XXV

9.4K 264 32
                                    


[Twitter]

P 🔒 @pricedelacuesta
Okay... nakapagmuni-muni na ako

P 🔒 @pricedelacuesta
Gusto ko ng suman 😔

kampon ng liwanag

July 21, 6:19 p.m.

Mayor (Maggie):
Ano yung sasabihin mo sa amin? @Priscilla
Kanina ko pa hinihintay

Vice Mayor (Chantal):
(2)

Secretary (Trina):
(3)

Treasurer (Ivonne):
(4)

Mayor (Maggie):
Ano na

Dalhan mo muna ako suman maggie 🥺

Mayor (Maggie):
Ha?

Dalhan mo ako suman please
Gusto ko ng suman 🥺

Mayor (Maggie):
Hala ngayon na?

Kung okay lang

Mayor (Maggie):
Mamaya
Magkwento ka muna
Tapos lalakarin ko na bahay niyo

Thank you!

Vice Mayor (Chantal):
Ano na yung kwento mo? @Priscilla
Para kang naglilihi hahaha

Actually...

Secretary (Trina):
Ano?

Treasurer (Ivonne):
OMG?
Don't tell me...

Vice Mayor (Chantal):
HOY! TAMA AKO?

6:24 p.m.

Mayor (Maggie):
Ano na?
Kinakabahan ako sayo eh

Oo
I'm pregnant

Vice Mayor (Chantal):
OMG!!!!

Secretary (Trina):
HOY MAGIGING NINANG NA TAYO!

Mayor (Maggie):
HALA!!!!

Treasurer (Ivonne):
SAGLIT
PAANO MO NALAMAN

Kasi diba sabi ko sa inyo para akong may sakit?
Masakit ulo ko tapos katawan ko?

Mayor (Maggie):
Oo
Tapos?

Ang aga ko nagising kaninang umaga
Tapos di ako makabangon kasi ang sakit ng ulo ko
Feeling ko kapag gagalaw ako masusuka ako
Kaso nag text si mama, sabi niya isampay ko raw yung nilabhan niyang naiwan sa washing machine, tapos sabi ko hindi ako makatayo kasi nahihilo ako tapos para akong masusuka. Tapos ayun, nagkaroon ata siya ng hunch kaya sabi niya bibilhan niya ako PT kaso sabi ko ayoko, baka may sakit lang ako ganon, kasi marami din naman ako ginawa sa Bohol. Sabi niya magpa check up na lang daw ako kasi ilang araw na ring masama pakiramdam ko kaya nag under time siya kanina. Simpleng check up lang kanina, tapos nag advice din yung doctor sa akin na mag take ng PT. Nung positive, nirefer niya kami sa OB. Nagpa consult ako  kanina and ultrasound tapos ayun. 4 weeks na pala akong buntis, hindi ko alam

Secretary (Trina):
Hala

Mayor (Maggie):
Teka saglit
Nagugulat din ako

Hindi ko naman din alam kasi irreg yung cycle ko
Madalas second week ako every month
Naisip ko baka late lang ako ngayon or may skip
Tapos hindi pala
Buntis pala ako 😭

Treasurer (Ivonne):
Congrats, Price! 🥺
Pero may tanong ako

Ano yun?

Treasurer (Ivonne):
Paano mo sasabihin kay Chiko?

Here Again (Love in Paris # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon