TRIXIE P.O.V
"Kung nakikita mo lang yung mukha ng mommy mo kanina! Parang konti na lang patayin na ko!" Pag rereklamo ni tita Venus sa akin. "So kailan niyo balak mag pakasal? Mukha tuloy akong masamang tita sa paningin ng mommy mo, tinago daw kita? Eh ikaw naman may gusto non!" Maarteng sabi niya pa.
Nagalit si Mommy noong nalaman niya na si Harold ang anak ng kinakasama niya dati, mabuti na lang ay kasama ko si tita Venus kung hindi ay baka ano pang mangyari sakin.
"If you don't want to marry him na, hanap ka nalang ng iba!" Nakakalokang suggestion niya.
Napailing na lang ako sa pinagsasabi ni tita Venus. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano.
Kita ko na nilabas niya ang phone niya at umaktong may tatawagan.
"Hello!" Maikli pero masayang bati niya sa kabilang linya. "Ah oo! Yung wedding gown na inorder ko.."
Napalingon ako sa sinabi niya. Wedding gown? Para kanino? Sa kanya? O sakin?
"Asikasuhin mo na din yung iba ha? Two days from now ikakasal na to." Excited na sabi pa niya
Napatayo ako sa gulat, ang lakas talaga ng sense ko na inorderan niya ako ng wedding gown
"Ay hindi pa." Sagot niya sa kabilang linya. "Biglain natin para wala nang atrasan." Sabi niya at tumatawa
Napalingon siya sakin ng saglit, binaba niya ang tawag at lumingon ulit sakin. "Ready na."
"Anong ready?" Pasigaw na tanong ko sa kanya, ang tanging tugon niya lang ay ang pag ngiti ng malapad sakin. "No!"
"Anong no?" Tinaasan niya ko ng kilay. "Ano pang magagawa ko? Eh inutusan lang naman ako! You ah! Inaaway mo si Tita!" Umakto siyang umiiyak
Inutusan?
PRINCE's P.O.V
"Ang sabi mo pinsan mo yon!" Yesha shouted.
"What?" I asked
"Yung babae." Napalingon si Meilin samin.
"Akin na nga muna yung bata." Meilin
Hinigpitan ni Gyxie ang yakap niya sa leeg ko.
"Babae who?" I asked.
"Yung tinanong ko sayo!"
"Oo... pinsan." Ngumiti ako. "Pinsan sa tuhod? Hehe."
Halatang gustong matawa ni Meilin kaya umiwas siya ng tingin samin.
"Walang ganun!" Galit pa din na sabi ni Yesha. Bakit ba siya nagagalit? Dinuro niya ako. "Ikaw wag mokong pinagloloko ah!"
Napasimangot ako, ano ba kasing problema neto?
"She's my business partner."
"Yon naman pala e!" Siga siganb sabi niya. "Eh bakit ka nag sinungaling!"
"Huh?" Lumingon ako kay Meilin.
Damn.
YESHA's P.O.V
"Sumbongera!" Sabi ni Prince kay Meilin sabay taray.
"Bat ka nga nag sinungaling, Dirham?" Nakapameywang kong ulit sa tanong ko.
"H-hindi ko alam." Umakto siyang nag iisip at lumingon sakin. "Bakit nga ba ko nag sinungaling?"
Inirapan ko siya at kinuha si Gyxie sa kanya. "Buong linggo mong di mahahawakan anak mo!" Sabi ko at tinalikuran siya, si Gyxie naman ay umiyak ng umiyak. Seryoso? Ayaw niya sakin? Si Prince ba nag luwal sa kanya?!
HAROLD's P.O.V
"Here." Abot ni Dad sa akin ng singsing. Inabot ko iyon at agad siyang umiwas ng tingin.
"Kailan mo balak ipakita sakin yung mga apo ko?"
Lumingon ako sa kaniya, he's still mad at me after what i did. Kagabi ko lang sinabi sa kaniyang may anak ako.
At ayaw niya kay Trixie.
Author's Note:
Sorry guys sa late na update, mas inuna ko kasi muna yung school works ko. And it's worth it naman! With honors ako☺ Sorry talagaaa.
![](https://img.wattpad.com/cover/241285449-288-k816043.jpg)
BINABASA MO ANG
Married To A Maniac Boss [Season Two]
Romansa•ON GOING Season 1 Tittle: Arrange Marriage with Maniac School King