LXXXIII

11.8K 354 131
                                        

Part 83

"Wait lang!" sabi ko sa kung sino man ang nasa labas ng gate. Binuhat ko si Cala na umiiyak dahil sa dalawang magkasunod na doorbell kani-kanina lang. Madalas siyang magulat tuwing tumutunog iyon dahilan ng pag-iyak niya.

I think she hates the sound of it. Kaya tuwing umuuwi si Mama o dumadalaw ang mga kaibigan ko, nagsasabi na lang sila agad sa text o tawag na malapit na sila para mapagbuksan ko agad ng gate.

Maingat akong bumababa ng hagdan habang buhat si Cala, pinatatahan ko rin siya sa pag-iyak. Nang makarating ako sa bukana ng hagdan ay saka ko lang nagawang haplusin ang likod niya para mas mapakalma at mapatahan ko.

"Shh... it's okay," I whispered in her ear, pressing my lips against her cheek. "Stop crying na, baby."

Pumalatak ako nang muling tumunog ng isang beses ang doorbell. Nakakainis naman. Imbis na mapatahan ko na si Cala, mas lalo pang naiyak.

"Saglit nga, e." I hissed.

Kaya ko nga pinatatahan para mailapag ko na sa crib at hindi ako mahirapan sa pagbukas ng gate, kaso pinindot naman ulit ang doorbell! Hindi makapaghintay wala pa ngang five minutes?

Napairap ako sa inis habang pinipirmi si Cala sa isang kamay.

My brows were furrowed unlocking the gate, only to be surprised by the man standing a few feet away from me.

"Chiko?"

Here Again (Love in Paris # 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon