Kapag nag-break na, ibig sabihin ay tapos na ang lahat sa inyo. Period na. Tanggap mo na ang sinapit ng relasyon nyo. Pero si Ex kaya naka-move on na rin? Tanggap na rin kaya nya na hindi kayo para sa isa't-isa? I'm sure gusto mo ring malaman yan.
Narito ang mga signs na mahal ka pa rin ni Ex.
1. Kino-kontak ka pa rin nya
Ginagawa ito ng mga ex kapag mahal pa rin nila ang isang tao. Yung palagi ka pa rin nyang tine-text at tinatawagan kahit wala na kayo. Lalo na kapag lasing siya, ikaw agad ang maiisip nyan hanggang sa kulitin ka. O di kaya ay mag-mimiss call yan kahit dis oras ng gabi dahil bigla ka nyang namiss.2. Tinatago pa rin nya lahat ng binigay mo
Di ba para maka-move on tayo ay dapat itapon na natin ang mga bagay na makakapag-paalala kay Ex. Pero sya, tinatago pa rin nya ang mga bigay mo. Ilalagay pa nya sa baul para safe ang alaala nyo. Tapos titingnan nya kapag namimiss ka nya.3. Curious lagi sayo at sa relationship status mo
Lagi nyang inaalam kung ano na bang nangyayari sa buhay mo, kung kumusta ka na ba. At kung may bago ka na bang manliligaw o di kaya naman ay kung may bago ka ng boyfriend/girlfriend.
4. Patama post sa social media
Ito yung post na sakto sayo ang post nya. Mga patama palagi na quotes o di kaya ay places na lagi nyong pinupuntahan o paboritong nyong pagkain. Tapos may patama na caption sa picture para sayo.5. Ini-stalk ang social media mo
Matagal na kayong wala pero palagi pa rin nyang binibisita ang Facebook mo. Lalo na kapag bigla ka nyang na-miss. Magugulat ka na lang din na nagla-like at comment na ulit sya sa mga post mo.6. Single at available pa rin
Hindi pa nya kayang magmahal ng iba kasi umaasa pa rin sya na magkakabalikan kayo. Umaasa sya na kapag bumalik ka ay available pa rin sya. Pero pwede rin namang sinaktan mo sya ng husto kaya hindi pa naghihilom ang sugat sa puso nya.7. Biglang magpaparamdam
During no contact rule ay bigla syang magpaparamdam sayo. Alam mo kung bakit? Kasi na-realize nya na mahal ka pa rin nya. Pero wag kang marupok besh, hayaan mo lang sya. Kung gusto mo syang balikan, wag mong padaliin ang pagbabalik nya.8. Close pa rin sa family mo
Kahit wala na kayo ay hindi pa rin sya nakakalimot sa family mo. Dumadalaw-dalaw pa rin sya sa inyo o di kaya ay palagi silang kakamustahin sayo. Ginagawa nyang dahilan ang pamilya mo para syempre makita ka na rin nya at makausap.9. Concern pa rin sayo
Kahit wala na kayo ay madarama mo pa rin yung concern nya sayo. Lalo na kapag sinabi mo na may nanliligaw na sayo. Asahan mo na sasabihin nya sayo na kilalanin mo munang mabuti yung guy para hindi ka mapahamak. Pero deep inside, nasasaktan yan.10. Gumagawa ng paraan na makita ka
Basta na lang syang sumusulpot sa isang lugar o okasyon para lang makita ka. Minsan kakasabwatin pa nyan ang friends nyo para lang mapuntahan ka kung nasaan ka man.11. Nagseselos pag may kasama kang iba
Nagseselos sya kahit wala na syang karapatan. May Ex na hindi nya sasabihin sayo na nagseselos sya. Pero mahahalata mo naman sa kilos nya.12. Namimiss ka nya palagi at naiisip
May iba pa bang dahilan kung bakit namimiss ka ni Ex at naiisip? Syempre kapag namimiss ka nya, ibig sabihin ay may feelings pa yan sayo. Mahal ka pa rin nya kaya hindi ka mawala-wala sa isip nya. Kung baga para kang mantsa o tattoo sa isip at puso nya.
BINABASA MO ANG
TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To those who fall in love)
DiversosLove is the most powerful force in the universe. Minsan dahil sa sobra nating pagmamahal kaya hindi na natin nakikita at nararamdaman ang tama at mali. Nakakabulag kasi at nakakabingi ang pag-ibig, di ba? Nakakalimutan mo na rin nga minsan na may sa...