CHAPTER 5

1.5K 61 2
                                    

Pakiramdam ni Jelay sa mga oras na iyon ay namanhid ang buong mukha niya dahil sa kabruskuhan ng lalaki. Buong gabi siyang hindi makatulog ng maayos dahil, sa pag-iisip nito sa kondisyon sa kanya ng lalaking 'yun. Alam niyang sa oras na siya ay aayaw ay babawiin nito ang pera at mapipilitan siyang magbayad rito ng mahal.

“God! saan naman ako kukuha nang ganoong halaga?” naisambit niya sa kanyang isipan.

Kung anu-ano na ang posisyong ginawa niya para lamang makatulog ng tuluyan. Ngunit sa bawat pag-pikit niya ng kanyang mga mata ay tila sirang plakang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang huling sinabi sa kanya ng binata.

“Be my baby maker, at kapag pumayag ka. . . wala kang dapat ipag-alala. Just be my baby maker for nine months,”

Bigla siyang napabalikwas ng bangon at ginulo ang sariling buhok.

“Anong akala niya sa akin, pokpok? Gago 'yun ah! waaahh! mama, may choice po ba ako, Ma?” mahinang atungal niyang sabi at naiiyak na pinapadyak ang mga paa.

Kapag nagkataon, tuluyan ng mawawasak ang pinaka-iingatan niyang bandera. NBSB pa naman siya at NO SEX EXPERIENCE at mas malala nito ay magiging baby maker siya ng Leandro na 'yun na wala siyang alam tungkol rito. Bigla siyang napababa mula sa kanyang kama at kaagad na hinarap ang nakabukas niyang laptop. Binuksan niya ang kanyang social media account para ma-instalk man lang ang background ng lalaki.

Pero mukhang iwas social media ito dahil hindi niya mahagilap. Bigla siyang napa-irap at bumalik muli sa pagkakahiga hanggang sa dinalaw na siya ng antok.

KINABUKASAN ay isang malapad na ngisi ang agad napuna ni Don Conrad sa apong si Leandro. Maayos ang gising nito at biglang nagkahimala dahil maaga itong nagising.

“Oh, hi! Lo. Good morning.” Pagbati pa nito.

Naiiling na lamang ang matanda at saka tuluyang napangiti. Kung ganito lang sana ang umagang madadatnan niya ay tiyak niyang gaganda ang umaga niya palagi.

“What makes you woke up early in the morning? nahihiwagaan talaga ako sa ngiti mo apo,” Usisa niya rito.

Ngumiti lamang ang binata 'tsaka siya nito nilapitan.

“There's nothing Lo, by the way can I have my own condo? Total naman po gusto na ninyo akong mag-asawa at magka-anak pwede na ba akong lumipat?” Hinging permiso ni Leandro sa kanya.

Sandaling napatitig sa apo nito si Don Conrad at nagkasalubong ang mga kilay nitong tumingin rito.

“Are you―” putol niyang sabi, dahil kaagad nagsalita ang binata.

“I'm ready to settle down, Lo. Don't worry, ipapakilala ko siya sa inyo kapag magka oras siya.” Ngiting ani Leandro.

Matagal bago maprosesa sa utak ng matanda ang sinabi ng kanyang apo. Nabigla kasi siya at hindi makapaniwala bagamat naniwala naman siyang may pagbabago talaga ang taong katulad ni Leandro.

“Then, I have no choice. Sana ay hindi napilitan ang babaeng pumatol maikasal sayo, apo. But, I'm still happy for you,” nakangiting sabi ni Don Conrad saka tinapik nito sa balikat ang apo bago nagpatuloy.

“I want to meet her as soon as possible,” Huling aniya.

Napangiting pilit si Leandro pagkatapos kumamot ito sa kanyang batok habang sinundan niya lamang ng mata ang kanyang Lolo dahil lumabas ito at iniwan siya.

“Hayst! Lolo talaga,” naiiling niyang sabi saka napangisi.

Ganadong pumasok ng kompanya nito si Leandro at halos lahat ng mata ng kanyang mga empleyada ay nakatuon sa kanya pagka pasok pa lamang niya. Isang Clothing Company ang hawak niya na pagmamay-ari ng kanyang Lolo. Habang nasa Espanya ang kanyang mga magulang ay naiwan siya sa kanyang Lolo Conrad dahil, mag-isa na lamang ito sa buhay.

Buenaventura's Heir: Playboys Baby Maker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon