at paanong hindi ka na masaya sa kanya. Kahit ano pa mang rason mo kung bakit hindi ka na masaya sa kanya, tapatin mo sya. Wag mong hayaan ang sarili mo na manatili sa isang relasyon na napipilitan ka na lang ipagpatuloy.

2. Mas umiiyak ka kaysa masaya

Wag na wag mong hahayaan na gawin ito sa sarili mo. Kung mas marami ang luha mo kaysa sa saya sa pakikipag-relasyon sa kanya. Iwan mo na sya. Bakit ka magtitiis sa kanya kung pinaiiyak ka lang naman nya palagi. Know your worth, madami pang taong mas higit sa kanya. Wag mong sayangin ang oras mo sa kanya. Mahirap manatili sa isang relasyon na mag-isa ka na lang lumalaban. Kailangan mong maunawaan na hindi ka dapat makipagrelasyon sa taong tanggap lamang nang tanggap. In any relationship give and take is a must.

3. Sinasaktan ka na nya physically

Kapag sinasaktan ka na ng karelasyon mo. May maganda pa bang rason para hindi sya bitiwan? Tapos hindi lang pisikal na pananakit ang ginagawa nya sayo, pati emotionally and verbally ay nagagawa na rin nyang lumampas sa limitasyon. Kung may mga anak kayo, meron tayong batas. Hayaan mo syang matuto ng leksyon para tigilan na nya ang pananakit sayo. Kawalang respeto na sayo at sa pagkatao mo ang ginagawa nya. At anomang pananakit nya sayo, dapat umatras ka na. Asahan mo rin na kapag nasimulan ka nyang saktan ng isang beses, mauulit at mauulit pa yan. Kaya bitiw na besh, wag kang martir.

4. Wala ng respeto sayo

Respect and trust are the main ingredients of any relationship. Kung wala na syang respeto sayo, baka kailangan mo ng imulat ang mga mata mo. Tapos gusto nya ay sya palagi ang masusunod sa lahat ng desisyon. Madalas pa ay denidemoralize ka na nya at minamanipula. Aba wag mo ng sayangin ang oras mo sa kanya. Kung hindi ka na iginagalang ng partner mo sa lahat ng bagay at panahon, isa lang ang ibig sabihin nyan. Hindi ka na nya mahal, kaya bitiw na.

5. Walang plano sa future

Ito yung walang plano na pakasalan ka. Puro s*x lang ang gusto, hindi ka naman planong pakasalan. O di kaya naman ay taong ayaw ng commitment, gusto lang ay sarap palagi. Mga fuck boy ganon. Iwasan mo ang ganitong klase ng lalaki. Mas masarap umibig sa taong alam mong may patutunguhan ang ini-invest mong oras at pagmamahal sa kanya.

6. Masyadong possessive

Kung tipong minamanipula ka na nya, aba takbuhan mo na sya. Ang pagiging possessive nya ay maaring mauwi sa pananakit. Lalo na kapag nagsimula na syang magselos. Ito din yung taong palaging gusto nyang makuha ang atensyon mo. Hanggang sa kontrolin na nya at manipulahin ang buhay mo. Tapos kaunting kibo mo lang ay lagi na lang syang nagdududa. Nakakatakot yan besh.

TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To those who fall in love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon