Chapter 19

163 9 1
                                    

~I'm Faded~
Chapter 19

Naglilibot libot muna ako sa buong school Ang dami kasing booth dito ngayon, puro pagkain, mga damit tapos nay mga pa games pang inooffer ang nakakatuwa lang ay yung marriage booth grabe pinipilahan talaga.

"Gusto mo? Libre kita?" Tanong saakin ni Jonathan

"Ako nalang ang ilibre mo teh mayaman naman yan si Demeter" saad ni Karen, ka grupo ko aa research magkakaaway daw kasi sila nang mga kaibigan nya kaya saamin daw muna sya sasama

"Uy anong mayaman ka jan" sambit ko sa kanya habang natatawa

Naghihirap na nga ako eh

"Mga ate ako ang mayaman dito, halika ililibre ko kayong dalawa" agad kaming lumapit sa bilihan nang ice cream

"Kaya naman pala" saad ni Karen nang mapansin na gwapo ang nagtitinda

"Ginamit pa kami" dagdag ko naman at sabay pa kaming tumawa pero hindi nya kami pinansin

"Kuya masarap po ba yang ice cream mo?" Malanding tanong ni Jonathan na ikinatawa ko

"Kayo nalang po ang tumikim" walang kamuang muang na bigkas nang lalaki, halatang napilitan lang tong magbenta

"Ah sige po patikim" bigkas ni Jonathan na mas lalo kong ikinatawa

"Tatlo pong bente" bigkas ko na dahil baka hindi pa kami makabili

Inunang inabot saakin ni jonathan ang ice cream, in all fairness masarap

"Kuya ambilis pong tumulo nang katas" natawa nalang ako sa reaksyon ng nagtitinda, parang naiilang na natatawa

"Uy tama na nga yan" saway sa kanya ni karen

Mabilis syang hinila ni karen papalayo sa lalaki na agad ko namang sinundan

"Punta na kaya tayo sa basketballan, para hindi tayo maunahan" bigkas ni Karen saamin habang dinidilaan yung ice cream

"Don't worry, I got you, naka reserve ako sa front seat" bigkas ko sabay tawa

"Huh? Pano? Mahal yung bayad sa front seat ah" kada seat kasi may bayad,,parang concert yung front seat is VIP 1000 pesos ang isang tao, eh dahil kasama sa laro si cyron at binigyan nya ako nang dalawang ticket para dun at binigyan naman ako ni Rithlan nang isang ticket

"Basta wag ka nang magtanong, importante maganda view natin" bigkas ni jonathan

Pumunta na kami sa venue at tama nga ang hinala nila andami nang tao, may mga nagtitinda nadin sa loob nang mga pagkain tapos nay mga banner na, natawa lang ako kasi parang 1v1 to nang funclub ni Rithlan at cyron

"Dun tayo" bigkas ko, nang papasok na kami ay agad kaming hinarang nang guard

"Ticket po" bigkas nya saamin at agad ko namang inabot, tinatakan nya kami aa kamay, ang cute lang nang tatak rose

Nang makaupo na kami ay nakita ko na ang mga player, naka maroon na jersey ang team ni rithlan na may gold sa gilid parang sa mapua then sa kabilang grupo which is grupo nang mga PE teachers ay royal blue na may gold din sa gilid

Nang makita ako ni rithlan ay agad nya akong kinindatan sabay ngumiti

"I love you" bigkas ko sa hangin

Pumito na ang referee nahiya lang ako dahil bago nag laro ay nilapitan muna ako ni rithlan at binigyan nya ako nang isang bulaklak dahilan nang sigawan nag mga tao

"Watch me, I love you" bulong nya saakin

"Play well, I love you too" saad ko naman, ginulo nya muna ang buhok ko bago muling pumasok sa court na napaka hyper

Im FadedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon