Isang malamig na tingin ang ipinukol ni Jelay sa mga tambay mula sa kanyang dinadaanan. Sa isang makipot na eskinita siya dumadaan kung kaya’t hindi maiwasang may sumisipol satwing siya ay dadaan at mamangha ang mga ito sa taglay niyang kagandahan.
“Jelay, Uy! Jelay. Sandali!” pagsambit sa kanya ng isang pamilyar na boses.
Tumaas ang kanyang kaliwang kilay matapos lingunin ang tumatawag sa kanya. Si Andrei iyon, ang kanyang kaibigan.“Bakit na naman?” yamot niyang ani na ikinangisi na lamang ng huli at napakamot sa batok.
“Wala pa nga akong sinasabi, nambabara ka na agad...” nakangising anito.
Umirap lamang si Jelay at naunang humakbang habang kinausap ang binata.
“Nagmamadali ako kaya sabihin mo na ang sadya mo,” malamig niyang sabi.
“Ahh… kasi, ano―” nauutal at hindi maituloy ani Andrei dahil bigla siyang natigilan ng hinarap siya ng dalaga ng nakakunot-noo.
Tila umurong ang dilang magsalita pa ni Andrei sa paggawang tingin ng kaharap. Yayain sana nitong mag-dinner si Jelay mamaya kasama niya, pero mukhang tagilid ang kanyang naisip lalo pa at wala sa mood ang dalaga.
“N-nakalimutan ko na. Haha! tayo na at baka kanina pa nag-aantay si Mr. Chin,” agad niyang pag-iba sa usapan.
“Okay, sige!” tipid ang sagot ani Jelay saka humakbang ito ng tahimik.
Nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga niya si Andrei at kapag kasi ganun makatingin sa kanya si Jelay ay namamawis na ang kanyang batok sa tensiyong nadarama. Hindi niya magawang makipag-usap rito ng matagal dahil pinangungunahan siya ng kaba at takot.
Tahimik lamang pumasok patungong kitchen si Jelay at agad na kinuha sa tukador ang apron nito at isinuot iyon pagkatapos. Hindi man lang niya inabalang tapunan ng tingin ang kasabay kanina na siyang nakasunod lamang sa kanya.
Hindi niya kasi ramdam ang presensiya ni Andrei ngayong araw, dahil wala siya sa mood makipag-usap rito.
Personnel assistant siya ng chef kaya lahat ng gawain sa kusina at iutos ng tagaluto ay ginagawa niya at sinusunod. Ayos na sa kanya ang ganoong istilo ng trabaho dahil sanay naman siyang mapagod at mukhang hanggang doon na lamang ang kanyang kapalaran.
She born in wealth, pero kung pa'nu umunlad ang negosyo ng papa niya noon ay ganun naman kabilis maglaho ang pinaghirapan nito. Maaga siyang naulila sa ina dahil namatay ang mama niya sa sakit na alzimer, kung kaya't highschool graduate lamang siya dahil hindi na nakapag kolehiyo. Dahil nalugmok sa bisyo ang kanyang ama at nabaon sa malaking pagkakautang.
And She worked and pay her father’s depth.
Bigla siyang napakislot nang tumunog ang cellphone nito sa bulsa ng kanyang apron. Pagtingin niya rito ay ang numero agad ng kanyang ama ang rumehestro. Walang pag-aatubili ay mahina niya itong sinagot at kinausap ang kanyang ama.
“Bakit po papa?” mahinang sambit niya.
“H-Hello, anak. P-Pasensya ka na---" putol ang sagot ng kanyang ama ng may umagaw agad sa cellphone nito.
"AKIN NA! AKO ANG KUMAUSAP!” rinig niyang singhal ng pamilyar na boses lalaki mula sa kabilang linya.
“Siguro naman, alam mo na ang pakay ko sa papa mo? Mahigit tatlong buwan na siyang walang pambayad sa utang niya sa akin at kanina lang nangutang pa uli siya at naitalo lang sa sugalan ang pera ko,” galit ang boses ani ng lalaki.
Sandaling hindi naka-imik si Jelay. May hinanakit man siya sa ama, pero pagdating sa mga utang nito ay siya ang nagbabayad. Alam niyang malaking halaga ang interest ng perang inuutangan ng kanyang ama at nasisiguro niyang mauubos ang perang iniipon niya para sana sa kanyang pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Buenaventura's Heir: Playboys Baby Maker (COMPLETED)
Storie d'amoreLeandro Buenaventura, a well-known certified Playboy. He loves to play girl's heart and left them after he got what he want. Hindi uso sa kanya ang 'Love' at wala ni isa pang babae ang may kakayahang paibigin siya. But, for the sake of his heir, he...