"Hinding hindi ako papayag na iwawalay niyo sakin ang anak ko. Magkamatayan muna tayo."
Sigaw ni Clarisse sa kanyang mga magulang na gustong kunin ang kanyang nag-iisang anak. Si Clarisse Santiago ay anak ng kilalang mag-asawang artista. Ang kayang pagbubuntis ay inilihim sa publiko sapagkat masisira ang imahe ng kaniyang mga magulang.
Nang malaman niyang buntis siya ay di na nagpakita ang ama ng bata at sinabing ipalaglag ito kaya mas lalong nahirapan si Clarisse.
"Sa ayaw at sa gusto mo Clarisse, ibibigay mo ang bata sa bahay ampunan kundi hindi ka na namin kilalaning anak at sa kalsada ka na pupulutin." Galit na sigaw ng ama niya at mas lalo pang kumulo ang dugo ni Clarisse sa mga narinig.
"Wala akong pakialam, ang kailangan ko lang ay ang anak ko at hindi pera niyo. Akala ko ba susuportahan niyo ako sapagkat kayo ang mga magulang ko pero sana di na lang kayo ang mga magulang ko."
*Paaakkk*
Isang malakas na sampal ang bumungad kay Clarisse galing sa kanyang ama. Lahat ng pagtitiis ng mga magulang ay binigay na sa isang sampal lamang.
Dali-daling kinuha ni Clarisse ang kanyang isang buwang anak at lumabas ng bahay upang lumayas at magpakalayo-layo.
Sa kasamaang palad ay nakasunod ang ilang bodyguards ng kanyang mga magulang upang habulin ito kaya sa iba-bang eskinita ang kanyang nilulusutan. Hindi siya naaawa sa kanyang sarili kundi sa kanyang anak na kailangang ganitong pangyayari ang bubungad sa pagsilang nito sa mundo.
Nang mapagtantong wala nang sumusunod ay nagtago muna siya. Hindi niya aakalain na sasagi sa isip niya ang magpakamatay. May parte sa kanya na gustong tapusin ang lahat kasama ng anak niya. Namamaga na ang mga mata ni Clarisse sa kakaiyak pati na rin ang kanyang anak na parang gutom na rin.
"Clarisse!!!!!" Biglang tumigil ang mundo niya nang marinig ang boses na iyon. Walang iba kundi sa kanyang ama. Ang hindi niya inaasahan ay may dala itong baril na nakatutok sa kanya.
"A-anong balak mo?" Gulat na sambit ni Clarisse habang maigting na hinawakan ang anak.
"Ibigay mo sakin ang bata at walang masasaktan." Sambit ng kanyang ama ng wala man lang konsensiya ang nakasalaysay sa mukha.
Bago pa maipaputok ang baril ay may isang babae ang lumapit kay Clarisse at hinablot ang bata. Nang matamaan ni Clarisse na ipuputok na ang baril ay tumalikod siya at hinarangan niya ang anak at ng may hawak ng kanyang anak upang di ito matamaan na resulta ng kanyang biglang pagbagsak dahil sa tama ng baril sa kanyang batok.
Gulat na gulat ang babae sa nasaksihan ngunit di niya maaninag ng maayos si Clarisse sapagkat nakatalikod ito sa kanya lalo na ang ama nito na dali-daling tumakbo paalis. Ang tanging nasa isip ng babae ay maialis ang bata lalo na't madilim na ang gabi at di rin niya alam kung ano ang gagawin sa patay ng katawan ni Clarisse.
Nang makauwi ang babae sa kanyang apartment dala ang isang buwang sanggol ay napatanong siya sa kanyang sarili.
"Anong kaguluhan ba ang pinasok mo, Lori?"

BINABASA MO ANG
A Mother's Cry (CURRENTLY IN BIG REVISION)
AcciónAng hindi mo inaakala, ay mangyayari pala. Lori Mendez is just an ordinary 23 years old woman whose working at a coffee shop. Simula nang maulila siya noong walong taong gulang ay nakasanayan na niyang kumayod gamit ang sariling paa. Ngunit may mg...