Napahagod si Leandro sa kanyang ibabang labi habang nag-aantay sa kanto kung saan niya huling hinatid ang dalaga noong isang araw. Hindi niya kasi ito makuntak magmula pa kanina kaya napag-desisyunan niyang abangan na lamang ito.
Pagtingin niya sa kanyang pambisig relo ay pasado alas syete imedya na ito nang gabi at kanina pa siya nakatayo sa harapan nang kaniyang sasakyan. Nayayamot na rin siya at naiinip kung kaya't, bumalik siyang muli sa loob ng kanyang sasakyan at sumakto ang ginawa niyang iyon matapos mapansin ng kaniyang mga mata ang paparating at papalapit na dalaga sa kanyang kinaroroonan. Lumabas siyang muli at bumalik sa kanyang kinatatayuan kanina lamang.
He heaved a sigh,
pakiramdam niya kasi ay bigla siyang kinapusan ng hininga dahil sa biglang pagkaba. Bahagyang nagkasalubong ang kanyang mga kilay ng mapansing hindi pala nag-iisa ang dalaga dahil may kasama itong lalaki.Isang pagtikhim ang ginawa niya kung kaya't nabaling sa kanyang pwesto ang atensiyon ng mga ito.
Nahinto si Jelay matapos makilala ang lalaking nakatayo sa harapan ng sasakyan nito habang nakapamulsa at nasisiguro niyang siya talaga ang hinihintay nito.
“Mauna ka na, may kakausapin lang ako,” mahinang sabi niya kay Andrei.
“Huh! Bakit?” may pagtatakang ani Andrei.“Tch! sige na. . . may kakausapin lang ako,” sagot rito ni Jelay 'tsaka naglakad na ito patungo sa lalaking nakaabang.
Gusto niya rin kasi itong pasalamatan sa ginawa nito noong nakaraang gabi, alam niyang malaking halaga ang inilabas nito para ipambayad sa utang nilang mag-ama. At kapag nagkaraos na siya ay hulug-hulugan niya itong babayaran hanggang sa matapos.
“Sumunod ka sa 'kin,” tanging sabi niya ng makalapit sa lalaki at saka tumalikod rito.
Nakasunod lamang si Leandro sa dalaga habang palipat-lipat naman ang kanyang mga mata sa paligid, makipot kasi ang dinaraan nila at may mga ilaw naman pero hindi naiilawan ang buong paligid. Medyo naalarma siya ng makita ang mga nag-uumpukang mga kalalakihan sa unahan, na alam niyang nag-iinuman ang mga ito at mukhang mga siga pa.
“Dito ka ba nakatira, Miss?” may kuryusidad niyang naitanong.
“Oo, bakit?” matipid ang sagot sa kanya ng dalaga 'tsaka lumiko ito.
Sumunod lamang siya rito at pakiramdam niya'y hindi safety ang tinirhan ng dalaga.“Hindi ba delikado dito, Miss? Look! may mga siga sa kanto niyo tapos kung umuwi ka. . . ginagabi ka pa,” hindi niya napigilang naitanong kung kaya't nahinto ang dalaga at saka siya nito nilingon.
“Mababait ang mga tao dito. At saka hindi tayo close para pagsabihan ako, Mister!” seryoso ngunit mariin nitong sabi sa kanya na ikinatahimik niya sandali.
Oo nga naman, nag fe-feeling close na siya kahit wala pa namang label sa kanilang dalawa.
“I'm just concern,” tanging aniya saka ngumiti rito ng pilit.
Isang pag-irap lamang ang ibinigay ng dalaga at saka binuksan ang nakasarang bakod nila na gawa lamang ito sa kahoy. Kamuntik pang nauntog sa pintuan ang ulo ni Leandro dahil katamtaman lamang ang taas niyon. Mabuti na lamang ay maagap siyang napayuko.
Na sentro ang mga mata ni Leandro sa mga picture frame na nakasabit sa dingding, a happy family. Napangisi siya ng wala sa oras dahil, naagaw ang atensiyon niya sa isang larawan ng babae. Naiiba ang ganda nito kung ikukumpara ito sa ibang babaeng nakakasalamuha niya at nasisiguro niyang kulang lang sa pag-aayos ng sarili nito ang babae ito.
“Narito ba si Andrei, Anak?”
Dinig niyang boses ng matandang lalaki. At ng makita siya nito ay agad siyang nagbigay galang sa matanda.
“Magandang gabi ho?” pagbigay galang niyang bati rito.Wari'y kinikilatis siya ng matanda mula ulo hanggang paa nito. Bigla niyang nailunok ang sariling laway dahil katulad na katulad nito ang kanyang lolo kung siya ay titigan.
“Siya po ang tumulong sa atin kanila Walton, pa.” Dinig niyang boses ng dalaga na ikinatango-tango ng matanda saka lumawak ang ngiti sa labi nito upang makipagkamay sa kanya.
“Pasensya ka na talaga, pagpasenyahan mo na itong maliit naming bahay. Siyanga. . . Jelay, anak ipaghanda mo muna siya ng makakain. Lalabas lang muna ako at may kukunin ako saglit,” masiglang naisaad ni Mang Elmer at saka iniwan ang dalawa.
Hindi magawang magsalita ni Jelay dahil nakaalis na ang kanyang ama. Bigla siyang nahiya sa kaharap, kung bakit kasi'y dinala pa niya ito sa kanilang bahay.
“No need to worry, Miss. Mabait ako at hindi ako gagawa ng ikakapahamak mo. By the way, I'm Leandro Buenaventura, and you are?” pilyong pakilala ni Leandro 'tsaka inilahad rito ang kamay sa dalagang kaharap.
Nag-aatubiling tinanggap ni Jelay ang kamay ng binatang nakalahad papunta sa kanya kung kaya't isang pagtango na lamang ang kanyang ginawa at inignora ito.
“Mabuti at nagpakilala ka, maiwan ka muna diyan. Magluluto muna ako sandali,” aniya't akmang tatalikod rito ng kaagad na nagsalita si Leandro.
“No need to… it’s okay, busog pa ako. M-may kailangan lang talaga ako sayo, kung kaya't hinintay kita,” aniya na ikinaharap pabalik sa kanya ng dalaga.
Nasundan ng mata ni Jelay ang kinuhang brown folder ng lalaki saka iniabot ito sa kanya. Bahagyang kumunot-noo niya ng tanggapin niya iyon at buong pagtatakang tinitigan sa mukha ang lalaki.
“It’s a contract, kasulatang nagpapatibay na wala na kayong utang kay Mr. Walton Ramirez,” pagpapaliwanag sa kanya ni Leandro na ikinatigil niya.
Binuklat niya ito at binasa ang nilalaman. Kalakip ang interest at buong perang binayaran ng lalaki ay nakalagay rin doon. At hindi nga siya nagkakamali dahil, malaking halaga ang inilabas nito.
Kamuntik malaglag ang panga niya ng makita ang nakasulat na presyo.
“It’s a small amount, kailangan mo lang pirmahan ang kontrata para may hawak kayong katibayan oras na guluhin kayo ng lalaking 'yun,” dagdag ni Leandro dahil nakikita niyang nabigla sa nakita ang dalaga mula sa nabasa nito.
“B-bakit mo ginawa 'to? A-anong kondisyon mo sa pagtulong sa amin? Malaking halaga ang perang ibabalik ko sa'yo―'' hindi matapos naitanong ng dalaga sa kanya dahil, kinuha niya mula rito ang kontratang hawak.
Maingat at nakikiusap ang mga mata nitong tumitig sa kaharap.
“Be my baby maker, at kapag pumayag ka. . . wala kang dapat ipag-alala. Just be my baby maker for nine months,” deretsang sagot ni Leandro rito na ikina-awang ng labi ng dalaga.
Inilapit ni Leandro ang sarili sa dalaga at mariin itong tinitigan sa kanyang mga mata. Wari'y nang-aakit ang kulay rosas nitong labi upang gawaran niya ng halik. Ngunit, malaki ang pagpipigil niyang ginawa na hindi niya rin alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Buenaventura's Heir: Playboys Baby Maker (COMPLETED)
RomanceLeandro Buenaventura, a well-known certified Playboy. He loves to play girl's heart and left them after he got what he want. Hindi uso sa kanya ang 'Love' at wala ni isa pang babae ang may kakayahang paibigin siya. But, for the sake of his heir, he...