Nagising kinabukasan si Jelay na masakit ang katawan maging ang ibabang bahagi nito. Pinamulahan siya ng mukha ng malingunan ang binatang may bitbit na tray na may laman nang pagkain. Naka topless ito at magulo pa ang buhok.
Bigla siyang nakaramdam ng sobrang hiya dahil naaalala niya ang ginawa nila ni Leandro, naka-ulit kasi sa kanya ito.
“It’s already 9 am, kumain ka muna.” Pilyong ngising ani Leandro.
Nakapagbihis naman siya ng damit na tanging manipis na pantulog at mismo pa si Leandro ang nagpasuot nun sa kanya.
“Binihisan mo ba talaga ako? H-hindi mo man lang ako sinabihan,” nahiyang sabi niya na ikinatawa ng pagak ng binata.
“Ayaw lang kitang maistorbo Jelay, at saka huwag ka ng mahiya pa dahil nakita ko na ang lahat sayo,” pilyong pagngising sagot ni Leandro na ikinairap naman niya rito.
Hindi na siya maka-imik pa dahil sa sobrang hiya. At hindi niya rin magawang makipagtitigan pa rito kaya, tahimik lamang siyang kumakain sa mga inihain ng binata sa kanyang harapan. At kamuntik siyang masamid sa muling itinanong ni Leandro.
“Masarap?”
Pinamulahan agad siya ng mukha at iniwas ang mga mata at saka tumango na lamang. Umupo sa kanyang tabi si Leandro habang hindi maalis sa labi nito ang kakaibang ngiti---ngiting mapangasar at nakakaloko.
“A-anong ngiti 'yan? H-huwag mo nga akong tignan ng ganyan!” Iwas niyang aniya sabay pinandilatan ng kanyang mga mata ang kaharap.
“Don't stop me to staring at you, maganda ka naman ei. Lalo na kapag tinatawag mo ang pangngalan ko,” nakangising asong tugon ni Leandro.
Naikagat ni Jelay ang ibabang labi nito. Pakiramdam niya kasi ay nagsi-akyatan ang dugo niya mula talampakan patungong mukha niya. Bigla siyang natigil sa pagsubo ng muling inilapit ni Leandro sa kanya ang mukha nito.
“A-anong ginagawa mo, Leandro?” kinakabahan niyang tanong.
Lumawak ang ngiti sa labi ni Leandro habang titig na titig sa kanyang mga mata paibaba sa kanyang labi, tuloy napalunok siya ng laway. Parang nang-aakit kasi ang labi nitong angkinin niya itong muli. Pero nandoon ang pagpipigil niya, ayaw niyang magmukhang desperada sa lagay na iyon.
“Bakit ka ba nahimatay nung hinalikan kita? Hindi naman mabaho ang hininga ko, ah?” tanong sa kanya ni Leandro na ikinatigil niya lalo.
Nangamatis ng sobra ang kanyang mukha at pakiramdam niya'y malulusaw na siya sa sobrang kahihiyan.“H-Hindi ko alam, b-bakit mo ba gustong malaman!” nauutal niyang anas rito.
Bumanghalit ng tawa si Leandro sa inasta niya, at naaliw tuloy siyang pagmasdan ito at tuluyan ng nahulog ang kanyang loob. Bahagya niyang naiwas ang tingin ng titigan siya nito at ningitian ng matamis.
“Well! I can assure you that, I'm not badbreath. Firstime mo lang kasi nahalikan kaya ka siguro nahimatay,'' hintong anito at tumitig ng derekta sa kanyang mga mata. ''And I thank you, ako lang ang lalaking naka-unang humalik sayo at lalaking naka-una sa buhay mo, Jelay. . .” nakangiting totoong pagpapatuloy nito.
Tila may fireworks sa paligid ni Jelay dahil sa kanyang tuwa.
Gusto niyang murahin ng milyong beses si Leandro sa ginawa nito sa kanya dahil, sinamantalahan nito ang kalasingan niya pero, hindi naman niya magawang magalit sa kanya.
“I'll take a shower, papasok ako sa trabaho ngayon dahil may asikasuhin lang ako. I'll be back, sabay tayong maghaponan, ha?” paalam sa kanya ni Leandro sabay halik nito sa kanyang noo.
Natulala siyang bigla at bago pa man siya makahuma ay nakatalikod na ito sa kanya kung kaya kaagad niyang sinalat ang magkabilang pisngi, umiinit na kasi iyon kahit wala naman siyang lagnat.
“Jeeezz!” tanging aniya.
***
Napa-angat ng mukha niya si Leandro matapos niyang marinig ang pamilyar na boses na siyang tumawag sa ngalan niya, at ng tignan niya iyon ay si Kiether ito.
Kiether wave her left hand wearing those sweetest smile of her.
Humakbang siya papalapit rito kaya malapad ang ngiting sinalubong siya ng yakap ng babae.
“Bakit ang tagal mo, Lean. Nangangawit na talaga ang paa ko kakahintay sayo, ha?” pagngusong naireklamo sa kanya ni Kiether.
Ginulo ni Leandro ang buhok ng babae habang nakangiti siya rito at sabay kuha niya sa maletang dala nito.
“Sorry naman, na busy ako sa trabaho ei. Pinaki-usapan lang ako ni Lolo na sunduin ka kaya, nandito ako.” Sagot niya.
Ngumuso lalo ang dalaga at saka mabilis na pinulupot ang braso nito sa kanyang braso. Hinayaan lamang niya ito at inakay niya itong makasakay sa kanyang sasakyan 'tsaka tinungo ang backseat para ilagay doon ang dala nito.
“Ayaw kong mag hotel, Leandro. Pwede bang makitira muna sa condo mo?” pakiusap sa kanya ni Kiether.
Nilingunan naman niya ito at saka ngumiti rito ng pilit. “Sorry to say this, Kiether. Hindi na pwede ei. . . hahanapan na lang kita ng matitirhan mo,” nakangiting tanggi niya rito.
Nakatutok sa daan ang mga mata ni Leandro ng isinandal ni Kiether ang ulo nito sa kanyang balikat.
“Damot mo talaga! ang sabihin mo. . . takot ka lang talaga layuan ng mga chicks mo. Certified Playboy ka pa naman din!” Anas sa kanya ni Kiether na ikinatawa niya ng bahagya.
Hindi kasi iyon ang dahilan niya, ayaw niya lang pag-isipan siya ni Jelay nang hindi magandang impresyon. At ayaw niyang malayo ang loob ng dalaga sa kanya dahil, sa mga oras na nakakasama niya ang dalaga ay unti-unti siyang binago nito.
“Ipasyal mo naman ako bago mo ako ihatid sa hotel. Nakaka-miss kasi ang lugar na 'to, ei. Please, Lean?” Pagpuppy-eyed pakiusap sa kanya ni Kiether.
He chuckled then noded his head. “Nagmumukha kang tuta, Kieth. Hindi bagay sayo,” pabibiro niya rito.
Inirapan siya ng dalaga 'tsaka siya inismiran nito.
“Duh! sabihin mo, nagagandahan ka sa 'kin. 'Di kapa kasi umamin, ei. HAHA!” tawang asar sa kanya ni Kiether.
They more than friends, dahil itinuring na niyang kapatid na babae si Kiether mula noon pa. Palabiro din ito minsan pagdating sa kanya at umaapaw ang kapilyahan ngunit, pagkaharap naman nito si Scott ay natiktiklop ngunit pinanganak na yata bilang desperada.
“Tsk! alam mo bang, ayaw ni Scott sa mga pilyang babae?” pag-ibang ani Leandro na ikinatigil naman ng dalaga.
“You love him, right? So, if I were you. Huwag ka masyadong magdidikit sa 'kin. Mahirap kunin ang loob nung isang 'yun,” ngising pagpapatuloy niyang wika.
Pinamulahan naman kaagad ng mukha niya si Kiether at saka inilayo kaagad ang sarili sa kanya.
Kiether do pouting,
kaya lang naman siya pumunta ng probinsya ay para masaksihan niya ang karera ni Scott sa susunod na araw. Scott is a car racer, at tipo niya ang binata kung kaya't kapag binabanggit ni Leandro ang ngalan nito ay natatahimik na siya at lihim na kinikilig.And she's dying in love with Scott.
BINABASA MO ANG
Buenaventura's Heir: Playboys Baby Maker (COMPLETED)
RomansaLeandro Buenaventura, a well-known certified Playboy. He loves to play girl's heart and left them after he got what he want. Hindi uso sa kanya ang 'Love' at wala ni isa pang babae ang may kakayahang paibigin siya. But, for the sake of his heir, he...