Kabanata 2

1K 35 0
                                    


--EDITED VERSION--

Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Ano ba yan? Ang sarap pa matulog ehh. Tiningnan ko ang oras at 7 am palang ng umaga.

Buti nalang at day-off ko ngayon sa cafe at Linggo rin naman edi patuloy ang pag-aapply ng trabaho pero naalala ko na kailangan ko palang bumisita ngayon sa bahay-ampunan.

Ay, muntik ko na talagang makalimutan.

Matapos kong gawin ang morning routine ay lumabas na ako ng apartment at nag-aabang na ngayon ng taxi. Nang makasakay ay sinabi ko na ang location ng orphanage.

Speaking of Mitch, day-off niya rin ngayon at magpapasama sana ako kaso may date ang madaldal na yun kaya ako nalang.

Nang makarating na ako ay bumungad sakin ang pamilyar na mukha ni Nana Eliana.

"Nana!!!!" Sinalubong ko siya ng yakap at namiss ko siya lalo na at ilang mga buwan din akong di nakabalik.

"Lori, salamat at bumisita ka na. Alam mo bang araw-araw akong naghihintay na dumalaw ka ulit?"

"Naku pasensya na po Nana, busy po sa trabaho eh. Pero hayaan nyo po. Kapag meron talaga akong free time ay dito po mismo ako unang pupunta."

Ngumiti naman si Nana at sabay na kaming pumasok. Bumungad sakin ang mga batang naglalaro. Ang iba naman ay nagsusulat, meron ding naglilinis.

Halos lahat ng mga batang nandito ay napamahal na talaga sakin. Yung ibang kaedad ko namang ay sobrang maswerte kasi sila yung napili upang ampunin.

Nang makapasok na kami, ay dumiretso ako sa dating kwarto ko rito. This room really have a lot of memories. Naalala ko pa noon nung bago palang ako dito eh halos di ko lubayan ang kwartong ito.

Napatawa nalang kami ni Nana habang inaalala ang nakaraan.

Lumabas ulit kami at pumunta ng playground. Naaaliw naman ako sa mga batang masayang naglalaro ng habulan.

"Lori anak, kamusta na pala yung kaibigan mong si Mich? Mukhang matagal-tagal na rin yung di nakabisita dito"

"Okay naman po siya Nana. Yun na nga eh, magpapasama po sana ako sa kanya ngayon kaso may date eh kaya ako nalang po ang pumunta." sagot ko habang ninanamnam ang sarap ng juice.

"Eh ikaw, may date ka na ba?" Nabigla naman ako sa tanong ni Nana kaya napaubo nalang ako.

"Nana naman, alam mo namang wala po sa bokabularyo ko yang mga date date na yan. Kailangan ko pa ngang mag-ipon eh." Sabi ko at napailing na lang siya.

"Bahala ka, total malaki ka na naman at na sa iyo na rin ang desisyon kung papasok ka sa isang realsyon. Basta Lori, yung tao namang kaya kang buhayin at alagaan." Napatawa nalang ako dahil sa payo ni Nana.

Lumipas ang ilang oras at nagbonding lang kami nina Nana kasama ang mga bata hanggang sa sumapit na ang alas tres ng hapon. Kailangan ko nang umuwi kasi may trabaho pa ako bukas.

"Sa uulitin po Nana, bibisita ako uli." Paalam ko kay Nana at nang makasakay na ng taxi ay kumaway pa ako sa kanya.

Nang huminto ang taxi sa gas station, ay kinuha ko na rin yung chance na magamit ko ang CR. Buti nalang at aalang katao-tao dito at mapapadali lang ako.

Nang matapos na ako ay binuksan ko na ang pinto sa cubicle ngunit nagulat ako sa nakita ko. Pumasok ang isang babae na may hawak na sanggol. She was chasing her breath at puno pa ng pawis na parang galing sa pagtakbo. Dali-dali siyang pumasok sa isang cubicle habang ako naman ay nagtataka lang.

Lumabas na ako ng CR at naglakad pabalik sa taxi. Nasakop pa rin ng babae kanina ang isip ko. Anong nangyari sa kanya? Tsaka bakit naman siya tatakbo gayong may hawak siyang sanggol.

A Mother's Cry (CURRENTLY IN BIG REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon