139. Two Lands

8 2 0
                                    

Title: Two Lands

Author's USERNAME: @PeachGravity

Genre: Fantasy

Status: Completed

Language: Tagalog

Synopsis/Description/Prologue:

Dumaan ako sa isang pasilyo ng makarinig ako ng sigaw. Sigaw ng isa sa aking noblezas.

"Mircana! Nasaan ka?" Agad naman akong nagtungo sa Darakilang Bulwagan. (The Great Hall)

Pagkapasok ko rito maraming tao ang nakapalibot sa isang dalaga. Impossible! Hindi basta-basta nakakapasok ang mga tao mula sa Land of the Beautiful.  Kapansin-pansin naman ang pamumutla ng babae. Nakita ko naman ang kaniyang singsing. Napatingin naman ako sa aking singsing, napatawa ako ng maisip na kabilang siya sa noblezas.

Tulad ko, maaari siya maging Reina o Princesa.

Nang mapansin ako ng mga tao agad naman silang yumuko bilang respeto sa isang emperatriz. Naglakad ako tungo sa babae at inilagay ang kamay ko sa kaniyang noo.

Pumikit ako at bumulong, "sanar inmediatamente."  Naramdaman ko ang paglabas ng kapangyarihan mula sa aking mga palad. Unti-unti naman siyang nagkamalay at nagmulat ng mata.

"Bumalik na kayo sa inyong mga bahay." Pagkasabi ko nun agad namang nagsi-alisan ang mga tao. "Chesyle, please take care of her. And get ready for dinner." Si Chesyle ay isa sa noblezas tulad ko. She's the countess of the Land of the Gifted at pinagkakatiwala ko din sa kaniya ang mga royal affairs dito.

Pumunta ako sa aking kuwarto at umupo sa teresa.

Hindi ko mawari kung bakit mayroong taga-kabila na nakapunta dito.

Ang rason kung bakit walang malay ang babaeng yun ay dahil sa 'Constellar Barrier'. Ang Constellar Barrier ang naghihiwalay sa Two Lands, at ang maaari lang na makadaan dito ay ang mga noblezas.

Ngunit kailangan pa rin ng permiso mula sa nakakataas. Sa madaling salita, kailangang pinayagan ka ng emperor o ng empress na makadaan. Pero, isa siyang nobleza. Bakit naapektuhan siya ng barrier?

Nagtungo na ako sa hapag at nakita ko naman na ang babae. Mukhang maayos na ang lagay nito. Ng umupo ako sa aking upuan nagtaas naman siya ng tingin sa akin. Bahagya akong ngumiti.

"You can eat now. I'll ask questions later." kaswal kong sambit at 'saka sumimsim ng tubig.

"Thank you. Thank you for saving me." Sinsero nitong tugon at nagsimula ng kumain. Matapos ang hapunan, pumunta kami sa garden at doon na nag-usap.

"Isa kang princesa, hindi ba? Pero bakit iba ang epekto sa'yo ng Constellar?" Diretso kong tanong.

"Ako si Princesa Yillan Celestine Hauxell. Ang pinsan ko ang emperador sa Land of the Beautiful. At hindi ko nakuha ang kaniyang permiso. Basta-basta nalang akong dumaan sa barrier without knowing na totoo pala na may mahika iyon." Bahagya itong natawa sa sariling karanasan.

"Eh, baliw ka pala. Hindi mo ba alam na maaari mong ikamatay 'yon? Ang mahika na iyon ay nagmumula sa akin at sa emperador niyo. Ngunit dahil may parte kang majia de belleza, hindi ka lubos na naapektuhan, nahimatay ka lang." Pansin ko na nakikinig siya ng mabuti sa akin.

"Pasensya na. Hindi ko talaga iniisip ang mga ginagawa ko." Napayuko siya at bumuntong hininga.

"Emperatriz Mircana Carallei Voryne." Pagpapakilala ko sa kaniya. Napatingin naman ito sa akin.

"You're beautiful. Pero bakit hindi mo pinili na manirahan sa amin?"

"I rather stay with normal people who can think wisely than being around with someone who can't understand me. Hindi ko sinasabing lahat ng lahi mo ay ganoon. But, to tell you frankly, most of your people are close-minded. Dito sa Land of the Gifted, lahat ng tao ay may katalinuhan at talento na hindi nakukuha ng iba. Kahit na sabihin nila na hindi kami magaganda at hindi sila guwapo, para sa akin sobra-sobra pa sila dahil sa kanilang mabuting puso. Kuntento na ako dito." Nakangiti kong tugon.

"Minsan ang hirap paniwalaan ng libro sa amin. Alam mo ba? Nakasulat sa 'Historia de Dos Tierras' na ang emperatriz dito ay masungit," natawa naman ako sa sinabi niya.

"Totoo naman." Natatawa kong sagot.

"Hindi! Hindi kaya. Masiyado lang silang judgmental. Nakakainis din dahil palaging balita sa amin ay mas maunlad kami kaysa sa inyo. Ngunit nung nakarating ako dito, nabighani ako sa lahat ng makabagong teknolohiya. Isipin mo ah, paano niyo nagawa ang inyong kama? Nag-aayos ito ng mag-isa!" Masasabi mo sa kaniyang tono na isa siyang 'millenial'.

"Gabi na, kailangan mo ng magpahinga. Bukas makakabalik ka na sa kabila." Sambit ko sa kaniya at nagsimula na akong magtungo sa aking silid.
Pumikit ako at nagsimulang hanapin ang namatay ng koneksyon. Matagal ko na itong hindi ginagamit mula noong... wala.

Napabuntong hininga ako ng maabot ko ang mentalidad ng isa. Ngayon, nag-uusap kami gamit ang aming isipan.

"Mallen. Do you hear me?" Sabi ko.

"Who is this?" Tanong nito.

"Your Princess is here at my palacio. I'll be bringing her back to your land tomorrow. Please do wait at the Constellar Barrier."

"Yillan? How did she get there? But, wait. Who are you?" He sounds impatient.

I slightly chuckled. "Wow, you've already forgotten who I am?"

"I'm not playing games with you." He seriously stated.

"This is your wife, Mircana." Pinutol ko na ang koneksyon at ramdam ko na pumapasok muli siya sa aking isipan. Ngunit hindi ko iyon hinayaan.

Blocked. Isinarado ko ang aking mentalidad at wala ng koneksyon ang maaari pang makapasok.

It's been months since we've talked.

Book Cover:

Book Cover:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Wattpad Stories CompilationWhere stories live. Discover now