Chapter 8

73 5 0
                                    

Chapter 8

MALAKAS ang tibok ng puso ni Fury pagkalabas niya sa classroom at hindi roon naabutan ang kanyang boyfriend. Alam niyang nakita nito kanina ang pagyayakapan nila ng propesor at sigurado siyang galit na galit ito ngayon sa kanya.

Mag-isa lamang siya paglabas niya sa room, naunang lumabas si Thunder bago siya. Samantalang si Rina naman ay naiwan doon dahil gusto raw nitong mapag-isa.

Naisipan niyang pumunta sa room ng boyfriend niya upang mag-sorry kahit wala naman siyang masamang ginagawa. Ayaw niya kasing lumaki ang gulo, kaya siya na ang unang magpapakumbaba. Ngunit hindi pa siya nakakarating sa room nito ay kanya na itong nakasalubong sa may daan.

"J-james. . . ." kandautal siya habang nakatingin sa nangangalit nitong mga mata.

"Ano 'yung kalandian mong nakita ko kanina? Pokpok ka ba? Kulang ba ang pera mo at pati professor papatulan mo? Gusto mong makatikim ng ibang putahe?"

Tila mga maliliit na kutsilyo na tumatarak sa puso niya ang bawat katagang binitiwan nito. Hindi niya akalaing dadating sila sa punto na magagawa siya nitong pagsalitaan ng sobrang sakit.

"S-sorry. . . ano kasi. . . masama ang pakiramdam ko kanina at muntik na akong matumba kaya napayakap ako sa kanya. I'm sorry."

Pagak itong tumawa bago pinisil ng mahigpit ang isa niyang braso. "Sorry? Sa tingin mo maniniwala ako sa 'yo? Pokpok ka, bakit hindi ka pa namatay? Isama mo na rin pamilya mong mukhang pera."

Napaluha na lamang siya sa tinuran nito. Sobra na siyang nasasaktan, gusto niya itong patulan ngunit bakit walang lumalabas na tinig sa kanyang bibig? Ganito niya ba ito kamahal na kahit tapak-tapakan nito ang pagkatao niya at pamilya niya ay hindi niya magawang magprotesta?

"Hindi ka makaimik? Guilty ka kasi, pokpok." Dumura ito sa sahig. "Okay lang, napagsawaan na naman kita, eh. Pokpok," pag-uulit pa nito bago siya nito iniwang mag-isa roon.

Hinang-hina ang pakiramdam niya dahil sa kanyang mga narinig. Mabuti na lamang at mayro'n doong upuan kaya naupo muna siya habang pilit na inaampat ang kanyang mga luha. Ang bigat-bigat nang pakiramdam niya, parang sasabog ang kanyang dibdib dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. At heto na naman siya, sinisisi ang kanyang sarili dahil hindi na niya magawang kumawala sa lason nilang relasyon.

Sa relasyong unti-unting sumisira sa pagkatao niya.

Nang medyo maka-recover na siya mula sa nangyari ay napagpasyahan niyang bumalik na sa kanilang classroom. Pero sa paglalakad niya'y nakasalubong niya si Thunder kaya saglit muna siyang tumigil.

"Let's talk at the faculty room later," seryoso nitong sabi sa kanya bago siya nito nilampasan. Hindi naman siya nakasagot dahil wala sa huwisyo ang kanyang utak kaya ipinagpatuloy na lamang niya ang paglalakad pabalik sa room.

Nang makarating na siya sa classroom ay nagkaklase na ang professor nila sa Filipino. Mabuti na lamang at may sinusulat ito sa board kaya hindi nito napansin ang pagdating niya.

"Saan ka galing?" untag ni Rina pagkaupo niya sa tabihan nito.

"Nakipag-usap lamang kay James," tugon niya.

Habang nagkaklase ang propesor nila ay ay hindi siya rito nakikinig. Lumilipad ang isipan niya sa alapaap at nag-iisip nang dapat niyang gawin. Kung dapat pa ba niyang ipagpatuloy ang relasyon niya kay James o hihinto na lamang.

Gusto niyang hiwalayan ito, pero ang dami niyang kinatatakutan na hindi niya kayang harapin.

Akala niya'y magiging maganda ang bungad sa kanya ng lunes, pero nagkamali pala siya. Dahil buong araw siyang problemado at nasasaktan kaya ang ending, wala siyang natutunan sa lectures ng kanilang professors.

Hear Me CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon