Mama
April 7, 9:53 p.m.
Anak kung iinom ka okay lang naman
Pero kaunti lang ha?
Hindi ako iinom ma
Okay lang naman
Saka mas maganda ata kung hindi muna para kay Cala
Sige anak
Pwede ka naman uminom konti pero ikaw ang bahala
Ano palang ginagawa ni Cala ma?
Nanonood kami dito sa iPad
Natutuwa siya dito sa Moana
Nakakadalawang ulit na kami
Ang hyper din
Ayaw pa matulog
Hahaha sige ma
Agahan ko na lang din umuwi para makatulog ka agad
Ay hindi
Mag enjoy lang kayo dyan
Wala naman akong pasok bukas
Okay lang
Talaga ma?
Oo price
Ayos lang
Thank you 🥺
Chwins and Others
April 7, 11:28 p.m.
Chigo:
Sila Ate Price ata tong nandito sa bar
Chia:
Sure?
Chigo:
Oo
Nakita ko rin sila Ate Chantal kanina eh
Chia:
Lapitan mo si Ate
Chigo:
Sige saglit
11:36 p.m.
Chigo:
Nalapitan ko na
Ang ganda talaga ng ex mo kuya
Mabait, masipag, kaso medyo masungit hahaha
Na future sister-in-law ko rin
Sinasabi ko talaga sayo siya lang pwede
Kapag hindi, wag ka na magpakasal
Chia:
Pretty naman si ate as always
Sayo lang din ata nagsusungit kuya chigo
Chigo:
May picture pala kami
Mainggit ka lang dyan @Chiko
Hahaha
