TRIXIE P.O.V
Pumunta kami sa mall at iniwan muna namin sila Hyxie kayla Venus, tulog na sila nong iniwan namin para naman hindi maka-istorbo.
"Hello!" Sabay kaming napatigil sa paglalakad ng may lumapit na babae samin, meron siyang body guard sa likod kaya halatang mayaman siya.
Tinapik niya sa balikat si Harold, "Harold right?" Nakangiti niyang sabi. "I'm Shany, nagkakilala tayo dati."
"Hi," ngumiti ng konti si Harold.
Napabaling sakin yung Shany, "Your girlfriend?" Nakangiti siya sakin. "Hi! Patricia right? I'm Shanayah." Nakipagkamayan siya sakin
"T-Trixie," abot ko sa kamay niya. "Hindi niya ko girlfriend."
"Oh." Napatakip siya sa bibig. "Sorry! I thought kas—"
Hindi ko na narinig ang susunod niya pang sasabihin nang hilain na ko ni Harold palayo sa kanya.
"A-aray." Binawi ko ang kamay ko sa kanya at agad naman niya itong binitawan.
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin. "Where do you want to eat?"
"K-kahit saan,"
"Where?" Ulit niya
"Anywhere." Ulit ko pa, baka hindi niya naintindihan ang sinabi ko, english siya nang english e.
Napabaling siya sa grocery store at nag lakad papunta don.
Sa grocery store kami kakain?
Sumunod na lang ako sa kanya at di ko akalaing mag gro-grocery pala siya. Pumunta kami dito para kumain e.
Kukuha sana siya ng tray nang bumalimg sakin. "Gutom ka na ba?"
Tumango ako, gutom na ko.
Umalis kami sa grocery store at pumunta sa isang restaurant sa loob ng mall, pinapagod lang ata ko neto e.
Agad akong umorder, ilang segundo pa lang nakaready na agad ang pagkain.
"Sa susunod isama na natin ang mga bata."
Hindi ako sumagot sa sinabi niya at patuloy akong kumain, ano yun? Family? Eh hindi niya pa nga sure kung okay ba kami.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko, may tanong akong naalala, tanong na matagal ko nang gustong malaman ang sagot.
"Hindi mo ba ako naalala?"
Napatigil siya at napataas ang kilay niya sa sinabi ko.
"What?"
Napaiwas ako ng tingin at umiling, binalik ko nalang ang tingin ko sa pagkain.
"S-saan mo ako unang nakita?"
"Flower shop?" Di sigurado na sabi niya.
Tumango nalang ako, siguro nakalimutan niya na.
AELYSHA P.O.V
Pagkatapos ko maligo at mag bihis ay umupo ako sa gilid ni Prince, nakikipaglaro siya ng paint paint ngayon sa bata.
Binuksan ko ang phone ko at hinarap sa mukha niya yung picture na sinend ni Meilin.
"Sino to?" Walang alinlangang tanong ko.
"P-pinsan ko." Sabi niya. "Saan mo yan nakuha? Pumunta ka sa office?" Tanong niya
Hindi ko sinagot ang tanong niya "Pinsan mo?" Inalis ko sa tapat ng mukha niya ang phone. "Itatanong ko kay Abigail kung kilala niya to." Nag hahamong sabi ko pa.
Sumimangot siya at sinamaan ako ng tingin.
"Dada!" Bumungisngis si Gyxie habang pinapakita yung gawa niya.
"Kayo mag linis niyan ah," masungit na sabi ko. "Siguraduhin mong malinis na yan pag balik ko, kung hindi sa labas ka matutulog." Warning ko kay Prince bago lumabas ng kwarto.
Nag timpla muna ako ng chocolate drink at umupo sa couch. Katabi ko si Meilin na nag tratrabaho pa din hanggang ngayon.
"Nakapag usap na kayo?" Tanong ni Meilin habang nakatingin pa din sa Laptop niya.
"Oo.." sabi ko ag binuksan ang phone ko. "Pinsan niya daw."
"Ah." Maikling sabi niya habang busy pa din sa laptop.
Itetext ko si Abigail, Sinend ko ang pics na kuha ni Meilin at tinanong siya.
To: Abigail Dirham
["Kilala mo toh Abi?"]
Agad siyang nag reply.
From: Abigail Dirham
["Yes kasama niya si Kuya dumaan sila dito nung isang araw"]
Isang araw?
To: Abigail Dirham
["Pinsan niyo ba siya?"]
From: Abigail Dirham
["Eww, no."]
"Prince!" Nagulat si Meilin sa sigaw kong yon.
Agadan siyang bumaba buhat buhat si Gyxie. "Malinis na." Tukoy niya sa banta ko kanina
"Hindi yon!" Sigaw ko. "Ang sabi mo pinsan mo yun?"
"What?"
"Yung babae." Napalingon si Meilin samin.
"Akin na nga muna yung bata." Sabi ni Meilin
Hindi ko malaman kung san ako babaling, kay Prince ba o kay Gyxie na hinigpitan ang yakap sa daddy niya para hindi siya makuha ni Meilin.
Author's note: Sorry talaga sa late update Lilies😓
![](https://img.wattpad.com/cover/241285449-288-k816043.jpg)
BINABASA MO ANG
Married To A Maniac Boss [Season Two]
Roman d'amour•ON GOING Season 1 Tittle: Arrange Marriage with Maniac School King