Part 57
Saglit kong pinanood ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. His picture on the background is flashed along with his name. I remember taking this two years ago.
Nasa hallway kaming dalawa kung saan nagkalat ang ilang drawing tables malapit sa department namin. Abala kami sa pagtapos ng plates. Masakit na ang kamay ko noon kaya tinanong ko siya kung puwedeng siya na lang ang magsulat ng pangalan ko pati na rin ang title ng plate namin. I checked my phone for a bit that day to recall the date when I accidentally opened the camera. Hindi ko na rin alam kung ano ba ang naisipan ko noong araw na 'yon.
Tinawag ko na lang siya at kinuhaan ng litrato pag-angat niya ng tingin sa akin. Halatang hindi siya ready sa picture pero kitang-kita ko ang pamimilog ng mga mata niya rito.
I smiled with the memory of that day still streaming at the back of my mind. I remember him wearing his favorite cream hoodie that smells just like me. Parati kasi siyang nanghihingi sa pabango ko noon. Ang bango raw kasi at natutuwa siyang magkaamoy kaming dalawa.
I sighed. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa pangalan at litrato niya. Ang mahalaga ay nakaabot ako sa pagsagot ng tawag ni Chiko.
"Hello?" sagot ko.
"Price," he said.
Mariin akong napapikit pagkarinig ko sa boses niya. I clutched my phone tightly as I heave a breath again, just so I could remain calm.
"Ano 'yon, Chiko? May sasabihin ka ba?" tanong ko sa magaang boses.
"Wala... hindi ko alam. Gusto ko lang marinig boses mo." Huminto siya't suminghal. "Sorry, sige. Ibaba mo na lang. Hindi ko rin alam sasabihin ko. Salamat sa pagsagot."
"How are you doing?" I asked instead. "Okay ka lang ba d'yan?"
"Oo. Okay naman, maganda rito sa Paris," sagot niya.
A faint smile crossed my lips. "I know..." Kita ko naman sa mga pictures niya na maganda talaga doon. Pero hindi naman 'yon ang gusto kong malaman.
Ang dami kong gustong itanong sa kanya kaso hindi ko alam kung bakit walang lumalabas sa bibig ko.
Isa. Dalawa. Ilang segundo ng pananahimik at wala akong ibang marinig kung 'di ang paghinga naming dalawa.
Both of our breathing screams something else... of longing, exhaustion, and maybe something more caught in between—a love unsaid.
"Chiko."
"Price."
Sabay naming binanggit ang pangalan ng isa't isa.
"Ingat ka parati d'yan, ha? 'Wag mo kalilimutang magpahinga," sabi ko.
I pressed my lips together when my eyes fell on my womb. Kusang lumapat ang isa kong kamay sa umbok ng tiyan ko.
I smiled painfully as my eyes begin to water.
We're having a baby, Chiko. I tell her stories about you every night. I let her listen to the music you sing to me most of the time. It's her lullaby. You may not know about her now, but I promise you this... she will know how great you are, and how much you love us both even if we're a thousand miles apart.
"Oo..." sagot niya.
"Price?"
"Hmm?"
"'Wag mo ring kalilimutan, ha?" Rinig ko ang kaunting gasgas sa boses niya.
I swallowed again. "Ano 'yon?"
"Ikaw lang. Parati."
