Kabanata 5

795 34 0
                                    

6 months had passed at bunyag na ni baby. Though wala siyang ama na aattend, di na yun problema, nandito naman si Nana pati si Mitch. Sinabi ko na rin kay Nana ang lahat. Ayoko namang maglihim sa kanya. Si Mitch lang at Nana ang nakakalaam ng totoo. Ayokong marami ang makaalam dahil makakaapekto ito kay baby.

Sa loob rin ng anim na buwan, napamahal na ako sa bata. Ang bilis niyang lumaki at malikot-likot na rin. Matapos ang seremonya ng bunyag ay sa apartment kami dumiretso, may kaunting salo-salo kahit tatlo lang kami pero masaya naman.

Tutok ako sa pagpapalaki kay Heather. Buti nalang at may ipon pa ako pati na ang mga naiwang pera ng parents ko. Sumusuporta rin si Mitch kaya wala akong masyadong inaalala pati na ang trabaho.

Trabaho lang naman yung hinahanap ko kaso bata ang nahanap. Nakakatawa pero blessing siguro si Heather sakin kaya nga mahal ko ang baby ko eh.

Lumipas ang ilang linggo ay ganun narin ang routine ko. Gigising sa umaga at magtitimpla ng gatas, magluluto ng breakfast. Papatulugin si baby at kapag nakatulog na ay maglalaba naman ako. Minsan nga pag umiiyak di ko na matapos ang paglalaba ko. Minsan sa hapon pag di nakabisita si Mitch dahil busy sa cafe ay papatulugin ko nalang ang bata para makaluto ako ng hapunan.

Bibisita rin si Nana ng dalawang beses sa isang linggo upang mangamusta. Di ko feel na instant single mother ako kasi nandyan naman sina Mitch at Nana na handang tumulong.

.......








Nagising ako sa ingay na narinig ko. Chineck ko ang oras at alas tres pa ng madaling araw. Umiiyak pala si baby at nang malapitan ko ito, ay may mga rashes siya. Nagpanic ako at nang hawakan ko ito ay ang taas ng lagnat. Kinarga ko si baby at nagmadaling idial ang number ni Mitch kaso di niya sinasagot. Ang hirap pa namang gisingin ng babaeng yun.

Nagtimpla ako ng gatas at nilagay sa bag pati na mga damit ni baby. Pupunta ako sa hospital kahit madaling araw pa lang. Nang matapos ay lumabasa na ako and thank God may mga taxi nang dumadaan kaya nagpara ako. On the way to hospital ay tinawagan ko si Nana, pupunta rin daw siya.

Hanggang sa nakarating kami ng hospital ay humingi agad ako ng tulong. Kinuha naman ng nurse si baby at pinahiga sa emergency room. Di ako umalis sa tabi nito at naiiyak na ako. Baka kung anong mangayri sa anak ko. Panginoon, wala naman sanang masamang mangyari sa baby ko.

"Lori?" Narinig ko ang boses ni Nana kaya yumakap agad ako sa kanya. Palagi niyang sinasabi na magiging okay ang lahat. Somehow nakatulong pero nandun parin yung kaba ko.

"Who's the mother of the child?" Sabi ng doktor kaya dali-dali kong pinahiran ang mga luha ko.

"Ako po doc, kamusta na po ang anak ko? Okay lang ba siya? Ano pong sakit niya?" Sunod-sunod kong tanong. Di ko na napigilan ang kaba ko baka kung ano nang nangyari sa baby ko.

"Kalma lang po misis. May kaunting lagnat at rashes si baby, normal lang po ito lalo na't tumutubo na ang nga ngipin nila kaya wag po kayong mag-alala. Mabuti rin at naisugod niyo rito upang mabigyan ng lunas."

"Salamat po doc, akala ko kung ano na" salamat sa Diyos, di niya pinabayaan ang baby ko.

"Here's the list of medicines to buy para mapadali ang recovery ni baby. Mauna na po ako." Sabi ng doktor bago umalis. Nagpaslamat naman kami ni Nana at pumasok sa kwarto kung nasaan ang baby ko. Mahimbing na itong natutulog at nabawasan rin ang takot at kaba ko.

"Nana, bibilhin ko po muna tung gamot tsaka magbabayad na rin po ako ng hosptital bill."paalam ko kay Nana upang umalis.

"Sige anak, ako muna bahala kay Heather. Wag kang masyadong magtagal." Sabi naman ni Nana.

"Sige po, kukuha narin ako ng kape." Nginitian ko si Nana at lumabas na ng kwarto. Habang nagbabayad ako ng bill ay nahagilap ng mgaato ko ang isang lalaking nakatayo sa gilid. Parang kaedad ko lang at halos itim lahat ang suot mula sumbrero hanggang sapatos. Ano bang paki ko? Tskk.

Matapos kong magbayad ay dumiretso ako sa canteen at tinawagan si Mitch kaso di niya parin sinasagot. Baka tulog brownie pa yun. Nang makabili ng kape ay bumalik na ako sa kwarto ni Baby at binigay kay Nana ang kape. Kinuha ko ang gatas at pinainom kay baby. Kawawa naman ang anak ko.
Sinasayaw-sayaw ko ito hanggang sa makatulog at dahan dahan akong umupo sa kama. Ang sakit ng likod ko pero kailangang kayanin ko. Kawawa rin naman kung si Nana pa ang kakarga at may edad na yun.

Inihiga ko nang dahan-dahan si baby at di ko namalayan na inaantok na ako. Pero bago ko pa maisara ang mga mata ko ay may lalaking nakatingin samin mula sa pinto at di ko na inalam pa kasi inaantok na talaga ako.

A Mother's Cry (CURRENTLY IN BIG REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon