Part 84
His hair got longer. That's the first thing I noticed about him—his hair that's obstructing a pair of deep-set, brown eyes. Aaminin kong nagulat ako pagkakita ko sa kanya. But if it isn't for Cala struggling her way out of my arms, I would be out of my senses. I'd be standing here on our gateway, completely dazed.
Inayos ko ang pagbuhat ko kay Cala at muling hinaplos ang likuran niya para mapatahan siya sa pag-iyak nang makita kong inabot ni Chiko ang likuran ng ulo ni Cala at marahan siyang hinaplos doon.
"Shh... tahan na," he said to our baby. Sinundan ko siya ng tingin at napansin ko rin kung paano nalipat ang mga mata niya sa akin matapos aluin si Cala.
He retrieved his hand when our daughter calmed down a bit. Kaso nang maramdaman ko ang kaunting pagbaba ng ulo ni Cala papunta sa dibdib ko ay alam ko na kung ano ang gusto niya. She does that whenever I lay her on my chest and she's hungry. Ibababa niya lang ang ulo niya kaunti papunta sa dibdib ko at alam ko na.
"Pasensiya ka na, bad timing ba? Balik na lang ko—"
"Bakit ka nandito?" tanong ko.
I was not prepared for this. Aware naman akong nakauwi na siya pero hindi ko alam na bigla niya akong pupuntahan dito sa bahay.
"Sorry. Gusto lang kita makita, kinakabahan akong magpaalam sa'yo kasi baka ayaw mo kaya nagkusa ako. Sorry..." Humina ang boses niya sa dulo.
I inhaled sharply. Pinirmi ko rin si Cala para hindi mahalata ni Chiko kung ano ang gusto ng anak namin.
"Tara sa sala," sabi ko na lang.
I placed Cala in her crib when we reached the living room. Nang umiyak siya lalo nang ibaba ko doon ay hindi ko maiwasang makonsensiya. I have been breastfeeding her most of the time. Hindi siya sanay sa tsupon at madalas niyang ayawan agad kapag nilalagay ko doon ang gatas ko kahit nagugutom pa siya. I have been training her for a week to get used to it.
Hindi ko alam kung bakit okay lang sa kanya ang pacifier pero ayaw niya kapag nilalagay sa bote ang gatas niya.
Her cries are getting louder as I make my way to the fridge. Doon ko nilagay ang dalawang bote ng gatas ko kanina. I was leaking through my shirt earlier so I had no choice but to pump. I have no problem lactating, and I guess the cookies I have been eating lately were a big help, too.
Dumiretso ako agad papunta kay Cala nang makuha ko ang gatas niya. "Here na, baby," pag-aalo ko habang pinaiinom siya ng gatas. Hindi ko rin siya maiwanan agad para mapagtuunan ng pansin si Chiko dahil hindi pa naman kayang hawakan ni Cala ang bote niya.
I carefully dragged her crib to the couch so I could sit down as well, when I caught a glimpse of Chiko looking at Cala's portrait on the wall.
Shit! Bakit ko ba nalimutan 'yon?
Next to Cala's portrait were two more pictures. Ang isa ay noong buntis ako kasama si Mama, at kadikit ng litratong iyon sa baba ay ang katulad ulit ng litrato namin ni Mama, parehong posisiyon, ayos, at damit. Only that I was then carrying my newborn daughter.
"Price?" tawag sa akin ni Chiko. Saglit namang nag-angat ang tingin ko sa kanya at doon ko agad napansin kung paano siya nakatingin sa anak namin.
He seems lost. Written in his eyes were questions I have yet to answer, and I noticed how glassy they were.
Mariin siyang lumunok at ilang hakbang ang ginawa niya palapit kay Cala.
"Ilang buwan na siya?" His voice wavered a bit.
Huminga ako nang malalim. I looked away. "Magdadalawang buwan sa May 9."
"Ano'ng pangalan ng anak natin?" tanong niya ulit.