XXIII

10.7K 317 104
                                        

Mama

July 21, 4:19 p.m.

Anak mauna ka na kumain dyan ha?
Bili lang ako ng vitamins mo tapos uwi rin ako
Iwasan mo munang mag-isip

Mama :(
Si chiko
Paano ko hindi iisipin
Ang layo ni chiko
Hindi ko alam paano ko sasabihin

Magpahinga ka muna price

Ma

Ano yun anak?

Wala pala :(

Ano yun?
Sige na sabihin mo na

Miss ko na si Chiko 😔
Sana hindi na lang siya umalis
Kaso hindi ko naman siya pwede pigilan dun ma
Opportunity yun para sa kanya pangarap niya yon
Matagal na niyang sinasabi sakin yun kaya alam ko
May part sakin na naiintindihan ko
Pero may part sa akin na gusto ko siyang bawiin
Hindi ko na alam

Anak
Hindi naman natin pwedeng diktahan ang ibang tao sa mga gusto nilsng gawin lalo na kung kailangan din.

Oo ma
Alam ko naman yun
Kaya nga kami nag break diba?
Kasi may part na nagiging selfish na ako
Tanggap ko naman yung magiging set-up namin nung una niyang sinabi sa akin na aalis siya. Sure, we'll make it work daw. Kaso madali lang pala sabihin yun
Kaya sige ayos lang, mag bbreak na lang kami
Kesa mas lalo kaming masirang dalawa kasi parati na kaming nag-aaway. May tatlong araw na okay lang kahit hindi kami nag-uusap kasi alam naming dalawa na mag-aaway lang kami. Naiisip ko minsan mas okay na yun kesa mas magalit kami sa isa't isa. Kaya nung sinabi niyang magpahinga kami, sabi ko ayaw ko na. Tapusin na lang namin nang maayos kasi alam kong magpapahinga ako tapos maghihintay ako, mapapagod ako hanggang sa sasama na naman loob ko tapos magpapaulit ulit lang kami.
Inisip ko rin na siguro mas madadalian siya doon kung hindi niya ako naiisip dito at wala siyang obligasyon sa akin

Sige price saglit lang ha?
Pauwi na ako

Sorry ma
Hindi ko rin kasi masabi sa mga kaibigan ko

Ayos lang anak

[Twitter]

P 🔒 @pricedelacuesta
I love you mama, thank you 😔

P 🔒 @pricedelacuesta
Ngayon lang ako nakaiyak nang ganito

P 🔒 @pricedelacuesta
Sorry din chiko
| replying to @pricedelacuesta:
I just want to save what's left.

Here Again (Love in Paris # 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon