Mama
March 9, 2:39 p.m.
Mama
2:42 p.m.
Ma
2:47 p.m.
Ano yun anak?
Bakit?
May contractions na ata ako
Inoorasan mo ba?
Ilang minutes pagitan?
Kanina 30
Ngayon mga 21
Okay sige
Aalis na ako dito sa office
Pauwi na
Ready na yung bag namin ni baby ma
Kinuha ko na
Sige anak
3:31 p.m.
Mama
15 minutes
Saglit lang price
Kalma ka lang anak
Matagal pa naman yan
Kalma naman ako ma
Ang sakit lang talaga
Malapit na ako
kampon ng liwanag
March 9, 4:59 p.m.
Mayor (Maggie):
HOY MANGANGANAK NA RAW SI PRICE
KAKATEXT LANG SAKIN NG MAMA NIYA
Vice Mayor (Chantal):
OMG
Mayor (Maggie):
KAPUPUNTA PA LANG NILA SA OSPITAL
SUNOD TAYO
Secretary (Trina):
Kaka out ko lang, sakto
Tara na!
Treasurer (Ivonne):
Hala!
Susunod ako wait
Vice Mayor (Chantal):
Papunta na ako
