𝚃𝙷𝙴 𝚂𝙴𝙲𝚁𝙴𝚃 𝟶𝟷

525 13 0
                                    

Ano ba ang sumasagi sa isip natin kapag historical fiction ang pinag-uusapan lalo na sa lengwaheng Filipino?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ano ba ang sumasagi sa isip natin kapag historical fiction ang pinag-uusapan lalo na sa lengwaheng Filipino?

Hindi ba 'yung mga malalalim na salita at matatalinhagang kataga?

Nakakadagdag ganda ang pagkakaroon ng malalalim na salita at mabulaklak na litanya sa mga kuwentong patungkol sa kasaysayan. Sapagkat ang salita ngayon ng madla ay puno ng slang at usong uso na ang mixed language.

Mas mararamdaman mo ang paka-vintage at pagka-historical ng kuwento kung ito ay isusulat mo sa purong Filipino. Lalo na kung ang tagpo ay sinaunang panahon.

Sapagkat mga mararangyang tao lamang ang nakakapag-aral ng ibang lengwahe tulad ng Ingles noon. Hindi pa laganap ang mga banyagang wika at ang karaniwang salita noon ay purong Filipino at ang iba't iba nating mga dayalekto sa Pilipinas. Isama na rin natin ang lengwahe ng ating mga katutubo.

Hirap ang mga kabataan ngayon sa ganitong aspeto dahil ang makabagong henerasyon ay hubog at sanay na sa wikang Ingles o sa pinakapopular na lengwahe ngayon, ang TagLish.

Kung isa ka sa mga nahihirapan sa purong filipino, baka ito na ang solusyong hinahanap mo.

‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗                ‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗
   ▏                            ❐                               ▏

Ang unang sikreto: Magtanong sa nakakatanda.

▕‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗      ❏      ‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗▏

Ang mga lolo, lola, tito, tita at maski ang iyong ina at ama ay maaaring nakakaalam ng mga malalalim na salita. Lalo na kung talagang matatanda na sila at ipinanganak pa noong kapanahunan ni Marcos o noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.

Sila ang nakakaalam ng mga salitang nalimot na ng modernong panahon.

Kung mag-oobserba kayo sa mga matatandang nagkukwentuhan sa kanto o hindi naman kaya'y sa labas ng bahay ninyo, makakarinig kayo ng mga salita at katagang malalalim na hindi n'yo mawari ang ibig sabihin.

Matuto tayong gumawa ng paraan para matalos ang mga bagay-bagay kahit sa simpleng paraan. Kung ayaw ninyong mapagod o magsikap maghanap sa mga libro at aklat ng mga malalalim na salita, usong magtanong.

Walang masamang magtanong kung para naman ito sa ikauunlad ng iyong kaalaman.

Kung nahihiya ka at hibdi uso sa'yo ang magtanong, isa lang ang sasabihin ko. Magsumikap ka!

Ganyan talaga ang buhay, napupuno ng interaksyon at pakikipaghalubilo sa iba.

Kung ikaw ay isa talagang mahiyang tao, ayos lang 'yan. Huwag kang mangamba dahil hindi mo kailangang mapahanga sa'yo ang lahat ng tao. Pero wala kang dapat ikahiya, tao ka rin tulad ko at tulad nila. 

Kailangan mo pa ring magtanong. Madali lang 'yan, idahilan mong kailangan sa asignatura ninyong Filipino. At ang takdang aralin n'yo ay paramihan ng malilistang malalalim na salitang Filipino.

Tutulungan ka nila kagaya ng pagtulong ko sa iyo.

·⌏ ✢ ⌌·


Nakatulong ba sa iyo ang unang sikreto?

Ito pa lang ang simula ng ating paglalakbay sa mga sikreto ng kasaysayan. Marami ka pang malalaman na nakakubli sa bawat paglipas ng oras.

Kung may nais kang malaman, itanong o linawin, bukas ang kabanatang ito para sa'yo. Ikomento lamang dito ang iyong idinudulog ➺

 Ikomento lamang dito ang iyong idinudulog ➺

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon