CHAPTER 5

375 29 10
                                    

Sorry sa sobrang tagal na update.

CHAPTER 5
YESHA P.O.V 

Nagising ako nang may narinig na malakas na kalabog galing sa baba, pag mulat ng mata ko wala sa tabi ko ang anak ko. Tumingin ako sa gilid ng kama, asan na ang Calendar ko?

"Prince.." malakas na tawag ko sa kanya, tumayo ako at hinanap kung na sa gilid ba ng kama ang Calendar ko, baka nahulog lang. "Prince nakita mo ba yung Calendar ko?" 

Wala pa ding sumasagot, kung wala siya sa kabilang kwarto kung saan si Gyxie, malamang ay na sa sala sila. 

Lumabas ako ng kwarto at kaagadang bumaba, walang tao. Ang alam ko ay linggo ngayon, November 15 or 18 ata?

Pagbaba ko ay ni anino nila ay wala akong nakita. Agad kong napansin ang isang papel sa lamesa.

"Ipapasyal ko muna si Gyxie now, it is good to rest yourself first."-P

Napangiti ako sa nabasa ko, pero sila ang pahinga ko! Bat naman nila ako iniwan!

Wait.. where's my phone?

Hinalughog ko na ang buong bahay pero wala akong nakita! Asan na ang phone ko? Atsaka.. asan na si Meilin? Sinama nila?

Lumabas ako ng bahay na walang kalaman laman ang tiyan, nakita ko si Meilin at Aso na parang nag kakapikunan na kaya naman agad ko silang nilapitan, bago pa masapak ni Aso si Meilin, joke.

"Aba tangina ka talagang deputa ka ah?! Hindi nga ako yon! Anong akala mo saken? Manyak?!" Sigaw ni Aso kay Meilin

"Oo!" Dinuro ni Meilin si Aso. "Yang mga mukhang yan! Yan yung mukha ng mga adik sa probinsya namen! At higit sa lahat, mga manyak!" Sigaw ni Aso 

"P-pwede ba kayong huminahon? Nakakaistorbo kasi sa mga kapit baha—"

Hindi ako pinatapos ni Aso at sumigaw ulit siya, "Eh yan kasing baliw na yan e! Umagang umaga sinisimulan na naman ako!"

"Hoy! For your information magaling na ko sa sakit ko! Anong baliw pinagsasabi mo diyan?!" Meilin

"Tsaka yang mga mukhang yan!" Duro pa din ni Aso kay Meilin, "Ganyang ganyan ang mga mukha ng pokpok sa baryo namen!"

"Anong sabi mo?!" Sigaw niya kay Aso.

Naaninag kong papalapit si Dhylan kasama si Zyza at ang anak nila, mukhang pinapaarawan nila si Zhylan. "Mga gago umagang umaga anlalakas ng tahol niyo!"

Biglaang may bumato ng malaking bato galing sa bahay nila Migs, naaninag ko siya sa second floor ng kanilang bahay. "Wala na nagising na anak ko kayo mag patulog neto ah! Ang ingay ingay niyong nilalang!"

"E eto kase e!" Duro ni Aso kay Meilin. "Minanyak ko daw siya! E gago namimitas lang ako ng halaman dito!"

"Imposible!"

"Anong imposible?! Tsaka wag ka ngang feeling diyan! Inaatake ka na naman ng kabaliwan mo! Nakita ko na yan!"

"A-Anong nakita mo?" Singit ko sa usapan nila

"Yung ano niya!"

"Ano?"

"WAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ni Dhylan

Anong nakita niya? Yung ano? Paano niya nakita? 

"M-Manahimik ka nga!" Malakas na pinagsusuntok ni Meilin ang balikat ni Aso.

"A-aray! Tigilan mo nga ko! Tsaka hindi kita type noh! Wag kang feeling!"

Nasapo ko ang aking noo ng makita si Migs na pinapalabas ni Ali. "Hindi nga ako yon! Sila yon! Nag sisigawan sila e!"

Dinuro ni Alianah si Migs. "Wag kang uuwi hanggat hindi ko napapatulog tong anak mo!" Sabay sara niya ng pinto 

Madalas na ganto ang eksena sa Village. Away, batuhan, at maski sila Dhylan na may anak na nag hahabulan at nag tataguan pa. 

TRIXIE P.O.V

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" Sigaw ko kay Harold, lumingon ako kay tita Venus. "Anong gagawin ko?"

"It would be better if he was here now, our family knows you will come back here to be with him right?"

Kagat ko ang labi ko, si Harold naman ay inosenteng naka-upo sa kama kasama si Hyxie at Zachary.

"Makinig kayo sakin," lumingon kaming dalawa kay Venus. "Kailangan niyong mag kunwari."

"What?" Harold. "Whats going on?"

"Our family is here." Malumanay na sabi ni Venus kay Harold. "Kailangan niyong mag panggap na oka—"

*Tok Tok*

Sabay kaming lumingon sa pinto.

"Venus mi hija? Estás aquí? Visitemos Trixie." (Venus my daughter? Are you here? Let's visit Trixie) Rinig kong sabi ni Lola

Huminga ng malalim si tita Venus at binuksan ang pinto. "Sorpresa! no necesitamos visitarla ahora, ¡porque ya está aquí!" (surprise! we don't need to visit her now, because she is already here!)

Kita ko ang pag kunot ng noo ni Lola ng makita si Zachary, Gyxie at Harold.

"Venus hija mía, ¿por qué no nos dijiste que ya tienes hijos?" (venus my daughter, why didn't you tell us that you have children already?)

To be continued..

Married To A Maniac Boss [Season Two]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon