𝚃𝙷𝙴 𝚂𝙴𝙲𝚁𝙴𝚃 𝟶𝟻

484 11 0
                                    

Paano ba magsimulang sumulat ng historical fiction na kuwento?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paano ba magsimulang sumulat ng historical fiction na kuwento?

Kailangan ng matinding effort kung gusto mong maging matagumpay ang pagsusulat mo sa dyanrang ito. Oras, sipag at dedikasyon ang mga pangunahing sangkap para magkaroon ka ng tatag na makatapos ng kuwentong historical.

Hindi lang kasi basta-basta ang historical fiction. Hango ito sa totoong buhay kaya ang bawat impormasyong ilalahad mo sa kuwento lalo pa't patungkol ito sa totoong tao ay kailangang tumpak, tiyak at tunay.

Tanungin mo rin minsan si kumpareng Google kung ano ang ibig sabihin ng historical fiction, laging kakabit nito ang mga salitang "true events" at "history".

Hindi naman kasi matatawag na historical fiction ang isang kuwento kung wala itong bahid ng kahit anong koneksyon sa nakaraan at kasaysayan ng isang partikular na tao, grupo o lugar. Fantasy na ang maaaring tawag doon o hindi naman kaya'y science fiction.

Kung ikaw ay hindi sanay sa matindihang pananaliksik ng maraming bagay, mahihirapan ka talagang magsulat ng historical fiction. Maaaring ganahan ka sa simula pero habang tumatagal at nararanasan mo na yung kapag may hinahanap kang impormasyon pero wala kang mahanap, sigurado akong susukuan mo nang manaliksik at gagawa na lamang ng sariling eksplinasyon.

Para ito sa lahat ng manunulat na gustong magsulat ng historical fiction.

‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗                ‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗
   ▏                            ❐                              ▏

Ang ika-limang sikreto: Kailangan ng pananaliksik.

▕‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗      ❏      ‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗▏

Tama, kailangan na kailangan talaga. Lalo na kung maglalagay ka ng impormasyong nangyari talaga sa nakaraan o tungkol sa isang taong nabuhay noon.

Talamak na ngayon sa social media ang mga fake news kaya hindi malabong magkaroon din nito sa bawat kuwentong isusulat, sinusulat at nasulat na natin. Dapat ay may kamalayan tayo sa kung ano ang tama at maling datos ang nakakalap natin nang sa gayon ay hindi tayo ang isa sa magiging sanhi ng pagka-misinformed ng mga mambabasa natin.

Isa itong mahalagang paksa sapagkat ang isang maliit na pagkakamali sa nailahad nating impormasyon ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa partikular ng taong ating binanggit.

Isipin na lang natin na nagkamali ako at nailagay ko sa aking kuwento na nabulag si Jose Rizal sa kanyang mga huling araw. Aakalain ng marami na totoo ito dahil historical fiction nga ang dyanra ng aking kuwento. Ngunit hindi naman ito totoo at wala akong kaide-ideya na may naniwalang totoong nabulag si Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan. Kaya hindi ko maka-klaro sa mambabasa 'yung totoo.

Ganoon din kapag kasaysayan ng ibang bansa ang pinag-uusapan. Ito nga ay mas kailangan nating mag-ingat dahil hindi natin gamay ang kanilang kasaysayan. Maliban na lang kung pinagtuunan mo talaga ng mahabang oras at panahon na pag-aralan ang kanilang nakaraan.

·⌏ ✢ ⌌·

Nakatulong ba sa iyo ang ika-limang sikreto?

Ito pa lang ang simula ng ating paglalakbay sa mga sikreto ng kasaysayan. Marami ka pang malalaman na nakakubli sa bawat paglipas ng oras.

Kung may nais kang malaman, itanong o linawin, bukas ang kabanatang ito para sa'yo. Ikomento lamang dito ang iyong idinudulog ➺

 Ikomento lamang dito ang iyong idinudulog ➺

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon