17 Signs kung nagche-CHEAT sayo ang isang tao

3.1K 3 1
                                    

Signs Your Partner Could Be Cheating

A/N: Ang mga mababasa mo na mga tips at signs sa librong ito ay hango sa karanasan ko at ng mga tao sa paligid ko. Pwedeng epektibo ito sayo, pwede ring hindi.

Warning 1: If you pirate this book, your soul will rot in hell.

Warning 2: Grammatical errors and typographical errors are present in this story.

Paano nga ba natin malalaman kung nagloloko ang partner natin? Ang senyales ng cheating ay iba-iba sa bawat magkarelasyon. Pero aminin mo, kaya ka nandito ngayon ay dahil may kakaiba kang nararamdaman sa partner mo. O di kaya naman ay gusto mong alamin ang mga senyales ng cheating para maging handa ka sa future partner mo.

Pwedeng tama ang instinct mo kung nagloloko ang partner mo, pwede din namang praning ka lang. Wag kang padalos-dalos ng pag-aakusa dahil maaaring mali ka sa mga hinala mo at malagay pa sa alanganin ang relasyon nyo dahil sa kawalan mo ng tiwala sa kanya. Gayon pa man, mas mainam na kumalap ka muna ng matitibay na ebidensya bago mo komprontahin ang partner mo sa mga napapansin mong kakaibang behavior nya.

Narito ang mga senyales na nagloloko ang partner mo. Pwede itong ibatay sa lalaking partner o babaeng partner.

1. Improved or sudden change appearance

Kapag sanay ka na simply lang ang partner mo manamit o di kaya ay hindi naman sya palaayos tapos bigla syang nagpa-gwapo o nagpaganda. Asahan mo na gusto nyang magpa-impress sa isa sa kakilala nya sa trabaho. Tapos bigla din at panay ang bili nya ng bagong damit. Naku, magtaka ka na.

2. Technology use/ Secretive phone or computer use

Madalas ay nahuhuli ang pagloloko ng isang partner sa text message at chats. Magtaka ka na kung biglang nagkaroon ng password ang cellphone at computer nya. Tapos maging ang browser history nya sa computer ay clear agad. At ang mga text nya ay burado agad. Kahina-hinala di ba?

Ang mas nakapagtataka pa ay dinadala na nya ang cellphone sa bathroom nyo o kaya ay tago-tago palagi sa bulsa yung phone nya na para bang may aagaw nito sa kanya. May kaso din na pabulong pa sya kung makipag-usap sa katawagan nya. Kapag naman tinanong mo sya kung sino ang kausap nya o ka-text, asahan mo, mauutal-utal yan o di kaya naman ay sya pa ang galit sayo. Senyales na yan na may kababalaghang nagaganap besh.

3. Madaming excuse/Hindi na ikaw ang priority nya

Kapag ang partner mo ay bigla na lamang nawalan ng oras sayo. Nakakapagtaka nga iyon. Lalo na kung dati naman ay ikaw ang priority nya. Tapos kapag tinanong mo sya kung pwede ba kayong magkita dahil miss na miss mo na sya. Palagi syang may dahilan sayo. Okay lang kung isang beses lang sya mag-excuse. Pero kapag napapadalas na ang excuse nya. Aba magtaka ka na. Malamang iniiwasan ka na nyang makasama dahil busy na sya sa iba.

4. Delay mag-reply/ Unreachable

Kung dati-rati ay wala kayong humpay kung mag-usap ng partner mo sa text at chat. Mabilis pa nga sa kidlat kung mag-reply sya sayo noon. At palagi syang sabik na maka-text ka. Tapos bigla syang nagbago. Hindi mo na rin sya mahagilap palagi. Nade-delay na rin ang reply nya sayo o kung minsan nga ay inaabot na ng ilang araw bago ka nya i-reply. Magtaka ka na. Kung ang idadahilan naman nya ay busy sya sa trabaho, sige i-consider mo. Pero isipin mo rin, hindi ba sya nagbe-break sa trabaho nya? Hindi ba sya umuuwi ng bahay nya para makalimutan kang i-reply? Watch out sa senyales na ito. Malinaw na senyales iyan na may iba syang pinagkakaabalahan.

TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To those who fall in love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon