Kabanata 4

874 33 1
                                    

--EDITED VERSION--

Kinabukasan, hindi muna ako pumasok dahil kawawa naman si Heather kung walang magbabantay.

I can't believe i'm doing this. I never thought na darating ang araw na haharapin ko ang responsibilidad bilang ina.

Ayoko namang ibigay nalang ang bata kasi naaawa ako. Ang gusto ko lang talagang malaman ay sino ang tunay na nanay nito. I pity her. Di man lang niya masasaksihan ang paglaki ng anak niya.

Hindi ko parin alam kung anong gagawin ko sa mga susunod na taon o buwan pero aalagaan ko muna si Heather.

Tanghali na at nandito ako ngayon sa sala at pinapatulog si Heather. Ayoko namang iwan sa kwarto kaya dito na lang para mabantayan ko rin.
Dahil tulog na ito at wala akong magawa ay in-on ko muna ang tv upang manood.

"Breaking news.. Natagpuang patay ang anak ng batikang aktor na si Reymundo Santiago sa isang masikip na eskinita. May tama ito ng baril sa batok at inaalam pa ng mga polisya ang suspek sa krimeng naganap. Di pa nagbigay ng panayam ang aktor hinggil sa pagkamatay ng anak dahil sa pagluluksa. Iniimbestigahan rin kung may mga witness bang nakakita ng maganap ang karumal-dumal na pagpatay kay Clarisse Santiago. Mary Ocampo, nag-uulat, NDZ News."

Lahat ng takot at kaba ko ay bumalik  nangg marinig ko ang  balita. Isang anak ng artista ang nanay ni Heather?

Pero bakit kailangang patayin pa siya. Ngayong alam ko na kung sino ang lolo niya, ay mukhang hindi ligtas na isauli ko siya. Baka mapano pa si Heather.

Tama, hindi ko ibibigay si Heather. Ayokong maranasan niya ang buhay ng may humahabol kaya ako na ang tatayong ina niya. Ako na ang magpapabunyag, ako na lahat wag lang siyang mapahamak.

Pero may parte pa rin sakin na di sigurado kung tama ba ang ginagawa ko. Paano kung nay naghihintay na panganib rin  sakin. Hays, nalilito na ako.

Pinagmasdan ko uli si Heather at napakahimbing nitong natutulog. Huwag kang mag-alala baby, hinding-hindi kita pababayaan.

Bandang alas stres ng hapon ay bumisita si Mitch.
Siya muna ang magbabantay at marami pa akong lalabhan.

Halos umabot rin ng ilang oras ang paglalaba ko at nang matapos akong maglaba ay ako na ang nagluto ng hapunan namin. Pati gatas ay tinimpla ko narin.

Diyos ko, ganito po ba talaga pag may binabantayang sanggol? Nakakapagod tsaka parang malalaglag kamay ko kakakarga pero kapag minamasdan ko na ang mukha ay parang nawawala ang pagod ko.

Kaso choice ko ito eh, choice kong kupkupin ang bata kahit di ko kadugo. Siguro nasanay na ako na maging loner sa mundong ito. Kaya ayokong maranasan iyon ng bata.

Nakikita ko kasi yung sarili ko sa kanya. Maswerte pa nga ako noon kasi sa bahay ampunan talaga ang bagsak, pero si Heather ay galing sa isang napakarumal-dumal na pangyayyari.

Tapos na akong magluto kaya tinawag ko na si Mitch. We ate our dinner in peace since nakatulog na ang bata.

"Hoy Lori, ano na talaga desisyon mo?" biglang tanong nito na nakapagbaling ng atensyon ko.

"Hindi ko pa talaga alam Mitch. Basta ayoko munang isipin yan, ang sa ngayon ay aalagaan ko muna ang bata." sagot ko naman at tumayo na.

Pumunta ako kay baby na ngayo'y sobrang himbing ng tulog. Di ko pa talaga alam kung hanggang kailan ka mananatili sa buhay ko. Pero sa ngayon, aalagaan muna kita.

Pangako iyan.







SOMEONE'S POV

"Hanapin niyo ang babaeng yun. Kailangang mabawi ang batang yun kung hindi ay malalaman ng lahat na may anak si Clarisse." Galit na sigaw ko sa mga tauhan ko.

Wala na sana akong problema kung pinamigay na niya ang bata. Ngayon nadagdagan naman. Mahahanap ko rin ang babaeng kumuha sa batang yun.

"Sir, nandito na po siya." Sabi ng sekretarya ko at pinapasok ang isang lalaking gagawa ng plano ko.

"Hello Mr. Santiago, it's been a long time isn't it?" Bumungad sakin ang pamilyar nitong mukha, di mo aakalaing sa gwapo nitong mukha at batang edad ay secret agent pala ang trabaho.

"I want you to find this girl." Pinakita ko sa kanya ang litrato ng babae. Tiningnan naman niya ito.

"Find her along with the baby. Clarisse' secret daughter. Ayokong mabunyag na may anak ang anak ko pagkat masisira ang imahe ko sa publiko. So I assigned you to do the work." Tumango ito at kinuha ang picture bago umalis.

Napatingin ako sa litrato ni Clarisse. Pasensya na anak or should I say adopted daughter.

Hindi ko naman talaga ito tunay na anak. Talagang nangailangan lang kami ng asaw ko. Labag nga sa kalooban ko dahil gusto ko ay lalako pero wala akong magagawa dahil kagustuhan ni misis.

Ayokong masira ang plano at imahe ko sa publiko. Sa tulong na rin ng lalaking iyon, papabor na saking ang lahat.

Makikita rin kita kung sinong babae ka man na kumuha sa bata. At wala ka nang kawala pa.





~/NALY🥀

A Mother's Cry (CURRENTLY IN BIG REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon