Chapter 37

160 6 1
                                    

~I'm Faded~
Chapter 37

*Demeter's P.O.V

Kakatapos lang ng seminar namin and i am waiting them kasi pupunta kami sa bahay ni Rithlan para duon na muna tumira dahil dinonate namin sa isang charity lahat ng budget namin for hotels.

Agad akong napatingin sa kumpulan ng mga babaeng nagpapapicture kay rithlan at kung papaano ang mga ito haplusin ang kamay nya na inienjoy naman ng malanding lalaking to

Tsk.

"Tara na?" Nakangiti nyang bigkas habang hawak hawak ang isang laptop na inilalagay nya sa bag nya

Nakakainis

Umalis agad ako at ramdam kong nakasunod lang sya saakin habang inaayos padin ang laptop sa bag

"Uy wait ambilis mo maglakad" saad nya saakin . Nang maabutan na nya ako ay hinila nya ang kamay ko at agad itong pinagsaklob

"Anong problema mo? Init ng ulo mo" saad nya saakin at inakbayan ako at saka naglakad papalabas sa loob ng conference

"Sinong hindi maiinis? Kung makipag landian ka dun sa mga babaeng yun. Tuwang tuwa?" Inis kong bigkas na ikinatawa nya

"Kahit naman landiin nila ako sayo padin ang bagsak ko" napalunok ako sa sinabi nya hanggang sa maramdaman kong nag iinit na ang mukha ko

"Lets go, I'll eat you" agad ko syang siniko na ikinatawa nya

"I mean I'll eat with you" saad nya saakin hanggang sa makarating na kami sa parking lot

"Asan yung susi?" Tanong ko sa kanya

Halos mapaatras ako sa gulat

Napasapo nalang ako sa bibig ko matapos biglang may isang babae ang lumagapak at duguan ang ulo nito. Mabilis akong hinila papalayo ni Rithlan sa babae at agad akong hinila papasok sa kotche

"Shit! What was that?" Gulat kong tanong

Halos hindi ako makapagsalita sa nakita ko hanggang sa unti unting manginig ang mga kamay ko

"Don't worry i am all here" hinila nya ako at mabilis na niyakap, hindi ko magawang kumalma dahil sa mga dugong nakita ko

"Babe it's okay, i am here" saad nya saakin, agad syang nagmaneho papalayo sa parking lot

"Inom ka muna" saad nya saakin at inaabot ang tumbler nya. Mabilis kong ininom ang laman nito hanggang sa unti unti nang mawala ang panginginig ng kamay ko

"You okay now?" Tanong nya saakin na hanggang ngayon ay nag aalala

"Not until you give me a kiss" napangiti sya sa sinabi ko at agad na binigyan ako ng halik sa labi. Ughhh it felt so good

"You okay now babe?" Tanong nyang muli

"Im okay when im with you" saad ko sa kanya at mabilis nang nagmaneho

Agad kaming pumunta sa jollibee para umorder ng pagkain namin dahil namiss ko din to, yung mga kasama naman namin ay kukunin daw muna ang lahat ng gamit nila sa hotel na tinutuluyan namin

"Is this everything you want?" Tanong nya habang binubulsa yung wallet nya

"Yap, after this mas masarap naman ang kakainin ko" pilyo kong bigkas sa kanya na ikinakunot ng noo nya

Nauna na akong maglakad papasok sa kotche hanggang sa sumunod na sya saakin

"Hey i dont get you" saad nya saakin

God. why so slow?

"Just drive" saad ko sa kanya at agad din naman syang nagmaneho

"Just thinking kung sino ang gagawa nun sa babae" tanong ko sa kanya habang nakatutok lang sya sa kalsada

Im FadedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon