DHYLAN P.O.V
"Zylhaaaan!" sigaw ko ng makitang gumagapang siya malapit sa hagdan.
Agad akong tumakbo papunta sa kanya at binuhat siya. "Paano ka naman nakalabas ng kwarto?" tanong ko sa kanya bumungisngis lang siya.
Hawak hawak niya yung laruang sasakyan na nakita namin sa bahay ni Migs, ayaw nang bitawan ng anak ko kaya inuwi na namin.
"Asan ang tito Aso mo?" tanong ko sa kanya na parang sasagutin naman ako ng bata.
Si Aso ang mag babantay neto ngayon e, asan na naman ba yung asong yon?
"Swong." sabi ni Zylhan habang buhat buhat ko. Itinataas niya yung laruan niya na parang lumilipad.
Nakita ko sa baba si Aso kasama si Patricia na umiiyak na naman.
"I don't know what's going on na talaga kay Harold." pinunasan niya ang pisngi niya. "This past few days den he haven't visited me and he always saying na he have to work hard, for what? Para sa anak niya? Sa labas?" pumiyok si Patricia.
"Ganon talaga maganda nga kasi yung suggestion ko hiwalayan mo—" naputol ang tanga tangang suggestion ni Aso kay Patricia.
"I love him nga e! Hindi mo ba alam ang word na Love?"
"I knew its right!" nakakabobong sabi ni Aso. "Lovable, loveliness, lovaliness, liveliness, tanginaness."
"Patawa ka!" tumawa si Patricia. "I hate you!"
"Anong patawa? Anong nakakatu—"
Bumukas ang pinto, inilabas non si Trixie?!
Dala niya yung babae at dala naman ni Venus ang lalake na anak ni Trixie.
"P-Pwedeng makausap si Yesha?" sabi ni Trixie.
"Why are you crying? Patricia?" nag aalalang sabi ni Venus.
Napaka awkward ng moment na to.
TRIXIE P.O.V
Wala si Yesha sa bahay nila, kaya nag desisyon na akong umuwi sa lalong madaling panahon.
Nang makauwi, naabutan namin si Harold sa tapat ng pintuan ng bahay dala dala ang maraming grocery bags at paper bags.
"Why are you here? Kaka-bigay mo palang ng money para sa mga bata kahapon right?" tanong ni Venus kay Harold.
Bumaling sakin si Harold. "Wala kasi akong magawa kaya nang pumunta ako sa Mall naisipan kong bilhan yung mga anak ko."
Ang kasunduan lang namin ay siya ang mag tutustos sa mga panga-ngailangan ng bata, hindi yan.
"Iiwan mo nalang diyan." sagot ko. "Don't worry di yan masasayang."
Kita kong tumingin siya kay Hyxie, halatang sabik na sabik siyang mahawakan ang bata. "G-Gusto ko din kasi makasama yu—"
"Wala sa kasunduan yan." pag putol ko sa sasabihin niya.
"Kahit sandali lang naman, okay lang sakin."
"Yung girlfriend mo pala, andon siya sa bahay nila Dhylan. Asikasuhin mo muna."
Tumitig siya sakin ng ilang segundo bago pa niya tiningnan muli ang bata. "S-Sige."
Nag patuloy na ako sa pag lalakad at nilagpasan ko siya papasok ng bahay.
"Ako pa talaga inutusan mo ha?!" sabi ni Venus at inilapag ang paper bag sa harap ko.
Gumapang si Hyxie doon. "Psshh. Hyx di yan pagkain." may nahablot siyang maliit at pink na unan. 'H' ang nakalagay doon. "Ang talino mo talaga." binuhat ko siya.
Inilapag ko siya sa baby bed at hawak hawak pa din niya ang unan.
Hindi naman siya masyadong malikot kaya madali lang siyang iwanan. Si Zachary ang problema ko. Gapang doon gapang dito yung batang yon.
Nangunot ang noo ko ng wala si Zachary sa pinaglagyan ko kanina. "Andito lang siya sa couch ah?"
Inikot ko ng buong sala ngunit wala akong makita na Zachary kahit anino niya wala.
"Baka sinama ni Tita Venus?" sabi ko sa sarili ko. "Ay hindi." mag sasalon si Tita e.
"Zach." binuksan ko ang pinto. Laking gulat ko ng makita ang sasakyan ni Harold na hindi pa din umaalis.
Kinatok ko ang bintana. Binuksan niya ang pinto. Andoon si Zachary na naka kandong at nanonood ng YouTube sa cellphone ni Harold.
"Itatakas mo ba ang anak ko?!" sigaw ko sa kanya. Napabaling ako sa mata niya, namumula.
Umiyak ba siya? Ay hindi. Oo? Umiyak ata siya kase nag away sila ni Patricia hindi ba?
"Dada." humawak si Zach sa pisngi ni Harold, inaabot niya ang cellphone.
"Nahawakan mo na yung bata, na kausap mo pa. Naturuan mo pa. Kaya pwede umalis ka na?"
"Mwaaaaah!" iyak ni Zach sa loob ng kotse.
Nakunot ang noo ko sa inasta ni Zach. Agadan ko siyang kinuha sa loob ng kotse at pumasok sa bahay. Iyak pa din siya ng iyak
PRINCE P.O.V
"Bijyi loo." turo ni Gyxie sa halaman. Sunod ay sinubo niya ang hintuturo niya.
"Tagal ng Mommy mo noh? Work work pa si Mommy e." pag kausap ko sa kanya, medyo nag kakasundo na kami hindi katulad ng dati na binabato niya ako ng kung ano anong mahawakan niya.
Kanina ay nag try din ako mag bake kasama siya. Pero lahat ng mahawakan niya sinusubo niya, pati harina. Kaya ayun, yung cake naging bilog na medyo basa. Na lasang kasuka-suka
Pinasok ko siya sa bahay dahil medyo hapon na. Tinimplahan ko siya ng gatas at buti naman ay agad siyang nakatulog.
Nag intay ako sa labas. Dapat talaga susunduin ko yun e, kaso bantayan ko daw yung bata.
Kumunot ang noo ko ng makita ang isang di pamilyar na kotse na nakapark sa tapat ng bahay namin.
Bumaba ang lalake at binuksan ang pinto ng kotse sa likod.. Sunod ay bumaba si Yesha.
Agad akong sumalubong at hinatak siya. Nangunot ang noo ng lalake sa ginawa ko.
"A-Ah Jai, una na ko ha? Salamat." sabi ni Yesha at kinurot ako sa likod.
Tumango ang lalaki at tumingin sakin na para akong basura.
"Alam mo bang ang hirap hirap alagaan ng anak naten?" pag sisinungaling ko sinadya kong laksan yung boses ko para marinig ng Jai na yan.
"A-Ano?" naguguluhang sabi ni Yesha. "Ang sabi mo okay lang?"
Pinanlisikan ko siya. "Tapos gagala ka pa."
"Anong gagala? Nag trabaho ako!"
"Na may kasamang-" bumaling ako sa Jai. "Hindi ka pa ba uuwi? Tsismoso ka? Gusto mo tumira dito? Mag ipon ka."
Kinurot ulit ni Yesha ang likod ko. "Ang harsh mo."
Umiling ang Jai at pumasok sa kotse niya. Inis kong tiningnan si Yesha ngunit nakangiti pa siya.
"Anong nginingiti ngiti mo diyan?"
"Nag seselos ka?" natatawa niyang sabi.
"A-Anong?! Ako si Prince Ace Dirham na may ari ng kalahati ng Pilipinas? Na gwapo na mayaman na asawa mo? Mag seselos? Sa kanya?" turo ko sa sasakyan ng lalake na papaalis sa village. "Malamang oo! Nag seselos ako! Tangina pala non e! Susunugin ko bahay non! Hindi ba alam non kung sino ako?! Sinusumpa ko tangina niya titira siya sa gubat!"
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Married To A Maniac Boss [Season Two]
Romance•ON GOING Season 1 Tittle: Arrange Marriage with Maniac School King