𝚃𝙷𝙴 𝚂𝙴𝙲𝚁𝙴𝚃 𝟶𝟺

491 12 0
                                    

Hindi lang naman basta hanap lang ng hanap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi lang naman basta hanap lang ng hanap. Mababagot ka lamang kung puro leksiyon sa paaralan ang laman ng binabasa mong aklat.

Alam ko na ang ilan sa atin ay tamad magbasa ng pagkahaba-habang talata't teksto. Kung ang binabasa ninyo ay puro tungkol sa pag-aaral ay paniguradong sa umpisa lang kayo gaganahan. Pero kapag naglaon na't nalulunod na kayo sa mga letrang dinadaanan ng inyong mga mata, sigurado akong susukuan n'yo ring magbasa.

Ayos lang 'yan. May mga tao talagang masipag at mukhang hindi lang kayo 'yon.

Hindi naman talaga kasi nakakaganang basahin ang isang teksto kung puro pag-aaral at pag-aaral ang nilalaman nito. Napapagod na nga ang iyong mata kakakaliwa't kanan nito, nag-o-overheat na rin pati ang iyong utak dahil sa dami ng pumapasok sa isip mo.

Saluduhan na lang natin 'yung mga kilala ninyong nagsusunog talaga ng kilay sa pag-aaral. Natatangi ang abilidad nila upang maproseso lahat nang binabasa nila sa kanilang isipan.

Kung kayo 'yung klase ng tao na tamad magbasa lalo na kung hindi kapana-panabik ang nilalaman, para sa inyo ang sikretong ito.

‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗                ‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗
   ▏                            ❐                              ▏

Ang ika-apat na sikreto: Magbasa ng mga literatura ng Pilipinas.

▕‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗      ❏      ‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗▏

Ikaw ba ay pamilyar sa mga bantog at kapita-pitagang mga literatura ng Pilipinas?

Nakakasigurado akong nakapagbasa na kayo ng kahit isa sa mga ito noong nasa mababang paaralan at sekondarya kayo.

Lubhang mas epektibo ang pagbabasa ng mga Philippine Literature dahil ito ay nasa purong Filipino at gumagamit talaga ng mga malalalim na salita. Hitik na hitik ito sa mga nilalamang kakapulutan ninyo ng aral.

Bukod pa rito ay hindi kayo mababagot sa pagbabasa. Ito 'yung klase ng literatura na talagang pinagyaman ng panahon. Nakakasigurado akong magugustuhan n'yong basahin ang mga literatura ng Pilipinas.

Maaari rin itong gamiting reperensiya sa pag-balangkas ninyo ng historical fiction na kuwento. Ang ilang mga akda ng Philippine Literature ay hango sa totoong kaganapan ng mga panahong isinusulat ng may akda ang kanyang gawa. Kakapulutan mo ito ng aral.

Isa pang kapararakan ng pagbabasa ng mga ganitong literatura bukod sa makakakuha ka ng mga malalalim na salita, maaari mo ring matutunan kung paano ang matalinhagang pagsasalaysay ng isang tagpo.

Ang ilang halimbawa ng mga literatura ng Pilipinas na maaari ninyong magustuhan ay ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas, ang Ibong Adarna ni Jose de la Cruz at ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal.

Marami pang Philippine Literature ang hindi nabanggit sapagkat ang iba rito ay mahirap nang mahanap o makakuha ng kopya.

·⌏ ✢ ⌌·

Nakatulong ba sa iyo ang ika-apat na sikreto?

Ito pa lang ang simula ng ating paglalakbay sa mga sikreto ng kasaysayan. Marami ka pang malalaman na nakakubli sa bawat paglipas ng oras.

Kung may nais kang malaman, itanong o linawin, bukas ang kabanatang ito para sa'yo. Ikomento lamang dito ang iyong idinudulog ➺

 Ikomento lamang dito ang iyong idinudulog ➺

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon