Mga bagay na di mo dapat gawin sa ka-LDR mo

783 1 36
                                    

Maraming nasasayang na relasyon dahil sa kawalan ng tiwala sa taong minamahal. Marami ding nasasaktan dahil sa sobrang expectation, lalo na kapag LDR.

Everyone knows that long-distance relationships are hard work. But what are the most common and serious long-distance relationship problems? Can they be fixed? Are most long-distance relationships ultimately doomed?

Don't worry, long-distance relationships can totally work. However, let's be realistic too na madami talagang hindi ito napapagtagumpayan dahil na rin sa hindi nila alam kung paano i-handle ang sitwasyon nila.

Narito ang ilang bagay na dapat mong iwasan at di gawin sa ka-LDR mo.

1. Maya't-mayang pag-uusap 

Sinabi ko na ito sa last post ko. Hindi talaga nakakatulong sa isang LDR ang excessive communication. Maniwala ka, agad kayong magkakasawaan kapag hindi nyo nilimitahan ang pag-uusap nyo. Mas okay yung nagpapa-miss kayo para kapag nagkausap kayo kinabukasan ay parang sabik na sabik kayo na pag-usapan yung mga nangyari sa inyo sa mga nakaraang araw.

2. Huwag mapagbintang o mapagduda 

Iwasan mo ang masyadong tamang hinala lalo na at wala ka namang proweba. Alam mong nagtatrabaho sa malayo si partner tapos pagbibintangan mo agad na may iba dahil lang na-delay ng reply sayo. Kung alam mong matino naman ang ka-LDR mo, magtiwala ka lang sa kanya.

3. Huwag magsisinungaling 

Kung ayaw mong magkasira kayo ni ka-LDR. Wag na wag kang magsisinungaling sa kanya. Maging honest kayo palagi sa isa't-isa para hindi kayo magkaroon ng problema in the future.

4. Huwag mag-video call at sex 

Ito yung bagay na hindi ko maintindihan kung bakit kailangang gawin ng ibang magkaka-LDR. Mahirap talaga ang magkalayo. Pero hindi nyo ito kailangang gawin. Lalo na ng mga kababaihan. Maniwala ka, kapag hinayaan mo itong gawin nyo. Mawawalan ng respeto sayo ang ka-LDR mo. Gagawin pa nyang pang-blackmail sayo yan pag nagkahiwalay kayo. Kaya kung yayayain ka ni ka-LDR na gawin ito, please matuto kang tumanggi at umayaw. Respect yourself at sya din dapat ay nirerespeto ka nya.

5. Nagging 

Kaya maririndi sayo ang ka-LDR mo dahil sa sobrang nagger mo. Ito din yung tipong daig mo pa ang imbestigador kung tanungin mo ang partner mo dahil lang sumama sya sa tropa nya. Ilagay mo sa lugar ang nagging mo. Kung simpleng inuman lang naman kasama ang kaibigan nya, wag mo ng bungangaan. Naglilibang lang naman yung tao dahil puro na lang sya trabaho para sa future nyo. As long as wala naman syang ginagawang masama hayaan mo lang sya magliwaliw paminsan-minsan.

6. Ang dami mong bawal 

Sinakal mo na si partner dahil sa sobrang dami mong bawal sa kanya. Gaya ng bawal syang lumabas kasama ang tropa at katrabaho nya. Bawal ding bumili ng gusto nyang gadget dahil mahal. Besh, reward nya yun sa sarili nya dahil sa pagsisipag nya kaya wag mo na syang bawalan kung gusto nyang gumala o bumili ng gadget kahit isang beses sa isang taon lang.

7. Demanding 

Sa sobrang demanding mo kaya nagkakaroon kayo ng pagtatalo. Yun bang tipong akala mo palagi ay ikakamatay mo kapag hindi nakapag-chat si ka-LDR sayo. Gusto mo palagi pag sinabi mo ay kailangan masunod agad. Tapos tatalakan mo na agad sya kapag hindi nasunod ang mga demands mo sa kanya. Hindi mo man lang maisip yung pagod ng isa after work nya.

TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To those who fall in love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon